"Bakit? Bakit mo ko iiwan? Bakit ka magsasawa kung mahal mo ko?" Yan ang tanging nasasabi ko habang umiiyak sa kawalan."Nangako ka sakin na hindi mo ko iiwan! Pero bakit ngayon? Iiwan mo na ko!" Dagdag ko pa.
Sabi nya sakin, hindi nya ko iiwan! Sabi nya kahit kailan hinding hindi!
"Nasanay akong nandito ka. Nandito ka para sakin. Pero bakit ngayon? Yung pangakong sinabi mo ngayon wala na at hindi mo mapanindigan!" Hindi ko na mapigilang umiyak. Umiyak sa madilim na lugar, na alam kong ako lamang ang tao dito..
Ang hirap ng maniwala sa pangako. Pangakong laging napapako, pangakong hindi mapanindigan, pangakong hanggang salita na lamang.
"Rie!" Rinig kong tumawag sakin.
"Rie!!"
"Rie gumising ka!" Nagulat ako sa boses ni kuya na ginigising pala ako.
Tumingin ako sa paligid, maliwanag naman ito.. napansin kong nasa garahe na kami ng bahay.. nasa bahay na ko?
"Rie ano bang nangyayari sayo? Nananaginip ka!" Muli kong tiningnan si kuya na nag aalala.
Nananaginip ako? Nanaman?
"Ah wala kuya. Its just.... Its just a nightmare" sabi ko habang hinahanap ko pa yung sarili ko.
Magmula ng pumasok ako sa paaralang iyon, lagi nalang ako nananaginip. Minsan masamang panaginip, at minsan naman ay lubos na ikinatutuwa ko.
Nang mahanap ko na yung sarili ko, sinabi ko na kay kuya na bumaba na kami, malayo din ang binyahe namin malamang sa malamang gutom na din si kuya.
"Kung gusto mong makita yung car na binili sayo ni ate nandun lang sa-"
"No thanks. Nagugutom ako at ang gusto ko lang gawin is, kumain at pumunta sa kwarto ko at matulog." Sabi ko yun habang hindi mapigilang magtaray.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Mystery / ThrillerTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"