"Owemji, himala ang aga nating apat hah?" Sabi ni natifan na makitang kami palang apat ang tao sa room.Masyado ba kaming maaga o wala lang talagang pasok?
"Guys baka walang pasok?" Takang tanong ni aaliya na naglilibot sa classroom.
"Lol aaliya monday ngayon. Saka sayang ang effort ko sa pag gawa ng assignments noh" sabi ni abegail.
"Eh malay mo diba? Tingnan mo nga tayo palang ang tao sa room." Naiinis na sabi ni Natifan.
"Hays... Kayo talagang tatlo magsitigil nga kayo!" Saway ko sa kanila.
Tiningnan lang nila ako saglit.
Ayokong makisawsaw sa init ng ulo nila. Masyado silang nag papaapekto.
Tsk... Nag earphones nalang ako at nakinig sa music.
Ilang minuto din ang itinagal ng pagkinig ko sa music ng bigla nalang may kumuhit sakin.. tiningnan ko ito at nakita ko si natifan na nakatingin sa pinto na mukhang gulat na gulat.
Tiningnan ko kung sino ang nasa pinto, nagulat din ako na mapansing adviser namin ang nakatayo dun na nakakunoot ang noo at tinitingnan kami.
"Office, now!" Sigaw nito.
Agad naman kaming kumilos at pumunta sa office nya.
Geez! Anong kasalanan namin?
Nang makarating kami sa office ni Mr. Verona, umupo ito sa kanyang upuan at itinuon samin ang atensyon.
"Bakit hindi kayo umattend ng flag ceremony?" Kunot noo nitong tanong.
"Po?" Takang sagot naming apat. "Flag ceremony?" Muli naming sabi.
"Hindi nyo alam? Kanina pa kami sa gym. At kayong apat lang ang wala tapos makikita ko kayo nasa room sarap buhay?" Hindi makapaniwalang sabi ni sir.
"Sir excuse me? Ni hindi po namin alam ang tinutukoy nyo! Ni hindi nyo kami ininform na may flag ceremony! Akala pa man din namin masyado kaming maaga kaya kami lamang ang estudyante sa room!" Pagtatanggol ni Abby samin.
"Sa tingin nyo ba maniniwala ako sa mga rason nyo? Baka nakakalimutan nyo every monday ginagawa ang flag ceremony" sagot ng guro habang nakasandal sa upuan nito.
"Pero sir, hindi namin sinasadyang makalimutan ang about don. We're so sorry sir." Paumanhin ni natifan.
"Edi inamin nyo ding kinalimutan nyo?" Nakataas kilay nyang sabi.
"Nakalimutan sir, nakalimutan... Not kinalimutan" sabi ni abegail...
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misterio / SuspensoTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"