THIRD PERSON'S POV
******
Nakatingin lang sya sa mga kahon na nasa opisina nya. Hanggang ngayon nandun pa din ang mga kahon ng marijuana. Nagtataka nga sya kung bakit walang nag aabalang hanapin at mas ipinagtataka nya na kung bakit ipinangalan sa kanya at ang pirma nya ay gayang gaya. Halos sampung kahon ang naglalaman ng marijuana. Bakit sa kanya at bakit sa paaralang ito.
Hanggang ngayon, wala pa ding balita o impormasyong nahahanap si messy. Kaya hanggang ngayon hindi nila malaman kung sino nga ba ang totoong tao sa likod ng mga ito.
Nabalik naman ang principal sa reyalidad ng bigla nalang may kumatok sa pinto ng opisina nya. Agad naman nyang pinagbugsan ang kumatok pero walang tao sa labas. Napansin nya ang isang dark violet na kahon. Walang tao sa paligid kaya agad itong naglakad patungo sa kahon na nasa harap nya. May itim na ribbon ito.
Pumasok na ulit sya sa opisina nya at binuksan ang kahon. Nakita nya ang isang mala dugong envelope sa loob at napansin nya na may sticker na Crossed Axe sa gilid ng envelope na maliit. Binuksan nya ito at kinuha ang papel na naglalaman ng sulat.
Halos maitapon nya ang kahon at ang envelope na kanina ay hawak nya.
"Masyado kang pabida principal, pero sorry... Katapusan mo na!" Halos hindi na nakagalaw ang principal sa kinatatayuan nito, nang maramdaman nya ang matulis na bagay sa leeg nya...
At ilang segundo lang, tuluyan na itong nalagutan ng hininga.
***
RIE's POV
Hays, ano ba yan! Asan na ba kasi yung mga kaibigan ko? Kanina pa ko nandito sa kwarto. Dumating ako wala man lang katao tao? Tsk!
Humiga muna ako sa kama ko tsaka napatingin sa kisame. Hindi pa din maalis sa isip ko yung nangyari nung isang gabi.
Ang sakit! Sobrang sakit! Halos madurog yung puso ko nung makita ng dalawa kong mata silang dalawa! Bakit?? Bakit ko nararamdaman to? Bakit ikaw pa? Tanginang dare yun! Bakit ako? Bakit ako pa yung unang nahulog! Ako pala yung naging tulay para sa kanila! Ang sakit ee! Ang sakit sakit!
Naramdaman ko nalang na may likidong dumadaloy sa pisngi ko galing sa mga mata ko.. Umiiyak pala ako? Ganun na ba ko nasaktan? Ganun na nga siguro.
Napabaligkas ako ng bangon dahil sa pagbukas ng pinto... "Uhmm.. Hi rie? Nandito ka na pala" bungad sakin ni lexie.. Agad kong pinunasan yung mata ko..
"Nasan sila?" Tanong ko. Hindi ko sya magawang tingnan ng maayos. Ewan ko, nasasaktan ako e.
"Ah.. Ayun nga pala, kanina ka pa namin tinetext at tinatawagan pero hindi mo sinasagot.." Paliwanag nya.
Tiningnan ko naman yung cellphone ko, halah! 20 missed calls galing sa kanilang lahat? Tiningnan ko din yung texts.. Teka? Ano't nasa chapel sila?
Agad akong lumakad papuntang pinto, nang magsalita si lexie "uhm san ka pupunta?" Nilingon ko sya saglit..
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misteri / ThrillerTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"