36

43 0 0
                                    

RIEZHA'S POV

***

AYS, asan na ba si messy? Nagugutom na ko eh. Tapos dito pa sa madilim nya ko dinala. Iisang poste na may ilaw lang yung nandito -__- tapos wala pa kong kasama.

Ang sakit pa ng paa ko. Kasalanan ko din eh, kung sana di nalang ako lumabas at tiniis ko nalang yung gutom ko di sana di mapupuwersa yung paa ko. Baka lalo pa syang mamaga.

Tapos ayaw pa nya ko ipasan kanina.. may balak pang iwan ako.. haha! Buti nalang best actress ako napaniwala ko sya kanina haha! Edi bumalik sya. Pero grabe hah? Grabe sya makareact. Nag alala ba talaga sya? Naramdaman ko yun eh. Basta may kakaiba.

Anyway, natatawa din ako kanina nakukulitan na siguro sya sakin hahaha! Nyakaw lumabas na yung pagiging makulit ko. Ewan ko ba sa kanya ko pa yun nalabas. Siguro komportable na ko sa kanya.. ays teka asan na ba sya??

"Hi miss!"

"Ay tukmol!" Nang gugulat si kuya..

"Grabe naman po sa tukmol. Pwedeng makiupo?" Ang daming upuan dito pa talaga?

"Ah eh sige." Pagkasabi ko non tumayo na ko paalis..

"Teka miss! Saan ka po pupunta?" Pake ba nya?

"Ah.. aalis, nandyan ka na eh. Nakaupo. Hahanap nalang ako ng iba." Uupo daw sya eh... Osige aalis ako.

"Ah.. ok lang naman eh. Sige na tabi ka na dito." Abaa! Ang kapal!

"Ah sorry kuya. Di kita kilala eh. Sige una na ko sayo" mamaya pagsamantalahan pa ko nito eh. Asan ka na ba messy!!

"Di dito ka lang, tabi na tayo. Wala ka namang kasama-"

"Ano ba!! Bitawan mo nga ko!!" Nagulat nalang ako ng pilitan nya kong inuupo sa tabi nya.. halos magpumiglas na ko pero malakas sya dagdagan pa ng masakit kong paa.. "tangna! Bitawan mo sabi ako eh!!" Ayaw nya kong bitawan.. bwisit! Asan ka na ba messy!!

Nararamdaman ko yung hininga nya na nasa tenga ko na.."bwisit! Ano baa TULOOOONG!! MESSY ASAN KA NA!!" Hindi ko na kaya yung lakas nya.. "tangnaaa bitawan mo sabi ako eh!!" Maiiyak na ko sa sobrang takot.. messy bumalik ka na!

Mas nagulat ako ng sapilitan nya kong binubuhat.. pero di nya ko mabuhat dahil nagpupumiglas ako.. "tuloooonggwkskeagajg-" tinakpan nya yung bunganga ko... aaaaargh!!

Siniko ko yung baba nya dahilan para masaktan sya.. nabitawan nya ko kaya napaupo ako.. pinilit kong tumayo.. pero nagulat ako ng hawakan nya muli ako sa braso.. "b-bitawan mo ko!" Sabi ko habang nagpupumiglas

"BOOOOOGSH!!" nagulat nalang ako na makita yung bastos na lalaking yon na nakahiga at hawak yung labi nya na ngayon dumudugo na.

"Rie ok ka lang?" Tiningnan ko yung taong kanina ko pa hinahanap.. bakit ngayon ka lang? Halata sa mukha nya na alalang alala sya sakin..

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon