Chapter 32: foundation (1st day)
RIEZHA'S POV
"Nice! Ang ganda naman ng ginawa nila. Yan na ba yung pinagmeetingan nila sa loob ng isang linggo?" Nandito kami ngayon sa may quadrangle kung saan puno ng rides. So eto pala yung foundation na sinasabi nila? So araw araw ganito gagawin namin? Mag papakahilo hilo sa mga rides na to?
"Uy ang cute kaya! Libre naman eh! Hihihi!" Tingnan mo to si Aaliya, para talaga syang bata kung umasta
-__- ilan taon na ba to?"Oy tangeks di yan libre no! Baka nakakalimutan mo pinagbayad tayo ng 100 para sa ticket! Kaya yang ticket na kawak mo yan, yan yung binayaran mo" nagulat naman si Aaliya sa sinabi ni abby.
"Omygosh! Seryoso? Aaaaaw akala ko kung saan yon. Myghaaad! Akala ko libre.. wuaaaaa huhu" hays, grabe ilan taon na ba ang isang to?
"Uhm rie dun tayo-"
"Ah guys, mauna na kayo hah? Mag cCR lang ako. Text ko nalang kayo kung saan ko kayo kikitain. Bye!" Alam ko na sasabihin ni abby. Magsosorry sya about sa nangyari, and what? Magpapakatanga ako sa pagmamakaawa na sabihin kung ano ang rason? Ayoko na! Ok na yung isang sabihan. Kung ayaw nyang sabihin di wag! Ako ang kusabg tutuklas..
Ay teka? Asan ba ko? Saan ba ko dinala ng mga paa ko? Aish halah ayan rie kasi eh!... Teka saan ba ko sabi ko pupunta kong CR eh..
Di ko alam kung san ako dinala ng mga paa ko eh pero kung pagmamasdan ko yung lugar, nasa isang malagubat na lugar ako. Takte! Natatakot ako hah!...
Naglakad lakad ako, siguro naman nasa loob pa din to ng campus, san ba ko nagsimulang pumasok dito? Aaah bahala na sana may estudyante akong makasalubong dito. Pero sana mabait...
Hindi ko alam kung san na ko nakakarating sa malagubat na to. Pero may natatanaw akong isang... Huh? Bahay ba to? Teka teka..
Tumakbo ako palapit sa kung ano man yung natatanaw ko.. napagtanto ko na isa pala itong chapel? Chapel sa loob ng campus?..
Hindi ko alam na may chapel pala sa loob ng campus? Hindi naman nabanggit samin to nung unang pasok namin. Nadadayo pa ba to ng mga estudyante? Siguro hindi. Kasi kung pagmamasdan ko ang paligid pinapalibutan ito ng nagsisilakihang puno.. madamo, at yung mga ugat ng puno ang lalaki. Siguradong walang magmamatapang na pasukin ang lugar na ito. Pero bakit diba? Eh kung sa dulo naman nito may chapel..
Hays makaupo nga muna saglit. Nakakapagod eh.. ang sakit ng mga paa ko sa kakatapilok dahil sa mga nababangga kong ugat.
"Ish!" Ang sakit talaga.. huhu wala bang tutulong sakin dito?... Minasahe ko nalang muna yung binti ko hanggang talampakan. Mygaas! Ang sakit.. kumikirot yung mga laman ko sa binti. Ngayon lang ulit ako tumakbo tapos sa ganito pang lugar? Ok I'm so stupid..
Pinagmasdan ko naman yung labas ng chapel.. maganda sya, at mula sa labas tanaw ko yung imahe ni jesus.. ano kayang itsura sa loob? Mukhang maliit lang to.. kumpara sa ibang chapel. Wala naman sigurong magagalit kung papasok ako diba? Tsaka chapel naman to eh. Pwede naman sigurong pumasok ang kahit na sino..
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Gizem / GerilimTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"