"Ang sarap pala sa pakiramdam na halos magdaan na ang ilang taon, tanda mo pa din ang unang pangyayari kung paano kayo nag kakilala ng taong mahal mo. Ang sarap sa pakiramdam na balikbalikan ang dating kayo, ang masayang kayo, at kung paano kayo nagkakilala at minahal ang isa't isa."______________________________________________________________________________
Rie's POV
"Where have you been?" Bungad sakin ni Aaliya.
"Sa CR, why?" Tanong ko.
"Ts! Si messy nagchat!" Masaya nyang sabi.
Nanlaki naman yung mata ko kaya agad kong kinuha sa kanya yung cp.
Napangiti ako sa chat nya dahil ramdam ko talaga yung pagiging sweet nya. Hindi ko alam pero ang sarap lang talaga sa feeling.
"Ehem! Nangingiti, dont tell me-"
"Shut.... Up!" Putol ko sa sasabihin nya. Hinawi ko sya saka pumunta sa upuan ko. Apurahan akong replyan sya.
To: Messy Lordes
[Hello! Haha thank you sa pag papaalala, opo kakain ako pag breaktime, nagugutom na din kasi ako. Ikaw din hah? Kain ka din]
Sent✔
Parang kanina lang, tinataguan ko sya. Pero ngayon energetic ko syang nireplyan.
"Naku! Nangingiti" rinig kong pang aasar ni abegail. Tiningnan ko naman sya ng masama.. kaya tinaasan nya lang ako ng kilay saka umarte na patay malisya.
Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.
1new message from Messy lordes
Nanlaki naman yung mata ko sa nakita. Online sya? Malamang nakapagchat nga diba? Ogag!
From: Messy lordes
[Breaktime na namin, kayo?]
To: Messy Lordes
[Ah, hindi pa eh. Kain ka na!]
Sent✔
Seen✔
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
غموض / إثارةTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"