CHAPTER TWENTY-SIX

52 0 0
                                    


Riezha's POV

"Woy rie ano na? Di ka na kumibo dyan?" Sabi ni Aaliya na ikinagulat ko.

"H-huh?" Wala sa sarili kong sabi.

"Huh ka dyan? Kanina pa po hinihintay ni ate yung order mo! Ano ba kasi iniisip mo hah?" Taas kilay na sabi ni Aaliya.

Masyado pala ako lutang at di ko napansin na ako na pala ang oorder. Nandito kami ni Aaliya sa canteen, sabi nya kase dito nalang kami mag umagahan..

Umorder nalang muna ako at sumunod na kay Aaliya na ngayon nakaupo at nagsisimula ng kumain.

"Oh rie ano ba kasi iniisip mo? Naku dont tell me si messy noh? Siguro inamin mo na sa sarili mo na gusto mo na sya noh?" Bungad nya nang makaupo ako.

Nagulat naman ako sa mga pinagsasabi nya! Abay si messy nanaman? Sya ata ang may gusto dun eh.. saka teka bakit si messy naman agad naisip nya? Nananahimik yung tao baka mamaya masamid pa sya..

"Woy! Ayan ka nanaman eh! Lutang ka... Wag mo ng pagiisipin yun si messy, hahaha hindi ka iniisip nun!" Sabi nya.. sabay tingin ng nakakaloko.

Hindi iniisip! Pshh eh ano naman? Di ko din naman sya iniisip eh.. hindi talaga! Tsk. Pero bakit ganun? Di nya ba talaga ako iniisip? Ayss ba iyan rie akala ko ba di mo sya iniisip? Tsk.. bahala nga sya.

"Isa pa rie! Ano nga ang dahilan at parang ang lalim ng iniisip mo" tanong nya habang kumakain.

"Wala.. sige na kumain ka nalang dyan. Daldal ka pa ng daldal eh." Sabi ko at nagsimula ng kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin ni Aaliya, nang bigla nalang naagaw ng pansin ko ang pumasok sa pinto. Halos masamid ako na makita ang taong pumasok sa pinto.

"Oh rie para kang nakakita ng multo dyan" sabi sakin ni Aaliya na nagtataka. Nilingon nya kung saan ako nakatingin. Pati sya magulat gulat na makita ang dalawang taong magkahawak ang kamay

Seryoso? Pinanindigan nya talaga ang nangyari kaninang madaling araw? "R-rie? H-hindi ba ko namamalikmata?" Tanong nya.

Pinagmasdan lang namin ang dalawang tao na ngayon nasa upuan na at naguusap.

Tumayo ako at niyaya si Aaliya na lumabas na ng canteen. Siguro kailangan ding malaman ni Aaliya ang tungkol dun. Tutal alam naman ni Aaliya na lumalabas si abby tuwing gabi.

Pumunta kami sa gym, kung saan walang tao. "Teka ano bang ginagawa natin dito? Saka sino ba yung lalaking kasama ni abby?" Nagtatakang tanong ni aaliya.

"Hays... Ganito kasi yun." Nagsimula na kong magkwento kung ano ang nangyari kaninang madaling araw at yung mga nakakagulat na pinag sasasabi nung roy na yun.

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon