CHAPTER TWENTY- FIVE

45 0 0
                                    


Riezha's POV

Naalipungatan ako kaya naman napagdesisyunan ko na lumabas muna at magpahangin. Pero bago pa man ako makalabas ng pinto, napansin ko ang kama ni abby.. wala sya dun. Na saan sya? Lumabas nanaman?

Tiningnan ko ang cellphone kung anong oras na. Halah! 12:00am na ah, asan sya? Matagal ko ng binabantayan si abby pero ngayon lang nagkataon na nagising ako na wala sya.

Lumabas ako ng room suot ang jacket ko. Madilim na sa dorm, at halos kokonti lang ang ilaw na bukas. Bumaba ako ng hagdan para din pagmasdan kung nasaang lupalop ba ang babaeng iyon. Binuksan ko ang pinto at lumabas, ramdam ko ang lamig na bumabalot sa akin. Madaling araw palang kasi. Halos liwanag nalang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran. Lumingon lingon ako sa paligid umaasang makikita ko si abby pero wala. Naagaw naman din bigla ang atensyon ko nang may lumabas galing sa isang classroom. Isang babae na nakasuot ng bonet at jacket at isang lalaking nakat-shirt na black. Palapit sila sa pwesto ko at nang medyo mapalapit na sila kung nasaan ako, dun ko lang napagtanto na... Si... "A-abby?" Mahinang tawag ko pero sapat na para marinig nya. Nanlaki ang mata nito ng makita ako. Saglit akong napatingin sa lalaking kasama nya. Sino sya? At anong koneksyon nya kay abby... Hindi kaya?...

"Rie? A-anong ginagawa mo dito?" Ramdam ko ang pagkakagulat niya sa tono palang ng pananalita nya.

"Diba ako dapat ang nagtatanong nyan sayo? Anong ginagawa mo ng ganitong oras?" Sabi ko "at... Sino naman yang kasama mo?" Dagdag ko. Tiningnan ko naman ang lalaking kasama nya. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nya. Tibay hah?

"Ah. Ah ano kasi, naalipungatan kasi ako, tapos di na ko makatulog. So lumabas muna ako para magpahangin. Ah saka si ano si Roy pala, uhmm... Ano kaibigan ko"paliwanag nya habang napapakamot kamot sa batok nya. Alam kong nagsisinungaling sya... Pero hindi ko dapat ipahalata na may konting alam ako lalo na madalas nyang ginagawa ang paglabas ng gabi.

"Bakit naman kayo magkasama? Saka abegail, anong ginagawa nyo sa room na yun?" Nakakunot kong tanong habang tinuturo yung classroom na pinanggalingan nya

Nahalata ko namang hindi na sya mapakali, pero kailangan kong marinig ang rason nya. "A-ano kasi nagkataon lang na gising din sya at nagkasama kami. Eh kaya kami nasa classroom na yun kasi, baka mahuli kami kanina ng guard na naglilibot" rason nya.

Gusto kong umiyak, bakit kailangan nyang magsinungaling? Bakit ba ayaw nyang sabihin ang totoong rason? Bakit kailangan nya pang itago? Kaibigan nya kami pero bakit?

"Ikaw? Rie bakit nasa labas ka pa?"tanong nya. Sinulyapan ko sya pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Ah naalipungatan din ako, kaya lumabas ako para magpahangin. Pero hindi ko inaasahang makikita kita." Seryoso kong sabi. Ibinaling ko ang atensyon ko sa lalaking hanggang ngayon hindi pa din umaalis. "Bakit nandito ka pa? Pwede mo na syang iwan. Nandito na din naman ako" sabi ko.

Mukhang nabuhayan naman sya kaya napabuntong hinga sya "uhm, aalis ako pag narinig ko na ang permiso mo"nagtaka naman ako sa sinabi nya. P-permiso ko? Para saan? "Uhm, pwede ko bang.... Pwede ko bang ligawan ang kaibigan mo?" Halos mapanganga ako sa mga sinabi nya. A-ano? Ligaw sa kaibigan ko? Tama ba ang mga narinig ko? Liligawan nya ang kaibigan ko? At sakin sya humihingi ng permiso?

OW....MY...GHAD! Tama kaya si kuya? Na... Na kung bakit lumabas si abby tuwing gabi dahil.. dahil sa lalaking ito? Sa lalaking ito na matagal ng gustong manligaw sa kaibigan ko? Owem.....ji!

Abegail's POV

"uhm, aalis ako pag narinig ko na ang permiso mo" sabi ni roy. Roy nalang tawag ko, masyadong mahaba pag Christian. "Uhm, pwede ko bang.... Pwede ko bang ligawan ang kaibigan mo?" Dagdag pa nya na ikinagulat ko.

Napatingin ako kay roy na seryoso lang ang mukha. Putek anong pinagsasabi nitong lalaking to? Kakakilala ko palang sa kanya tapos ngayon liligawan na nya ko? Tiningnan ko naman si rie na halos maluwa luwa na ang mata nya sa sobrang gulat.

Tinulak ko si roy dahilan para mapatingin sya sakin. "A-ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Sinabi ko, manliligaw ako." Seryoso nyang sabi. Teka naguguluhan talaga ako.

Napatingin naman si rie na ngayon medyo ok ok na "ah.. huh? A-anong sabi mo liligawan mo ang kaibigan ko?" Tanong ni rie kay roy.

Humakbang papalapit si roy sa akij at inakbayan ako "sa ayaw at sa gusto mo, liligawan ko si abegail" pagkasabi nya nun, humarap sya sakin at nginitian ako.

Narinig ko naman parang nabigla si rie sa sinabi ni Roy. "Ah ganun? Eh sira ulo ka pala noh? Hiningi hingi mo pa ang permiso ko kung ikaw din pala ang masusunod!" Pagtataray ni rie. Gusto ko sanang matawa sa itsura ni rie kaso baka magalit. Tsk ano ba kasi tong mga pinagsasabi ni roy! "Abegail! Tara na matulog na tayo." Pagkasabi nya nun, nauna na syang lumakad.

Nakakuha naman ako ng tiyempo para tanungin si roy kung ano bang kalokohan tong ginagawa nya.

"Wag mong isiping may gusto ako sayo. Ginagawa ko lang to para pagtakpan yang kalokohang pinasok mo! Saka.... Para maiwas iwasan mo na din ang pagsama dyan kina pat. Kaya simula bukas, lagi na kong nakasunod sayo." Pagkasabi nya non, lumakad na sya paalis. At ako ilang minuto ang lumipas bago mag sink in sa utak ko ang ibig nyang sabihin.

"Abegail!" Nagising naman ako sa reyalidad ng tawagin ako ni rie na ngayon nasa pinto na ng dorm. Ayss paano ako magpapaliwanag nito? Tsk hayuf ka talaga roy!!

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon