40

38 2 0
                                    

ABEGAIL'S POV

"Uhmm abby? Thank you nga pala dahil dumating ka don ah" sabi ni rie.

"Actually, si roy ang pasalamatan natin eh. Kung hindi dahil sa kanya hindi kita masusundan." Paliwanag ko.

"Ah.. what do you mean?" Tanong nya.

"Hays ganito kasi yon"

*****

*FLASHBACK*

Magkasama kami ngayon ni roy sa tapat canteen. Magmula ng magkausap usap kami nina rie sya na ang madalas kong kasama. Nawawalan na nga ko ng time para sa mga kaibigan ko dahil sa ginagawa namin eh.

Ginagawa ko lang naman to para sa kaligtasan ng mga kaibigan ko. Sinubukan kong putulin yung ugnayan ko kay pat pero mukhang huli na kami.

Nabalitaan ko kay roy na, sa tuwing di nya ko kasama binabantayan o minamanmanan nya ang grupo nina pat. Dun ko din nalaman sa kanya na si rie pala ang target nya dahil nabalitaan nya na napapalapit na si rie kay messy at kay anthony kaya yun ang gagamitin nila para ikabagsak o ikasira ni rie.

Mula ng malaman ko ang impormasyong iyon lagi ko ng binabantayan si rie at kasama ko si roy don.

Hindi ko maiwasang di masaktan na sa tuwing iniisip ko na galit sakin yung kaibigan ko. Hindi ko naman ginustong mag lihim. Natatakot lang ako na baka pag nalaman ni rie ang sikreto ni pat, mas ikapahamak pa nya. Dahil kilala si patricia sa buong campus, mahirap pabagsakin ang katulad nya lalo na ang tingin sa kanya ay isang anghel na walang katulad.

"Iniisip mo pa din sya?" Tanong ni roy

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon