Hingal na hingal akong pumasok ng pinto at agad sumalubong sakin si kuya " oh rie? What's with your..."
"Oh shut up kuya!.. where's grandma?" Pagpuputol ko sa sasabihin ni kuya.. ona haggard na si ate mo! Hays..
Tinuro nalang ni kuya ang direksyon kung nasan si lola.. geez! Pwede namang magsalita at sabihing nasa kwarto nya -__-
Naglakad nalang ako patungo sa silid ni lola. Masyado akong pagod magmaneho at tumakbo mula gate hanggang pinto ng bahay. Masyado ko din pinairal ang kashungahan ko hindi ko naisipang magdrive papuntang garahe. Hays yung motor ko -__-
"Kuya! Pakipasok naman yung motor ko thank you!" At hinagis kay kuya yung susi ng motor ko bago umakyat sa kwarto ni lola.
Nang makarating ako don, nakaawang ng konti ang pinto pero di muna ako pumasok dahil may kausap si lola sa telepono
"Ok lang grizelda ang mga anak mo. Si Rie nga pala inenroll ko na sa Wildroses Univ...." So? Si mama ang kausap nya?
"Eh ganon pa man.. naninibago pa naman ang bunso mo, pero wag kang mag alala alam kong magiging masaya naman sya dito sa pilipinas" dagdag pa ni lola..
Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi maisip ni mama na sa amin mismo tumawag? Mula nang makauwi kami dito sa pilipinas, hindi ko na ulit narinig ang boses nya.
Nakinig lang ako ng pinaguusapan nila hanggang sa magpaalam na si lola. Pumasok ako ng saktong ibinaba na ni lola ang telepono.
"So, its mom?" Bungad ko.
Medyo nagulat ito pero nakabawi naman sya agad kaya umayos ito ng kilos..
"Uhm yes, nangumusta lang ang mama mo-"
"Maari naman syang tumawag sa akin, sa aming mga anak nya para naman masigurado nya talaga na ok kami. Bakit sa inyo pa?" May inis sa boses ko pero mas pinigilan kong ilabas to.
"Nagmamadali daw kasi sya.. pumuslit lang sya ng oras para makatawag.. sa susunod na tatawag sya sasabihin ko na sa inyo nalang tuma-"
"No, thanks. Mukha namang naibibigay mo ng maayos ang balita. Hindi na kailangan." Sagot ko. Alam kong masyado akong masama sa pakikipagusap. Pero may sakit din naman akong dinaramdam na di nila alam.
" Actually, pumarito ako para alamin po sana kung ano na pong balita sa papasukan kong eskwelahan?" Sinimulan kong iopen ang talagang pakay ko dito.
"Ah, about don apo.. masaya ako na nakapasok ka. Ibabalita ko na sana sayo kahapon ng tumawag ang kaibigan ko. Kaso tulog ka" sagot nya..
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Gizem / GerilimTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"