45

29 2 0
                                    

Pinagmamasdan ko yung dalawang tao na di kalayuan sa pwesto ko. Ang saya nila, para bang... Para talaga sila sa isat isa. Nakakatawa nga eh, ako pa yung naging tulay sa pagiibigan nila. Napapangisi nalang ako sa sakit at inis.

"Hays, wala ka bang balak umamin?" Napatingin naman ako sa kasama ko. Hays... Si natifan pala. Hindi ko alam kung kanino ba sya boto. Kapatid nya si lexie eh.

Teka anong sabi nya? Umamin? "Para saan pa? Tch. Wala din naman mangyayari kung aamin ako eh. Tingnan mo, ang saya na nila ng kapatid mo oh. Kitang kita mo sa mga mata nila na mahal talaga sila- ARAY! Ano bang problema mo?" Seryoso ako eh hahampasin nya ko -__-

"Alam mo rie? Matalino ka eh. Ewan ko lang kung bakit pag dating sa pag ibig ang tanga mo!" Aray ko naman. Natanga pa -_-

"Oona nga! Tanga na nga eh. Psh ako lang naman kasi nag aasume eh. Lahat ng mga araw na sweet kami hanggang dun lang pala. Ako yung talo sa pustahan namin. Tsk! Ako yung nafall" siguro nung mga panahon na tinatawag naming mahal ang isat isa. Talagang isang laro lang lahat. Pero sineryoso ko kaya ngayon ayan! Nasasaktan ako.

"Haysssssss rie! Nakakainis ka!" Labo din nitong kasama ko.

"Pinagsasabi mo?" Kunot noo ko syang tiningnan.

"Wala ka kasing alam. Dyan ka na nga! Napakabagal mooooo!" At aba iniwan ako. Sige! Sanay naman ako.

Itinuon ko nalang ulit yung atensyon ko sa dalawang tao na ang saya sayang naglalambingan sa bench. Ang sakit na makitang.... Iba na kasama nya tsaka nagpapasaya sa kanya.

Iiiiiih! Dapat kasi ako yun eh. Ako yun. Aish tumigil ka na nga rie! Ilang beses pa ba itatatak sa utak mo na MU kayo. -__- mag isang umiibig. Slow clap for me!

Ayoko na. Di ko na kayang makita sila. Aalis na ko. Pero sa huling pagkakataon... Tumingin ulit ako.. OMYGOSH! Nakatingin sya! 0__0 apurahan tuloy akong iiwas yung tingin ko tsaka tumakbo paalis.

Yung mga tingin na yun.... Kailan ko ulit makikita yon? Kung ang mga mata nya ehhh nakay Lexie na. Aishhh erase erase erase! Wag mo ng pag iisip yun hah? Hindi ka iniisip non. Teka san ba ko pupunta? Aishhhh hilo ka na rie!

"Rie?"

"Oh, Anthony nandito ka pala" medyo naiilang pa kong tawagin syang Anthony, napakaarte naman kasi. Ayaw nyang tawagin ko syang kuya naiinis daw sya.

Sinabayan nya kong maglakad kahit di ko alam kung saan ba talaga ko pupunta. "Kamusta ka na?" Tanong nya.

"Aah ok lang. Hindi na nilalagnat" nakangiti kong sabi.

"Edi mabuti. Kaw kasi eh bakit nagpaulan ka? Tapos gabing gabi pa?" Natatawa nyang sabi.

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon