CHAPTER FOUR

101 1 0
                                    

[A/N: guys, sana nagugustuhan nyo po ang story ko. Sa mga silent readers po, please vote po. Tapos pakifollow nyo na din po ko. Please pakisuportahan na din ako. Salamat and godbless you all!]

Umupo si kuya sa kama, ako naman inayos ko yung mga kakainin ko.

" May problema ba Rie? Hindi ka naghapunan kagabi " pambasag ng katahimikan sa kwarto.

"Ah, kagabi pa k-kase masama pakiramdam ko kaya ayun nakatulog ako" pagiiba ko sa pangyayari. Hays ayoko kasing pagusapan ang naging sagutan namin ni ate. Dahil alam kong sawa na si kuya sa paulit ulit na ganunan namin.

Nang matapos akong kumain, kinuha ni kuya yung tray at aakmang lalabas na ng kuwarto pero nagsalita ako " kuya?.. b-bakit ganon? Wala na po ba akong karapatang... Karapatang gawin ang gusto ko? Wala na ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Wala na ba akong karapatang maging... M-m-malaya?" Nanginginig kong sabi.

Hindi ko na napigilan, ayaw ko mang isipin pero, masyado na kong nababaliw sa ganitong sitwasyon.

" Hays, Rie. Wag mo ng pagiisipin ang mga ganyang bagay, ang isipin mo nalang..." At hinawakan ni kuya ang baba ko para itingin sa kanya.

"Isipin mo nalang na, hays ang gwapo ng kuya mo" nagulat ako sa huli nyang sinabi!

Tsk! Seryoso ako sa mga sinabi ko tapos nakuha pa nyang magbiro!?! Urgh!! Padabog akong pumuntang Cr, para magayos. Ilang araw nalang pala pasukan na naman. Hays goodluck!

____

At ito na nga, dumating na ang kinakatakutan ko. Este, ang inaabangan ng karamihan. Geez! Pasukan na! >∆< huhubels!

"Rie, are you ready?" Bungad sakin ni kuya ng makalabas ako. Nasa loob na sya ng kotse. Sya daw kase ang maghahatid sakin sa first day of school. Psh! Para naman akong elem. Pero ok na masyadong mainit ayokong magcommute

Nang makarating kami sa bago kong papasukan, itinigil muna ni kuya yung sasakyan sa tapat ng entrance hall. " Riezha! Yung mga sinabi ko sayo hah? Pag may nanli-"

"Kuya! Jsko naman, kanina pa yan. Oonga sabi eh. Saka sa tingin mo ba may magkakagusto sakin dito? Look, mukhang mga high-class sila" pagpuputol ko sa sasabihin ni kuya. Psh kanina pa sya dada ng dada sa kotse. Pag daw may manliligaw sabihin agad daw sakanya. At syempre hindi mawawala sakin ang payong aral ng mabuti .. yeah right -_-

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon