CHAPTER FIFTEEN

51 0 0
                                    


Walang bago, nanatili akong nakahiga sa kama.. iniisip lahat ng nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala. Ano ba bakit ganito ang nangyayari samin ni ate? Mahirap bang sabihin ang sorry at kailangan pang utusan?

Binuksan ko ang cellphone ko, makapagonline na nga lang muna. Baka may nakaalalang magchat naman sakin. Hayss baka si messy nagchat na.. halah onga si messy!

Apurahan akong inon ang data ko at hindi naman ako nagkamaling nagchat nga sakin si messy.

Hindi ko maiwasang mapangiti, ewan ko ba.. ilang araw palang naman kami nagkakausap sa chat pero parang gustong gusto ko na sya kausap.

From: Messy Lordes

[Hi rie! Balita ko umuwi ka daw sa inyo?]

[Ingat ka dyan hah? Kailan ka ulit pupuntang dorm? Kain ka ng maayos dyan hah?]

[Chat mo ko pag online mo]

Hindi ko mapigilang mapangiti, ang sweet nya. At hindi ko din matatanggi na gusto ko ang ginagawang pagtrato nya sakin.

To: Messy lordes

[Hi! Oo haha actually nasa bahay na ko. Dont worry lagi ako kumakain dito. Ikaw din magiingat ka! Saka sa limggo ako uuwi mga hapon]

Sent✔

Hays, ang sarap sa pakiramdam na may ganito pa ding tao? Geez! Ano ba yang iniisip mo rie! Tsk tigilan!

1 new message from Messy Lordes

Apurahan akong tingnan ang reply nya...

From: Messy Lordes

[Buti naman! Hahaha... Kumain ka na ba?]

To: Messy Lordes

[Ahahaha, oo nasa kwarto ako ngayon. Teka nga paano mo nalaman na umuwi ako?]

Sent✔
Seen✔

Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga oras na to. Lalo na pag nakikita kong ang bilis nya iseen ang mga chats ko.

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon