MESSY'S POV
**
"Oh ayos na ba yun ah?" Tanong ko sa mga kasamahan ko. Nandito kami ngayon sa gym. Sinisigurado kung ayos ba at hindi mag kakaroon ng problema mamaya
"Opo boss! Ayos na ayos" sabi sakin.
"Boss boss! Nawawala yung mga paa ng isang lamesa don!" Sabi ng isa kong kasamahan na hingal na hingal pa.
"Putcha! Hanapin mo nasa akin ba ang mga paa! Ano panh iniintay nyo? Hanapin nyo na!!" Powtek! Nakakastress!
"Chill ka lang tol! O palamig ka muna!" Sabi ni brion na bagong dating at may dalawang softdrinks na dala. Kinuha ko yung isa at sumipsip dito.
"Ayos na ba yung para mamaya?" Tanong ko.
"Oo naman ayos na ayos. Ako ba naman ang nag ayos eh. Ayus yon!" Proud na proud sa sarili -__-
"Siguraduhin mo lang na maayos hah? At walang kulang, at lalong lalo na hindi magbabagsakan yung mga palawit! Talagang ah ibibitin kita patiwarik!" Natatawa kong sabi.
"Sus! Basta pag nagka problema-
"Siguraduhin mong hindi magkakaron ng problema lintika ah!" Sabi ayos na ayos daw tapos ngayon hihirit sya ng ganyan!?
"Napakainit ng ulo mo! Chill ka nga dyan. Halikan kita eh!" Aba aba sineswerte ang mokong.
"Oh sige halikan mo ko. Ano oh ano! Dali! Wala ka pala eh! Sapak abot mo umayos ka!" Natatawa kong sabi. Normal na samin ang ganunan namin ni brion. Dahil since elementary mag bestfriend na kami.
Minsan nga sa bahay pa sya natutulog eh, sabi nga ng nanay ko aampunin nalang daw nya si brion. Nakakatuwa lang na may kaibigan akong katulad nya.
"Oy bata! Basta pagnagkaproblema, itext mo lang ang gwa- ARAY!! Para san yon?" Batukan ko nga -__-
"Napaka hangin mo ah! Umayos ka nga. Kinikilabutan ako sayo!" Mga banat eh eh wala sa lugar.
"Sows! Tandaan mo kung di dahil sa gwapo kong mukha hindi- ISA PA! ANG SAKIT NA HAH!" Natawa naman ako sa itsura nya.
"Naging mag kaibigan tayo dahil gwapo ako. Yun yon! Mga banat mo baliktad eh!" Wala na syang ibang nagawa kundi hawakan yung ulo nya. Hayss kawawang brion.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misterio / SuspensoTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"