Nandito kami ngayong apat sa kama ni natifan, para tingnan kung nakasali ba kami ni abby."Bilis! Asan na??" Naiirita at pagmamadaling sabi ni abby.
"Chill ok? Eto na oh.. hinahanap ko na" sabi ni Aaliya.
"Gosh, guys pwede bang hinahinaan nyo? May natutulog pa oh!" Reklamo ni natifan na nabubulabog sa ingay namin.
"Ts. Whatever!" Sambit ko.
Itinuon nalang namin yung atensyon namin sa laptop ni Aaliya.
"Oh, eto na yung page." Nabuhayan naman kaming pareho ni abby na malamang nahanap na ni Aaliya yung page. "Uhm.. guys? I think, hindi kayo nakapasok." Dagdag pa ni Aaliya.
Ok lang naman sakin yung hindi kami nakapasok eh, baka hindi lang to yung right time. Hm si abby kaya?... Tiningnan ko kung ano ang itsura ni abby. Halos hindi mo maipinta yung itsura nito.
"Wuaah! Hays.. ok siguro hindi ito yung right time noh Zha? Next time bawi tayo." Sabi ni abby. Hays, buti nalang ok lang sa kanya
"Yeah right." At umalis na ko sa kama. Inayos ko nalang yung mga libro ko na rereviewhin namin. Mageexam na din kasi.
"Geez! Ang hirap naman nito!" Reklamo ni Aaliya na nahihirapang intindihin ang math.
"Sus! Kung nakikinig ka talaga maiintindihan mo yan!" Pagtataray ko. Tuo naman dibey?
"Wuaaah! I hate this talaga!" Reklamo na naman ni aaliya.
"Focus Aaliya! Geez nakakabulabog ka!" Sigaw ni natifan na natutulog pa din hanggang ngayon.
"Huh! Excuse me? Kung ikaw kaya dito sa kalagayan ko, maiintindihan mo ko. Psh! Balibhasa hindi ka nagrereview!" At ayan na nagsungit na si banana este Aaliya.
Bumangon sa inis si natifan dahil sa mga sinabi ni Aaliya. "Bwisit! Amina nga yan!" At inagaw ni natifan yung librong gamit ni Aaliya. " Jsko! Ang dali lang nito Aaliya! Babawasan mo lang to, tapos imumultiply mo. Pag katapos idivide mo at saka mo iplus! Jsme ayun yung sagot!" Inis na sabi ni natifan at saka hinagis pabalik kay aaliya ang libro.
Wow! Nag aaral pala sya? Nakita ko naman ang itsura ni Aaliya na ngayon nakanganga na. Hahaha nagulat din siguro dahil di nya inaasahan na alam o mas may alam si natifan sa kanya. Nakatyamba lang siguro yan si natifan.
"Owemjiii! Huhuhu natifan gumising ka! Wuaaaah teach me teach me please teach me! Omagaaad! Huhuhu!" At ngayon hayu! Nangungulit na si aaliya kay natifan. At eto naman si natifan nakukulitan na kaya lumabas na ng room pero sumunod naman itong si banana.
"Hays, yung dalawa talaga. Hayaan mo na sila zha" sabi sakin ni abby na ngayon nakatutok na sa kanyang laptop at nag aaral na.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misteri / ThrillerTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"