CHAPTER TWENTY-ONE

43 1 0
                                    


Hila hila pa din ako hanggang ngayon ng amo ko este ni messy.. tsk akala ko ba sa dorm nya ko dadalhin? Bakit sa kung saang lupalop ng campus to?.

"T-teka nga messy, saan mo ba ko balak dalhin hah?" Reklamo ko saka ako bumitaw sa pagkakahawak namin.

Tumingin naman ito na nakakunot ang noo.. teka nga hah? Ano ba kasi problema nito?..

"Sabihin mo nga sakin, bakit kayo magkasama nung justine na yon?" May inis sa boses nitong sinabi.

"Huh? Yun ba, diba sabi ko nga nakipagkita ako sa kanya, saka anong masama dun, eh kaklase ko naman sya." Paliwanag ko

"Wala kong pake kung kaklase mo pa sya, chat ako ng chat kanina tapos tawag ng tawag ni hindi mo sinasagot tapos tsk iniwan mo pa yung cellphone mo? Paano pag emergency tapos di mo nasagot?" Inis nyang paliwanag

Kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi nya... Oa hah?

"Te... Teka nga lang. Bakit ba? Ays alam mo naguguluhan na ko sa mga kinikilos mo hah? Una sa canteen sumunod sa gym? Tapos ngayon? Eh saka pati si justine pinatulan mo? Ok ka lang ba?" Natatawa kong sabi..

"Urghh! Rie hindi pa ba obvious? Nag aalala ako. Ayokong may kasama kang iba..." Sabi nya habang naiinis na kinakamot yung ulo nya.

"Teka nga... Naguguluhan na ko sa kinikilos mong babae ka hah? Eh sino gusto mong samahan ko eh wala namang masama dahil kaklase ko sya lalo na bestfriend ko?" Napapakamot na din ako sa mukha ko sa inis.

"Andyan naman sina natifan ah! Dun... Yun ang samahan mo! Mas panatag ako... Wag lang yung justine na yon! Ok?" Medyo malumanay ang pagkakasabi nito pero ramdam ko pa din dito ang inis.

"Not ok. Sige na mauna na po ko Ms. Lordes!" Seryoso kong sabi at iniwan na syang mag isa sa kung saang lugar man yon. Hindi na din ako nag tangkang lumingon pa baka kasi umatras ang mga paa ko eh o baka matakot pa ko sa kung ano man ang naging reaksyon nya.

Sakto naman na nasa tapat na ko ng dorm ng makita ko yung taong dapat na hahabulin ko.

"Abegail!" Sigaw ko dito at tumakbo na ko palapit sa kanya. Tiningnan nya ko na para bang inaasahan na nyang tatawagin ko sya..

"Oh Rie ikaw pala.. tara sabay na tayong pumuntang room?" Nakangiti nyang sabi..

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon