CHAPTER SEVENTEEN

49 0 0
                                    

"Rie? Are you Ready?" Sabi sakin ni kuya na ngayon nasa labas ng pinto at inaabangan ako.

"Yes kuya! Mauna ka na sa baba susunod na lang ako" sigaw ko mula sa loob ng kwarto.

"Ok!" Tanging sagot nya.

Kinuha ko na ang bag ko at yung mga gamit na dadalhin ko sa dorm. Sabi ko, sa dorm nalang muna ako magiistay, mag sasabi nalang ako pag gusto kong umuwi.

To: Messy Lordes

[ Paalis na ko, punta na ko sa dorm.😃]

Sent✔
Seen✔

From: Messy Lordes

[Yes! Makikita na ulit kita, magiingat ka sa byahe!]

Alam mo yung sa mga simpleng ingat ingat lang? Hindi ko maiwasang mapangiti, wala sigurong araw na hindi nya ko napapangiti.

To: Messy Lordes

[Ahaaha napaka! Bihira nga tayong magkita eh, madalas lang tayo magkachat. Sige na po inaantay na ko ni kuya sa kotse. Chat nalang kita pag nasa dorm na ko. Bye!]

Sent✔

At inoff ko na yung data ko saka bumaba na sa garahe kung nasaan si kuya na nag iintay sa loob ng kotse.

"So tell me.. sino naman yung bagong nagpapangiti sayo?" Bungad sakin ni kuya na makapasok ako sa kotse.

"H-huh? Anong bagong nagpapangiti? Wala ah" nakakunot noo kong sabi.

"Naku Riezha! Wag mo nga akong paglolokohin! Pinagmasdan kita kanina sa hapagkainan , may kachat ka at iba yung ngiti na nakikita ko" seryoso nyang sabi.

Teka tinutukoy nya ba si Messy? Si Messy lang naman ang kachat ko that time. Hindi kaya nakita nya nga?

"Wala kuya, si ano lang yun.. bago kong kaibigan" sagot ko.

"Rie, kailan ka pa natutong magtago kay kuya? So tell me, ano mo?" Sabi nya at tiningnan nya ko ng seryoso.

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon