Chapter 35

290 2 0
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 35 

Lumipas ang araw na hindi nagsasalita si Andrei. Tahimik at nakatulala na parang may malalim na iniisip. Hindi pa rin siguro niya matanggap ang mga nangyari kanina.  Hindi ko alam ang mararamdaman kung matutuwa o malulungkot ba ako. Ampon si Andrei at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi sila tunay na magkapatid ni Christian.  "Andrei." Tinawag ko ang kanyang pangalan pero hindi niya ako pinansin. "Gabi na, gusto ko munang umuwi." Tumayo ako sa upuan pero hindi ko pa rin siya naririnig na magsalita.  Binuksan ko ang pintuan, tumingin ako sa kanya. Wala parin siyang reaksyon at nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.  Tumalikod na ako at akmang lalabas ng marinig ko siyang magsalita.  "Wag ka munang umalis. Pwede bang samahan mo muna ako dito?" Napatingin ako sa kanya. Dahan-dahan umikot ang kanyang ulo. Pagkita ko sa kanyang mukha ay kitang-kita ko ang kalungkutan mula roon.  "Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?" Tanong ko habang lumalapit sa kanya.  "Wala akong ganang kumain." Tipid niyang sagot. Umupo ako sa kanyang higaan habang nakaharap sa kanya. "Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo Andrei? Kapag palagi kang ganito makakasama 'to lalo sa kalagayan mo. Kailangan mong magpalakas!" Galit kong sabi sa kanya, tumingin siya sa mga mata ko.  "Ang gusto ko lang, bumalik sa akin si Christian." Napayuko ako pagkatapos niyang sabihin yun. Hindi niya alam kung gaano kasakit marinig ang bagay na yun para sa akin.  "Ken." Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry." Bigla akong napatingin sa kanya. "Ako na siguro ang pinaka-tangang tao sa mundo. Kasi hindi ko masuklian yung pagmamahal ng taong sobrang nagmamahal sa akin." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko kung ano ang kanyang tinutukoy. "Kaya hindi ako ang karapat-dapat sayo. Hindi dapat ako ang mahalin mo." Napayuko ako pagkatapos nun.  Hindi ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata. Hindi ako makapagsalita. Biglang naging blanko ang aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.  "Gusto kong maging masaya ka kaya sana makita at mahanap mo na ang taong nakalaan at karapat-dapat sa pagmamahal mo." Binigyan ko siya ng isang ngiti.  "Salamat." Tipid kong sabi.  Biglang bumukas ang pintuan at nakita naming pumasok si Manang kasama ang babaeng sinasabing tunay na Ina ni Andrei.  "Anong ginagawa niyo dito? Hindi ko sinabing gusto ko kayong makita!" Matigas na sabi ni Andrei.  "Andrei, apo..." si Manang.  "Wag mo akong tatawaging apo. Hindi kita kaano-ano!" Galit na sigaw ni Andrei. "Anak..." akmang lalapit ang babae pero pinigilan ito ni Andrei. "Wag na wag kang lalapit sa akin. Hindi ikaw ang Mama ko. Nag-iisa lang ang Mama ko. Patay na siya, wala na siya!" Sigaw ni Andrei.  "Patawarin mo ako Andrei pero sana tanggapin mo ang lahat dahil ito ang katotohanan. Ang tunay mong Ina ay si Grace!" Diing sabi ni Manang.  "Wala na akong pakialam sa sasabihin niyo Manang dahil kahit kailan ay hinding-hindi ko na kayo paniniwalaan. Sinira mo ang buong tiwala ko!" Galit na sabi ni Andrei.  Ramdam na ramdam ko ang galit sa loob ni Andrei. Hindi ko siya masisisi dahil inilihim ito sa kanya ng napakahabang panahon.  "Anak... sana ay mapatawad at matanggap mo ako. Hindi ko ginustong ibigay ka kay Carlo noon dahil wala naman akong magawa. Walang-wala ako noon, hindi kita kayang buhayin at natatakot ako na baka iyon pa ang dahilan ng pagkawala mo kaya pumayag ako sa gusto ni Mama. Ibinigay kita kina Carlo at Ella." Paliwanag ni Grace.  "Hindi. Akala mo ba naniniwala ako sayo? Umalis na kayong dalawa at wag na wag na kayong magpapakita sa akin kahit kailan!" Matigas na sabi ni Andrei.  "Apo ko..." hagulgol na sabi ni Manang pero wala na silang nagawa kundi ang umalis dahil pinagtatabuyan na sila ni Andrei.  "Andrei." Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko Ken. Sobrang sakit dito sa puso ko. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Kina Papa at Mama ba dahil hindi nila sinabi sa akin na ampon lang ako o kay Manang dahil inilihim niya ito sa akin sa loob ng 15 years!" himutok niyang sabi sa akin.  "Wala akong karapatan na magsalita pero sa tingin ko ay walang kasalanan ang tunay mong Ina. Ginawa niya lamang iyon dahil gusto niyang mapaganda ang buhay mo. Andrei, subukan mong magpatawad at tanggapin ang katotohanan. Ayaw kong makita na naman ang dating Andrei, ayaw kong makita ang dati mong ugali. Subukan mo lang, wala namang mawawala." Sabi ko sa kanya.  "Kung totoo nga na 'yung babaeng yon ang tunay kong Ina... Ken, sino ang tunay kong Ama?" Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang kanyang tanong. Parang may naging epekto iyon sa akin na hindi ko maintindihan at maipaliwanag.  Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin sa kanyang mga mata.  "Ang tunay mong Ina lang ang makakasagot sa tanong mong 'yan." Nakangiti kong sabi. 

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon