Messy's POVNaglalakad kami ngayon papunta sanang office ni Mr. Verona. Adviser ng Gr. 7.
"Uy tol! Diba yun yung girl na tinawag kang Ate kahapon? Grabe noh hahaha ang sama nya" pang aasar nya sakin habang tinuturo yung babaeng ang lakas ng loob akong tawaging ate -__- walang modo.
Tiningnan ko ito at nagtataka ako sa kinikilos nya, may pinagtataguan ba sya? Bakit nakaharang yung kamay nya sa mukha nya? Psh... Teka baka ako ang pinagtataguan nya? Hindi sa assuming pero hahaha may kutob lang ako.
"Onga eh! Walang modo!" Sagot ko kay timothy.
Sya kasi yung kasama ko kahapon na magtinda kami ng ice candy, at kamalas malasan.. sa section ng babaeng iyon pa kami napunta at dun... Dun yung room kung saan ako tinawag na ate! Hmpf! Grabe hindi ako makapaniwalang tinawag nya kong ate! Mangiyak ngiyak na talaga ako kahapon. Huhuhu! At wow, kinuhit nya pa ko kahapon para lang tanungin kung magkano yung ice candy? Ok na sana eh kaso. Takte talaga ate magkano po ice candy? 'ATE' Langya talaga eh.
"Chill messi hahaha bata yan o, papatulan mo pa. Nagsorry na ba sayo?" Natatawang sabi ni timothy.
Naalala ko kagabi, nagchat sya sakin. Nagsorry sya sakin? Teka paano nya nalamang yun ang name ko sa facebook? Di bale, mabait naman sya eh.. haha ang cute nya pa... Oona di ko matatangging cute sya.. pero hindi ko pa din matanggap na tinawag nya kong ate.
"Woy! Ano nagsorry ba?" Gulat na tanong sakin ni mothy.
"Ah! O-oo" utal kong sagot. Pano ba eh nanggugulat psh!
"Hahaha talaga? Personal? Ano sabi?" Natatawang tanong ni mothy.
"Chat. Nagsorry sya. Hindi naman daw nya sinasadyang tawagin akong ate. Bago lang daw kasi sya dito kaya di nya ko kilala" paliwanag ko habang nakatingin pa din sa dinaanan nung babaeng yun
"Chat!? Talaga? Eh paano hahaha. Ano sabi mo sa kanya?" Hindi makapaniwalang sabi ni mothy.
"Hmpf! Edi sabi ko ok lang, tawagin nya nalang akong....... Pogi" nakangisi kong sabi.
"Grabe ka tol! Pati bata ginanyan mo!" Hindi makapaniwalang sabi ni mothy
Duh? Anong masama dun? Hahaha eh totoo naman ah..
Wait! Ako nga pala si Messy Lordes, ang nagkakaisang poging nilalang sa campus na ito. Matalino, mabait, moody. Maputi, basta pogi ^_^
"Psh, eh paano kung tawagin ka nyang pogi? Sa karamihan ng tao?" Tanong nya. Ewan ko kung tanong ba o ano iyon psh! May gusto atang palabasin to eh!
"O? Eh nung masama dun? Totoo naman ah?" Sabi ko. Proud kaya ko sa kapogian ko. Ewan ko lang kung bakit yung babaeng iyon di man Lang nahiyang tawagin akong ate?
"Hays, ang kapal! Bahala ka na nga dyan!" At nauna na syang maglakad. Sinundan ko nalang sya. Psh! Tong lalaking to ayaw maniwala sa kapogian ko..
Hm? Kamusta na kaya yung babaeng iyon? Sabi ko kasi araw araw ko na syang ichachat at kakamustahin eh. Ewan ko ba bakit? Ang gaan lang ng loob ko sa kanya kahit na tinawag nya kong ate huhuhu! Saka gusto ko pa syang makilala.. simula kasi kahapon napapangiti na naiinis ako dahil sa eksena namin kahapon.
Grabe that girl! Ayaw nyang tantanan yung ice candy! Natuwa naman ako haha, ang cute nya din kasi eh. Ewan ko ba! Basta nacute-an ako sa kanya, pinaglaban nya pa yung ice candy hahaha.. hays ewan. Hindi na sya naalis sa isip ko magmula pa kahapon, at natuwa ako na malamang sya pala yung nagchat sakin kagabi at humihingi ng sorry. Nung una akala ko isa lang sa mga babaeng nagkakagusto sakin, pero laking gulat ko, nagsorry sya? Kaya nagtaka na ko dun.. tapos pinaalala nya sakin yung eksena namin kahapon kaya hahaha naalala ko.
Nagpanggap pa nga ko kagabi na kunwari naiinis at galit ako dahil sa ginawa nya, para kung sakali suyuin nya ko. Pero owmy! Nagulat ako na nagmamakaawa sya na tanggapin ko yung sorry nya. Parang iiyak na sya, kaya naman sinabi ko na ok na.
Kaya mas naganahan akong ichat sya, kasi feeling ko kakaiba eh. Saka feeling ko kailangan talaga. Kakaiba kasi sya eh. Nagulat ako na hindi pala sya isa sa mga babaeng may gusto saken. Kaya mas nagustuhan kong ichat sya araw araw.. malay natin magkagusto sya diba? Hahaha ang bad ko... De basta never mind! Hahaha
Nagonline ako at chat nya agad ang bumungad sakin, apurahan akong buksan to at tignan. Nag goodmorning din sya sakin! Syeet!
To: Riezha
[Hi! Malapit na ba kayo magbreaktime? Kain ka hah? Wag kang magpapalipas!]
Sent✔
"Ehem! Ano naman yan?" Nagulat ako sa sinabi ni mothy. Takte nagbabasa sya?
agad kong tinago sa bulsa yung cp ko at tiningnan sya na parang binabalaan.
"Naku mes! Style mo neh? Tsk tigilan mo yan!" Sabi nya na nakangisi.
"Pinagsasabi mo dyan?" Inosente kong tanong.
"Sus! Mes, ginaganyan mo sya para ano? Para subukan kung mafofall sya sayo? Tsk malay mo iba yan sa mga babaeng nagkakandarapa sayo? Malay mo hindi lahat ng babae madadaan mo dyan sa kung ano mang charm meron ka" paliwanag nya.
"Psh! Mothy ano ba yang pinagsasabi mo? Tsk! Tara na nga" sabi ko at umalis na sa office.
Pupunta nalang akong room. Malapit na din namang mag recess eh. Ilang minuto nalang hays..
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misterio / SuspensoTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"