35

38 0 0
                                    


RIEZHA'S POV

***

Nagising ako napansin ko na.. tulog na lahat ng kasama ko sa kwarto. So gabi na? Tiningnan ko naman yung oras sa cellphone ko. 9:00pm sharp. Hays ang sakit pa din ng paa ko. Pero medyo nagagalaw ko na. Naipahinga ko na kasi eh.

Ayt teka? Ngayon ko lang napansin.. nasa dorm pala ko? Aish pagkakaalam ko nasa likod ako ni messy. Myghad rie malamang naihatid ka na dito! Pinapairal mo na naman katangahan mo hah?

Anyway, nagugutom ako -__- may niluto kaya sila? Napatingin naman ako sa paa ko na masakit.. may benda na sya.. aaaw nilagyan nila? Hays... Nagugutom talaga ako. Di pa ko nag hahapunan eh. Tutulog tulog ka kase rie -__-

Dahan dahan akong tumayo.. teka asan ba yung tsinelas ko? Tsk ang lamig ng sahig eh.. halos hawakan ko na yung madadaanan ko. Pader, table, kama, makapunta lang ako sa mga pagkain.

Ng makapunta ako sa tapat ng kama ni abby may sulat sa ibabaw ng lamesa.. hmm nu kaya to?

To: rie
From: AALN(AALIYA,ABBY,LEXIE,NATIFAN)

Kung sakaling magising ka at tulog na kami. May pagkain sa labas ng kwarto. Doon sa baba. Di na kami nagluto gawa ng ang daming pagkain na niluto ng mga teachers. Pero kung di mo kayang maglakad papuntang baba, mas mabuting gisingin mo nalang ang isa sa amin.❤

Aish! Akala ko pa naman nagluto sila. Aaaw! Nagugutom pa naman na ko sobra. Gigisingin ko ba ang isa sa kanila? Aish wag na nga, nakakaistorbo pa ko ang layo na ng nararating nila eh.

Susubukan ko nalang maglakad, ganun naman dapat diba? Dapat nilalakad, para gumaling agad. Ako kasi yung tipo na kapag may sakit o may masakit, di ko binebaby di tulad ng iba dyan..

Pagkalabas ko ng kwarto kokonti lang ang taong nakikita ko. Ganito ba yung foundation dito? Ang boring.. dahan dahan akong bumababa sa hagdan, tsk... Panira kasi yung paa ko eh.. wuaa kawawa na yung maganda kong paa -_- teka kamusta na kaya yun si messy? Aish bakit ko ba iniisip yung taong yon? Iniisip ba nya ko? Tsk... Aaaaaah erase! Iniisip ko lang naman sya gawa nung kanina.. aish bahala na nga..

"Diba girl sya yung girl na binuhat kanina ni messy?"

"Ay oo nga! Ang swerte nya noh? Sila ba?"

"Ewan ko.. huhuhu pero bagay naman sila.."

Nu ba yan, pati ba naman dito may ganyang bulungan pa? Ay! Di ko pala matatawag na bulungan yon, rinig ko eh..

"Girl! Diba sya yung kasama ni messy kanina?"

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon