Chapter 1

3.3K 51 0
                                    

A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 1

ANDREI's POV

Maaga akong gumising para pumasok sa eskwelahan. Tumayo ako sa kama at dumiretso na sa banyo. Habang binubuhusan ko ng malamig na tubig ang aking katawan ay biglang sumagi sa isip ko si Mama. Isang taon na siyang wala pero hindi pa rin siya nawawala sa puso ko. Wala nang gigising sa akin sa umaga, maghahanda ng pagkain bago pumasok, wala nang maghahatid at magsusundo. Lahat ng iyon ay labis kong hinahanap pero alam kong hindi na mangyayari dahil wala na ang taong gagawa nun para sa akin. Si Mama ay namatay... nagpakamatay. Nalaman niyang may babae si Papa sa Amerika habang ito'y nagta-trabaho. Nalaman iyon ni Mama na labis ikinaguho ng mundo niya. Isang rebelasyon pa ang gumulat sa amin nang aminin ni Papa na nagka-anak sila ng kabit niya. Iyon ang hindi matanggap ni Mama at kinitil niya ang kanyang sariling buhay. Labis akong nasaktan sa mga nangyari sa pamilya ko kaya galit ako sa mundo. Maraming galit sa akin dahil sa ugali ko pero hindi nila alam kung ano ang dahilan nito, hindi nila alam ang tunay na nararamdaman ko. Galit na galit ako kay Papa pero wala na akong magagawa. Hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat. "Anak. Andrei." Kinatok ako ni Manang sa banyo. "Opo Manang." Sagot ko. "Bilisan mo ang kilos at baka ma-late ka." Sabi niya. "Opo." Si Manang ang itinuring kong pangalawang Ina nung mawala si Mama. Siya ang kasama ko dito sa bahay dahil nasa Amerika pa si Papa pero alam kong ngayong araw ay uuwi na siya dito sa Pilipinas. Hindi man lang ako nananabik na makita siya. Makakaya ko kayang makita muli si Papa? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanya dahil poot at galit lang ang laman ng puso ko ngayon. Siya ang dahilan kung bakit wala na si Mama kaya hindi niya ako masisisi kung ano ang mararamdaman ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform. Wala naman akong pakialam kung mahuli ako sa klase, wala akong ganang mag-aral pero pinipilit lang ako ni Manang na pumasok at tapusin ang pag-aaral ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Manang na naghahanda ng pagkain sa lamesa. "Manang, aalis na po ako." Sabi ko sa kanya. "Hindi ka ba kakain dito?" Nilapitan niya ako. "Hindi na po, baka sa school na lang." Sagot ko pagkatapos nun ay niyakap niya ako. "Andrei, alam kong masakit parin sayo ang nangyari pero kailangan mong magpatuloy. Anak, nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan." Sabi niya. Alam ni Manang na labis akong naapektuhan sa pagkawala ni Mama kaya alam niya ang nararamdaman ko. "Okay lang ako." Tipid kong sagot. Tumingin muli siya sa mga mata ko. "Uuwi na ang Papa mo ngayon. Handa ka bang makita siya?" Tanong niya pero natahimik ako bigla. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko. "Manang, hindi ko po alam." Sagot ko sa kanya. "Hindi ko naman sinabing patawarin mo siya agad. Dahan-dahan maghihilom ang sugat at mawawala ang galit sa puso mo. Tandaan mo, siya parin ang Ama mo." Sabi niya.

-

Papasok palang ako sa gate nang may naririnig akong bulung-bulungan. "Siya ba si Andrei?" "Oo, gwapo sana kaso napakasungit." "Hindi nga yan nakikitang ngumiti man lang." Pinukulan ko ng masamang tingin ang dalawang babaeng pinag-uusapan ako. Nang makita nilang nakatingin na ako sa kanila ay bigla silang naglakad ng mabilis. Mga tao talaga, walang magawa sa buhay. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko kaya wala silang karapatan na pakialaman ang buhay ko. Hahakbang na sana ako nang biglang may umakbay sa akin. Paglingon ko ay nakita ko sina Miggy at Ken. "Pare, papasok ka ba?" Tanong ni Ken. "Kaya nga ako nandito." Sagot ko sa kanya. "Wag na. May bagong bukas diyan na bilyaran malapit dito sa school. Tara, laro tayo." Pagyaya sa akin ni Miggy. Hindi ako nagdalawang-isip na sumama sa kanila. Habang naglalakad ay may naitanong si Ken sa akin. "Pare, kumusta na kayo ni Trixie? Nag-uusap pa ba kayo?" Umiling lang ako. "Eh kayo ni Jonas?" Singit ni Miggy. "Ayoko silang pag-usapan." Sabi ko sa kanila. Si Trixie ang ex-girlfriend ko at si Jonas ang ex-bestfriend ko. Naghiwalay kami ni Trixie dahil matagal na pala niya akong ginagago... silang dalawa nang tinuring kong matalik na kaibigan.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon