Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiing!Urgh! Ano ba yan -__- saglit palang ako natutulog ah? Huhuhu...
Inabot ko yung alarm clock ko na walang tigil sa pagiingay! Tssss
Nagunat unat muna ako bago bumaba at kumain.
*Yawn* panibagong araw nanaman. Hays..
Sinuot ko yung slippers ko dahil malamig ang sahig. Lumabas na ko ng kwarto at dumeretso na sa kusina.
Nakita ko naman si kuya na bago palang nagluluto.
"Goodmorning kuya!" Bati ko sa kanya at dumeretso sa refrigerator para kumuha ng gatas.
"Goodmorning din baby girl! Musta tulog?" Sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa niluluto nya.
"Hmm ok lang. Hays napapadalas ngang managinip eh. Saka tumawag kasi sakin si aaliya kaninang alas kwatro.. tsk kaya medyo bitin ang tulog ko" sabi ko na may halong pagkabored.
"Oh bakit daw? Miss ka na nya?" Nakangising sabi ni kuya.
Tiningnan ko naman sya na parang nandidiri "geez! Kuya pinagsasabi mo dyan! Tsk tumawag sya kasi si abby lumabas nanaman ng gabi at alas kwatro na wala pa din daw. Eh hindi lang naman namin malaman ang dahilan" pagpapatuloy ko.
"Oooh! Ganun ba? Akala ko naman namimiss ka na nila. Yun pala hindi" nang aasar ba sya oh ano?
Hmm onga, wait parang nakaramdam ako ng lungkot. Tumawag si Aaliya dahil don, at hindi dahil namimiss nila ko? Hmmm.. hindi ba nila ko namimiss? Samantalang sila namimiss ko na. Hays lagot talaga sila sakin! -__-
"Hahaha woy! Anong mukha yan?" Nagulat naman ako sa pag gulat sakin ni kuya.
Tiningnan ko lang sya saka naglakad paalis, pero bago yun bigla nalang ulit sya nag salita.
"Malay mo may manliligaw?" Sinabi ni kuya yun na syang ikinatigil ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya na may halong pagtataka sa mukha ko.
"Kuya? Kung ano ano pumapasok sa isip mo. Manliligaw? May manliligaw si abby ng hating gabi hanggang madaling araw? Kaloka ka kuya!" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"Malay mo nga lang diba? Ayaw nya lang ipaalam sa inyo... Malay lang yun Rie, hindi pa tayo sure dun." seryoso nyang sabi. "Palibhasa kasi, hindi ka pa ulit naiinlove kaya nasasabi mo yan!" Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Gizem / GerilimTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"