Pst!
Pst!
Napatayo ako sa kinauupuan ko na marinig na may sumisitsit sakin mula sa likod..
Tiningnan ko ito at isang anino lamang ang nakikita ko. Pilit kong inaaninag kung sino ito subalit hindi ako nagwagi.
"Iloveyou!" Rinig kong sabi nya, ngunit hindi ko pa din maaninag kung sino ang taong iyon.
Tinakbo ko ito pero bigla nalang nawala. Halos nagiba ang kapaligiran, ang kaninang maliwanag ngayon nag dilim..
"Sino ka?!" Sigaw ko. Kahit alam kong wala na ang taong yon.
Bigla nalang nagiba ulit ang kapaligiran, nasa kama ako hawak ko ang cellphone.
Tumunog ito at tiningnan ko kung sino ang nagchat. Hindi ko maaninag pati pangalan nito, pero ang chat nya basa ko.
"May crush ka na ba? I mean, may natitipuhan ka na bang tao na lagi mong kausap?" Ang nakalagay.
Hindi ko alam pero bigla nalang nagkusang gumalaw ang mga daliri ko at nagtype.
"Ahaha, wala eh" sabi ko. Pero alam ko sa sarili ko na ang kausap kong ito ang taong gusto ko.
"Weh? Psh kahit isa? Imposible kasi ako nga meron eh" reply nya pabalik.
Interesadong interesado akong malaman dahil parang may kutob ako na ako ang nagugustuhan nya.
"Maduga, sabay dapat tayo." Sagot nya.
Napangiti naman ako, dahil hindi ko inaasahan na gagawin nya ito at interesado din itong malaman.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Gizem / GerilimTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"