Lumabas yung teacher namin para daw mag CR saglit, kaya naman hindi maiwasang lubusin ang pagkakataon ng mga kaklase ko na mangopya. Hays school days nga naman.May kumatok sa pinto ng classroom namin kaya agad naman nito naagaw ang atensyon ko.
"Hi po, nagtitinda po kami ng Ice candy.. sino po gustong bumili?" Sabi ng lalaking estudyante na may dalang styrofoam at sa tingin ko nasa loob nito ang sinasabi nilang ice candy
Astig, hindi ko alam na may nagtitinda pala ng ice candy dito? I like it. Bago palang kasi ako dito diba? Malay ko bang may nagtitinda ng ganito ditey?
Maraming lumabas at nakipag agawan para makabili. Pero ako nanatili lang na nakaupo, at pinagmamasdan ang mga kaklase ko na parang patay gutom at ngayon lang makakakain ng ice candy -__-
"Uy Zha? Tara bili tayo?" Sabi sakin ni xyza, isa sa mga kaklase ko
"Ayoko, ikaw nalang siguro" sabi ko at tumungo nalang.
"Ah ok, sa may next batch nalang ako bibili."sabi nito.
Umalis na yung unang batch na ngtitinda ng ice candy. Ilang minuto din ang tinagal na pag aantay ko sa next batch na sinasabi ni xyza.
Maya maya pa ay may bigla nalang sumulpot na dalawang nilalang este dalawang estudyante na katulad nga sa nauna may bitbit na styrofoam at sa loob ay nandun ang Ice candy nila.
Tumayo ako para bumili, medyo nagugutom na din ako. Pampalipas kain muna.
Isang babae at isang lalaki ang nagtitinda, kaya naman kinuhit ko yung babae at nilingon naman niya ko.
" Ate, magkano po ice candy?" Wala kong ganang sabi.
Nagulat naman ako sa naging reaksyon nito, kaya nagtaka na ko.. bakit? May mali ba sa sinabi ko?
" Ah tol! Hahahaha tinawag kang ate!" Sabat ng lalaki nyang kasama
Kumunot naman ang noo ko don. Eh bakit ba? Babae naman sya ah, teka may mali eh..
" Wag mong pagbebentahan ang isang to hah! Tinawag akong ate eh!" Sabi nung girl.
Tiningnan ko ng mabuti yung mukha nya, at dun ko napagtanto na... Fuck! Sya yung nagsayaw nung nagaudition kami sa AVR! 0_0 Sya yung.... Yung.. takte! Yung lesbian!
Hindi ko alam pero... Bigla na kong nagpanic at nakipagsiksikan para makalapit sa kanya.
"Halah ate, hindi ko alam. Eh ano po bang itatawag ko sa inyo?" Sabi ko na ngayon malapit na ko sa kanya.
"Ahahaha!" Hindi mapigilang hindi matawa ng kasama nyang lalaki
Tiningnan nanaman ako nung lesbian na parang gulat na gulat talaga sa mga sinabi ko
"Ah talagang ah! Tol wag na wag mo talagang pagbebentahan to!" Sabi nya. Hindi ko naman makita sa mukha nya na naiinis na sya. Para bang hindi lang sya makapaniwalang matatawag ko sya nun?
Like duh? Eh hindi ko nga sya kilala eh, malay ko ba diba?
" Halah kuya pabili po ko!" At this time, yung kasama nya na ang kinausap ko.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Mistero / ThrillerTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"