Chapter 22

357 4 0
                                    

A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 22

CHRISTIAN's POV

Nagpalipas ako ng gabi sa bahay nila Jonas. Nakiusap akong doon muna matulog at huwag na huwag ipapaalam na naroon ako at pumayag naman si Jonas sa gusto ko. "Balita ko ay ililibing ngayong umaga si Tito Carlo. Ang bilis naman yata. Hindi mo ba ihahatid sa huling hantungan ang Papa mo?" Nakaupo kami sa sala habang napayuko ako sa kanyang sinabi. "Hindi ko kaya Jonas. Hindi ko kasi matanggap na wala na si Papa, sobrang sakit." hindi ko napigilang umiyak sa harap niya. "Kaya mo yan Christian. Kayanin mo. Maging matapang ka na harapin ito." Pinapagaan niya ang kalooban ko. Hinding-hindi ko mapapatawad si Mama sa ginawa niyang ito. Tama lang na pinakulong ko siya dahil hindi maka-tao ang kanyang ginawa. Wala siyang awa, wala siyang puso! Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Kung iniisip mong mag-isa ka nalang, nagkakamali ka. Nandiyan si Andrei bilang kapatid mo at ako... bilang isang kaibigan!" Napatingin ako nang marinig 'yon mula sa kanya. Mabait talaga si Jonas. Isa siya sa mga kaibigang palaging nandiyan kapag kinakailangan. Matuturing kong maaasahan siya at mapagkakatiwalaan. "Salamat Jonas." Sabi ko sa kanya. "Kung ayaw mo talagang ihatid ang Papa mo, dito ka muna sa bahay. Ako naman ay makikipaglibing." Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya. Hindi ko kayang makita si Papa na ililibing na. Iniisip ko parin na buhay siya pero alam ko naman na hinding-hindi ko na siya makikita at makakasama kahit kailan. Biglang tumunog ang aking cellphone at nakita kong si Ken ang tumatawag. Hindi ko sana sasagutin pero nagdalawang-isip ako, baka may importante siyang sasabihin. "Hello." Bigkas ko. "Bakit hindi ka pa umuuwi? Kagabi ka pa hinahanap ni Andrei, sobra na siyang nag-aalala sayo tapos ngayon wala ka sa libing ng Papa mo." Bungad niyang salita sa akin. "Hinanap ako ni Kuya?" Tanong ko sa kanya. "Oo, wala pa nga siyang tulog ngayon. Naaawa na ako sa kanya. Bumalik ka na dito. Umuwi kana."

End of call.

-

Hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong pumunta sa sementeryo. Hindi ako lumapit sa kanila, pinagmamasdan ko lang sila sa malayo. Nakikita kong ibinababa na ang kabaong ni Papa sa lupa, ililibing na ang kanyang katawan. Hindi ko namalayang tumulo ang aking luha. "Patawarin mo ako Papa. At sana mapatawad mo rin si Mama." Sabi ko. Nakikita kong nahihirapan si Manang lalo na si Andrei. Gusto ko silang lapitan, gusto ko silang yakapin pero natatakot ako. Natatakot ako na baka sisihin din ako ni Andrei, alam ko naman na galit na galit siya kay Mama ngayon at baka sa akin ay ganun din. Pagkatapos mailibing ni Papa ay nag-alisan na silang lahat. Hinintay ko talagang makaalis sila para makalapit ako sa puntod ni Papa. Nang masigurado kong wala na sina Manang at Andrei ay dahan-dahan akong lumapit sa puntod ni Papa. "Papa... sorry, wala akong nagawa. Hindi ko napigilan si Mama sa kanyang balak. Hindi ko alam na kaya pala talaga niyang pumatay ng tao para sa pera. Sana mapatawad mo ako Papa." Sabi ko na parang kinakausap siya. Malaki din ang kasalanan ko kay Papa dahil naglihim ako sa kanya, sana una palang ay hindi na ako pumayag sa plano ni Mama. Sana ay naging kontento ako. Sana ay hindi na namin hinangad ang kayamanan baka ngayon ay buhay parin si Papa. Masaya at buo pa rin ang pamilya. "Christian." Nagulat ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na 'yon. Paglingon ko ay hindi nga ako nagkamali. "K-Kuya." Gulat kong bigkas. "Saan ka ba nagpunta? Kung saan-saan kita hinanap kagabi, di na ako makatulog sa sobrang pag-aalala sayo." Nabigla ako sa kanyang sinabi. Totoo nga ang sinabi sa akin ni Ken kanina pero wala ba siyang galit na naramdaman sa akin kahit kaunti lang? "Iniiwasan mo ba ako?" Hindi ko siya matingnan sa mata kaya napayuko nalang ako. "Bunso, wag namang ganito. Ikaw yung dahilan kung bakit ako naging malakas, kung bakit sobrang laki ng ipinagbago ko. Ang taas-taas na nga eh, tapos ngayon bigla kang iiwas, bigla kang mawawala. Ang daya mo naman yata." Bawat salitang naririnig ko sa kanya ay tumatagos sa puso ko. Nasasaktan ako dahil alam kong nahihirapan siya. Masakit din sa kanya ang pag-iwas o paglayo ko. "Natatakot lang ako..." sabi ko. "Saan? Wala akong pakialam kung Mama mo pa ang nagpapatay sa Papa natin." Napatingin ako sa kanya. "Wala ka namang kasalanan diba? Hindi ako galit o wala akong galit na nararamdaman para sayo. Bunso, nakikiusap ako. Umuwi ka na sa bahay." Sabi niya. "Gusto ko munang mapag-isa Kuya. Nahihiya na ako sayo. Gusto ko munang lumayo." Sagot ko sa kanya. "Malulungkot ako bunso, nag-aalala din si Manang. Wag ka nalang umalis, ngayon pa kung kailan kailangan na kailangan kita. Christian, hindi ako sanay kapag wala ka. Bunso..." Bigla ko siyang niyakap sa sobrang saya na nararamdaman ko. "Kuya. Sorry... sorry." Sabi ko habang nakayakap sa kanya. "Bunso, kahit wala na si Papa ay hindi dapat tayo maging malungkot. Dapat ay maging malakas tayo at kakayanin natin kahit na tayong dalawa nalang." Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Oo Kuya. Basta magkasama tayo, kakayanin natin 'to." Sagot ko sa kanya. "Wag ka na ulit mawawala o lalayo bunso. Ang kulit mo talaga." Nakangiti niyang sinabi. "Umuwi na tayo Kuya at pinapangako ko na hindi na ako lalayo, pangako 'yan." Sabi ko sa kanya. Bago kami umalis ay nagpaalam muna kami kay Papa at nangakong magiging malakas sa bawat araw na lilipas, kakayanin ang lahat ng pagsubok na darating at ang huli, hinding-hindi namin iiwanan ang isa't isa ni Andrei. Masakit man pero tinanggap ko nang wala na talaga si Papa sa buhay namin. Nararamdaman ko na ito na ang simula ng pagbabago... sa buhay naming dalawa ni Kuya Andrei.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon