Chapter 7

580 12 1
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 7 

CHRISTIAN's POV 

"Ako o 'yang iba mong pamilya! Ako o sila?" Nabigla ako sa binitawang tanong ni Andrei. Tumingin ako kay Mama kasunod nun si Papa.  "Bakit mo ako pinapapili? Pareho kayong mahalaga sakin. Mahal ko kayo!" Diing sagot ni Papa. Lalapitan ko sana si Andrei nang bigla akong pigilan ni Mama.  "Hindi Papa. Hindi nyo na ako mahal. Alam ko naman na sila ang pipiliin mo at kahit kailan talaga hindi mo ako minahal bilang isang anak." Patakbong umakyat sa kanyang kwarto si Andrei.  "Andrei, bumalik ka dito anak." Susundan sana siya ni Papa pero pinigilan ito ni Mama. "Hayaan mo munang makapag-isip ang bata. Alam kong nabibigla lang siya." Sabi ni Mama kay Papa.  Sabay na pumasok sa kanilang kwarto sina Mama at Papa habang ako ay tinatangkang puntahan si Andrei sa kanyang kwarto pero pinipigilan ako ni Manang.  "Pabayaan muna natin siyang mapag-isa. Alam mo Christian, nasasaktan ako kapag nakikita kong ganun si Andrei." Nilapitan ko si Manang at niyakap siya.  Napapangiti ako bigla. Unti-unti nang natutupad ang plano namin ni Mama. Kapag lumayo pa ang loob ng mag-ama sa isa't isa ay alam kong isa sa kanila ang may ayaw nang makita ang isa't isa.  Kapag napatalsik na namin sa mansyon si Andrei ay masosolo na namin ni Mama si Papa at malilipat na ang lahat ng kayamanan sa pangalan ko.  Nasasabik na akong mangyari yun pero kailangan ko munang galingan ang pag-arte para mapaniwala na sobra talaga akong naapektuhan at nag-alala sa sitwasyon ng kapatid ko.  "Manang, wag ka pong mag-alala. Nandito po ako para kay Andrei. Para kay kuya." Nginitian ko siya. Pekeng ngiti.  "Mahal ko po ang kapatid ko." Pagtatapos ko.  "Oh sige anak, maiwan na kita at marami pa akong gagawin." pag-alis ni Manang ay hindi ko mapigilang mapangiti. Naaayon ang lahat sa plano.  Kailangan kong makapag-isip ng paraan para tuluyan nang mapalapit ang loob ni Andrei sa akin. Sa oras na mangyari yun ay makukuha ko na ang kanyang tiwala.  Umakyat ako ng hagdan papuntang kwarto ni Andrei. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nag-iimpake ng kanyang mga damit.  "Saan ka pupunta Kuya?" Tanong ko sa kanya. Marami siyang inilagay na damit sa kanyang bag. "Wag mo nang alamin! Gusto ko munang mapag-isa." Sagot niya sa akin.  "Kuya, wag kang umalis dito." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tumingin siya sa mga mata ko. "Hayaan mo muna ako Christian." Sabi niya.  "Sasama ako." Napatingin muli siya sa akin. "Ano?" Tanong niya. "Sasamahan kita kahit saan ka magpunta. Gusto ko magkasama tayo Kuya, wag ka nang umalis. Dito ka nalang." umiling siya.  "Hindi na kailangan. Gusto kong mapag-isa, sa tahimik na lugar." Hindi ko siya mapipilit pero hindi ako susuko.  "Saan ka ba pupunta? Paano yung pag-aaral mo?" Tanong ko. "Ako nang bahala dun. Dun lang naman ako sa rest house sa Pampanga. Babalik ako Christian." Sabi niya.  Lumabas na ako sa kanyang kwarto at dumiretso sa aking kwarto. Kung ayaw niya akong kasama ay ako nalang ang pupunta doon para sundan siya.  Bumukas ang pinto habang nagliligpit ako ng mga damit.  "Anong ginagawa mo anak? Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama.  "Aalis si Andrei, susundan ko siya Mama." Sagot ko. "Edi mabuti at bakit kailangan mo pa siyang sundan?" Iritang sabi ni Mama.  "Ito na yung pagkakataon Mama para mapalapit ako sa kanya." Ngumiti ako sa kanya at bigla siyang napaisip.  "Tama ka anak. Siguraduhin mo lang na mapalapit siya sayo para maging matagumpay ang ating plano." Ngumisi siya pagkatapos nun. "At pag nagtagumpay tayo. Malalasap natin ang ginhawa na hindi pa natin nararanasan." Pagkatapos nun ay humalakhak siya ng malakas.  "Sisiguraduhin ko Mama na magtatagumpay ako." Pangako ko kay Mama pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto.  Sinilip ko muna si Andrei sa kanyang kwarto at nakita kong nag-uusap sila ni Papa.  "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Andrei. Bakit kailangan mong umalis dito!" Galit na sabi ni Papa sa kanya.  "Kayo ang dahilan ng paglayo ko. Huwag kang mag-alala Papa. Babalik naman ako." Sagot ni Andrei.  "Sa ginagawa mong ito lalo mong nilalayo ang loob mo sa akin. Hindi mo ba iniisip yun?" Sigaw ni Papa. "Matagal nang lumayo ang loob ko sayo simula nung lokohin mo si Mama. At alam mo ba Papa ang pinakamasakit... sariwa parin sa akin ang lahat! Hindi parin mawala sa isip ko lalo na at nandito ang iba mong pamilya!" Bitbit na ni Andrei ang kanyang bag at akmang lalabas sa kanyang kwarto pero pinigilan siya ni Papa.  "Anak, pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa Mama mo. Hindi ka pa ba nakakalimot? Hindi pa naman siguro huli ang lahat!" Sabi ni Papa kay Andrei.  "Hindi pa naman talaga huli ang lahat Papa..." pambibitin ni Andrei. Napaisip si Papa sa kanyang sinabi.  "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito.  "Wag kang magpakasal sa babaeng iyon. Doon lang kita mapapatawad Papa." Nawindang si Papa sa narinig kay Andrei. Ako din ay nagulat. Sinasabi ko na nga ba na tutol siya sa nalalapit na kasal pero kailangan ay matuloy iyon.  Para matupad ang plano namin ni Mama...  Palabas na si Andrei nang kwarto at humarang ako sa kanyang daraanan.  "Kuya. Hindi ka na ba talaga magpapapigil?" Tanong ko sa kanya.  "Hindi na." Tipid niyang sagot pagkatapos ay bumaba na siya ng hagdan.  Lumapit naman si Papa sa akin at niyakap ako.  "Pagpasensiyahan mo na ang kapatid mo. Marami lang siyang pinagdadaanan ngayon." Sabi ni Papa. "Iniintindi ko naman po siya kaya nga gumagawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya." Sagot ko sa kanya.  "Salamat anak. Salamat at naiintindihan mo siya." masayang bigkas ni Papa.  "Papa. Pwede ko po bang sundan si Kuya? Gusto ko po kasi siyang makasama. Sana payagan mo ako Papa." Nakiusap ako kay Papa pero...  "Hayaan muna natin siyang mapag-isa. Kapag sumunod ka pa sa kanya dun paano ang pag-aaral mo?" Tanong niya. "Kaya lang naman ako nag-aral dahil kay Kuya. Sige na Papa, payagan mo na ako please..." pamimilit ko sa kanya.  "Sige na, basta bantayan mo ang kapatid mo dun. Huwag niyo pababayaan ang isa't isa." Napangiti ako sa sinabing iyon ni Papa at yumakap sa kanya.  "Salamat Papa. Salamat." Sabi ko.  Ito na ang pagkakataon para gagawin kong plano. Naaayon ang lahat at natutuwa ako dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang tagumpay. Nakuha ko na ang tiwala ni Papa, si Andrei nalang ang problema ko pero alam kong makukuha ko din ang tiwala niya balang-araw. 

--- 

ANDREI's POV 

Nakalabas ako ng bahay dala-dala ang mga gamit na dadalhin ko para sa pamamalagi ko sa rest house sa Pampanga. Agad kong tinawagan si Ken.  "Pare, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ko. "Andrei, wala ako sa bahay, may pinuntahan ako." Sagot nito.  "Sige Pare, next time nalang." Pagkatapos nun ay ibinaba ko na ang tawag.  Agad akong pumara ng taxi at sumakay na para maagang makarating sa rest house sa Pampanga. Habang nasa biyahe ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako.  -  "Sir, nandito na po tayo." Pagyugyog sa akin nung taxi driver kaya ako nagising. Agad kong ibinigay ang pambayad sa kanya at lumabas na ng taxi.  "Goodmorning Sir. Ngayon na lang po ulit kayo nakapunta dito." Bati sakin nung bantay sa aming rest house. "Oo nga po Manong, long time no see." Sabi ko sa kanya.  "Magtatagal po ba kayo dito?" Tanong niya sa akin. "Mga isang linggo lang po." Sagot ko sa kanya.  "Enjoy your stay here. Pasok na po kayo Sir." Nakangiting sabi niya.  Pagpasok ko sa tutulugan ko ay biglang tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko ay si Ken ang tumatawag.  "Andrei." Sabi niya sa kabilang linya. "Oh pare, napatawag ka." Sagot ko sa kanya.  "Buksan mo yung pinto." Nabigla naman ako sa kanyang sinabi. "Ha?" Taka kong tanong sa kanya. "Ang slow mo naman Pare." nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Ken.  "Pare." Niyakap ko siya. "Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya. "Sinundan kaya kita kanina." Matawa-tawa niyang sabi.  "Baliw ka talaga. Hindi mo man lang sinabi sa akin eh di sana sabay na tayong pumunta dito. Akala ko ba may pinuntahan ka?" Sabi ko.  "Alam mo namang malakas ka sakin Pare." sabi niya.  Pagkatapos naming mag-usap ay sabay kaming kumain ni Ken at pagkatapos nun ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.  Biglang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ay hindi ko inaasahang makita siya.  "Kuya." Nakangiti niyang sabi. May dala-dala din siyang mga gamit. "Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong sa kanya.  "Sinundan kita kasi nag-aalala ako sayo. Gusto din kitang makasama." Sabi niya.  "Umuwi ka na!" Pagkatapos kong sabihin yon ay isinarado ko ang pintuan.  Hindi na dapat siya nagpunta dito. Malakas ang buhos ng ulan sa labas pero hinayaan ko lang siya. Alam ko naman na uuwi siya kaya hindi na ako dapat mag-alala sa kanya.  Malalim na ang gabi at kasunod nun ang pagtila ng malakas na ulan. Tulog na si Ken pero ako ay hindi parin dinadalaw ng antok. Hindi ako mapakali sa aking higaan kaya bumangon ako at nagpunta ng kusina.  Dederetso na sana ako sa aking kwarto nang mapatingin ako sa pintuan. Parang hinihila ako papunta roon kaya binuksan ko iyon at nabigla ako sa aking nakita.  "Christian." Nakahiga siya sa lapag habang lamig na lamig dahil sa panahon.  "Ano bang ginagawa mo, bakit hindi ka pa umuwi kanina!" Binuhat ko siya papasok sa kwarto na tinutulugan ko. Inihiga ko siya sa kama at binalutan ng kumot ang kanyang katawan dahil nanginginig ito.  "Sorry Christian." Pagkatapos kong sabihin yun ay humiga na rin ako sa kanyang tabi. Niyakap ko ang kanyang katawan na nanginginig dahil sa malamig na panahon.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon