Pagka paalam namin sa isat isa ni Messy, nakatulog na din ako. Grabe never pa ko nakipagchat ng ganon. At, sya palang gumagawa sakin non. May awkward feeling din akong naramdaman, kasi... You know? Lesbian sya tapos ganun sya makipagchat sakin? Lol hindi sa judgemental, pero naninibago lang kasi first time.
Yah nevermind.
Himala lang dahil saming apat ako ang unang nagising. Naligo nalang ako at nagbihis muna ng pambahay, masyado pang maaga. 5:00 palang at ang pasok namin ay 8:00. Last day na namin na mag eexam. At bukas, uuwi muna ko samin dahil sabado. Namimiss ko na din si kuya. At ang bahay.
Nagopen muna ako ng facebook, para hindi ako maboring. Cellphone ang gamit ko, ayoko kasi ng laptop, masyadong malaki hohoho! Sakto naman pag bukas ko ng data, agad bag popout yung mukha ni Messy. Wow? Nagchat pa ba sya kagabi?
Clinick ko ito para makita kung ano ba ang message nya.
From: Messy Lordes
[Sige tulog ka na. Night 😊 wag na kung sino sino ichachat]
Sent✔ 10:16 pm
Wednesday, 4:30 Am
[Goodmorning Rie! Kain ka na oag gising mo hah? Wag malalate, wag papalipas! Ingat ka lagi, magiingat ka sa araw na ito, wag mong pababayaan sarili mo!😘]
Wow? Goodmorning nga.. hahaha nireplyan ko nalang sya, nakakahiya kasi kung iseseen ko lang diba?
Saka baka isipin nya eh, ayaw ko syang kachat? Hmm nevermind, basta rereplyan ko nalang sya.
To: Messy Lordes
[Hi! Goodmorning, kumain na din ako. Masyado pang maaga para pumasok, pero hahaha himala nga eh, hindi ako malalate. Ikaw din magiingat, wag din papalipas😊]
Sent✔
Nagoffline na din ako. Hmm nakita ko namang magiisang oras na syang offline eh. Saka sigurado namang makikita nya yon mamaya.
"Himala ah, ang agang nagising?" Rinig kong sabi ni abegail. Gising na pala sya? Aah, sya nga pala ang maaga kung gumising saming apat.
"Ahaha, onga eh himala talaga." Natatawa kong sagot
Umupo sya sandali sa kama nya at humarap sakin habang kinukusot yung kanyang mata.
"So, musta nga pala pakikipagchat mo kay Messy?" Inaantok nyang sabi.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misteri / ThrillerTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"