Chapter 33

277 3 0
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 33 

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong dumiretso sa Ospital kung saan dinala si Jonas.  Papasok na ako sa loob habang tinatawagan ko si Ken. Nag-aalala din ako sa nangyari kay Kuya Andrei. Hindi ko alam pero si Mama din kaya ang may pakana kung bakit naaksidente si Andrei?  Tapos na... hindi na siya makakagawa ng kasamaan!  "Hello Ken." Nabuhayan ako ng sagutin niya ang tawag ko. "Kanina ka pa namin hinihintay. Nasaan ka na ba ngayon?" Sabi niya.  "Nandito ako sa St. Lukes, kayo saan?" Balik kong tanong.  "Nandito rin kami, mabuti nalang. Room 25, bilisan mo at pumunta kana dito."

End of call. 

Maya-maya na ako pupunta roon. Kailangan ko munang malaman kung nasa mabuting kalagayan si Jonas. Kailangan kong malaman kung saan siya makikita.  Biglang may humawak sa braso ko at paglingon ay nakita ko si SPO3 Ramos.  "Sir. Kumusta po ang kalagayan ni Jonas?" Tanong ko sa kanya. Nakikita ko sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Jonas.  "Christian..." hinawakan niya ang braso ko at tumingin ng deretso sa mga mata ko.  "Sabihin mo po, anong nangyari kay Jonas? Nasaan po ba siya? Gusto ko siyang makita." Sabi ko pero biglang tumahimik ang pulis.  "Samahan niyo po ako. Kailangan kong makita si Jonas!" Tinalikuran ko siya't naglakad pero pinigilan niya ako.  "Nasa Emergency room siya ngayon. Tinatanggal ang dalawang bala sa kanyang katawan." Sabi niya sa akin.  "Kakayanin po ba ni Jonas? Kasalanan ko 'to. Hindi dapat siya ang mababaril!" galit kong sabi sa aking sarili.  "Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." Sabi niya. "At may ipapaalam ako sayo. Kami na ang maglilibing sa katawan ng Mama mo. Ipapaalam ko na lamang sayo kung saan namin inilibing ang kanyang katawan." Naka-ngiting sabi niya,  "Maraming salamat po SPO3 Ramos. Kailangan ko po munang umalis. Pupuntahan ko lang ang aking kapatid na naaksidente kanina." Sabi ko.  "Si Andrei? Anong nangyari sa kanya? Sige, balitaan mo na lamang ako sa kalagayan niya." Pagtatapos niya pagkatapos nun ay dumiretso na ako papuntang Room 25 kung saan naroon si Andrei.  Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko sina Manang at Ken.  "Anong nangyari kay Andrei?" tanong ko sa kanila.  "Anak." Nilapitan ako ni Manang at humagulgol sa harapan ko. "Naaksidente si Andrei dahil sa akin. Ako ang may kasalanan." Hindi ko naman agad maintidihan ang kanyang sinabi.  "Ken." Tinawag ko siya pero hindi niya ako nililingon. "Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat ng ito." Sabi ni Manang.  "Manang, ano bang sinasabi niyo. Hindi ko po kayo maintindihan." Sabi ko.  Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang Doktor.  "Dok, kamusta po ang kalagayan ng pasyente. Bakit hindi pa po siya gumigising?" Tanong ni Manang.  "Nasa mabuting kalagayan na ang pasyente. Normal ang kanyang vital signs. Hintayin niyo na lamang siyang magising." Sabi ng Doktor.  "Salamat po Dok." Sabi ko. Pagkatapos niyang ibigay ang mga gamot na kakailanganin ni Andrei ay lumabas na siya.  Nilapitan ko ang walang malay na katawan ni Andrei. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Bigla akong nakaramdam ng awa.  Bakit niya ba ito nararanasan? Kung tutuusin ay ako dapat ang sisihin sa lahat ng mga nangyaring ito. Kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan kong kumilos!  Kapag nagising na si Andrei ay gagawin ko na ang tama. Itutuwid ko na ang maling ginawa ko. Mahirap man ay gagawin ko. Para na rin ito sa aming dalawa ni Andrei... ni Kuya Andrei!  "Christian." Hinawakan ni Ken ang aking balikat. Nilingon ko siya.  "Kailangan ko nang umuwi." Pagkatapos niyang magpaalam ay lumabas na siya sa kwarto pero agad ko siyang hinabol.   "Ken, sandali." huminto naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin.  "Bakit?" Tanong niya.  "Ken, mahal mo ba talaga si Kuya Andrei?" Nahiwagaan naman siya itinanong ko.  "Bakit mo ba itinatanong sakin yan? Pwede bang deretsuhin mo na ako Christian?" Matigas niyang sabi.  "Kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipaglaban? Ken..." pinigilan niya ako sa aking sasabihin.  "Pwede ba Christian, paano ko pa ipaglalaban kung alam kong talo ako!" Sabi niya pagkatapos ay mabilis siyang nawala sa paningin ko.  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa gagawin ko. Kailangan kong gawin ang tama kahit napakasakit sa loob ko.  "Christian." Nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko at nakita ko si SPO3 Ramos.  "Sir, kumusta po ang kalagayan ni Jonas? Pwede ko na ba siyang makita?" Sabi ko.  Tumango lamang siya.  "Gising na siya. Nalagpasan niya ang operasyon." Nakangiting sabi ni SPO3 Ramos.  Mabilis kaming nagtungo kung saan naroon si Jonas. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Jonas, nakahiga sa kama habang natutulog.  "Mauna na muna ako. Kapag may problema at kailangan niyo ng tulong ay tawagan mo lang ako." Sabi ni SPO3 Ramos.  "Maraming salamat sir. Ingat po kayo." Sabi ko pagkatapos ay umalis na siya.  "Christian." nagulat pa ako ng marinig kong magsalita si Jonas. Paglingon ko ay gising na siya.  Lumapit agad ako sa kanya. "Mabuti naman at gising ka na. Nag-alala talaga ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Totoo ba ang narinig ko? Nag-alala ka sa akin?" tumango lang ako.  "Christian. Sana ako nalang. Ako nalang ang mahalin mo. Ako nalang ang piliin mo. Ako nalang sana ang mahalin mo Christian." Bumitaw ako sa kanyang pagkakahawak.  "Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo. Jonas, hindi ako ang taong para sayo. Iba na lang ang mahalin mo." Sabi ko.  "Ikaw ang mahal ko. Anong magagawa ko kung ikaw ang sinisigaw ng puso ko? Christian, handa kong gawin ang lahat para sayo... ibibigay ko ang lahat... kahit ang buhay ko!"  Tumalikod ako kasabay nun ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.  "J-Jonas." Humarap ako sa kanya. Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Tita, ang Mama ni Jonas.  "Anak ko." Agad siyang lumapit kay Jonas at niyakap ito. "Anong nangyari sayo? Bakit ka nabaril? Maayos na ba ang kalagayan mo?" Sunud-sunod niyang tanong kay Jonas.  "Mama, wag ka na po mag-alala. Ito ako, buhay. Walang masamang mangyayari sa akin. Malakas yata 'to." Pagmamayabang ni Jonas.  "Ikaw nalagay na sa kapahamakan ang buhay mo ang yabang-yabang mo pa rin. Salamat anak, natutuwa ako at ligtas ka." Nagyakapan silang dalawa sa harapan ko.  Doon bumuhos ng tuloy-tuloy ang aking luha. Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Naalala ko si Mama. Ganito rin si Mama katulad ni Tita, sobrang inaalala ang kapakanan ng kanyang anak.  "Christian, bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Jonas.  "Lalabas na muna ako. Excuse me." Mabilis akong lumabas ng kwarto.  Paglabas ko sa kwarto ni Jonas ay doon ko ibinuhos ang lahat ng luha ko.  Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito. Nararapat lang na maranasan ko ang lahat ng sakit. 

Pagsikat ng araw ay agad akong dumiretso kung saan nakalibing ang katawan ni Mama.  "Mama..."  Inaalala ko ang mga panahon na kasama ko pa siya. Masasayang alaala kasama si Papa. Ngayong wala na silang dalawa sa buhay ko ay parang nag-iisa na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay nang wala sila.  "Kasalanan ko lahat ito Mama... kung hindi ako naging makasarili. Kung naging kuntento ako sa mga bagay na meron ako. Mama... patawarin mo ako. Inilagay kita sa kapahamakan. Ako ang dapat na mawala at hindi ikaw." Hindi na napigilang tumulo ng aking mga luha.  "Mama... kung saan ka man ngayon ay sana masaya ka. Mamimiss kita Mama... kayong dalawa ni Papa!" Sabi ko.  Bago ako tuluyang umalis ay may binitawan pa akong salita.  "Ngayong wala kana Mama. Ibabaon ko na rin sa limot ang munti nating lihim..." 

--- 

KEN's POV 

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay nagpaalam na ako kay Papa para pumunta ng Ospital.  "Papa. Aalis na po ako." Sabi ko.  Kagabi ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya. May malalim siyang iniisip at hindi ko alam kung ano ang dahilan nito.  "Mag-iingat ka anak." Ang tangi niyang sagot. Nilapitan ko siya at tumingin ng deretso sa kanyang mga mata.  "Papa, may problema ba? Kagabi ko pa napapansing iba ang kinikilos mo." Iniwas niya ang paningin sa akin dahil hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko.  "W-Wala anak. Wala. Walang problema." Sabi niya pero hindi ako naniniwala sa kanya. Alam kong may itinatago siya sa akin. Nararamdaman ko iyon.  "Mauna na po ako. Papa, kung may gusto kang sabihin, narito lang ako. Handa akong makinig." Niyakap ko muna siya at humalik sa kanyang pisngi bago tuluyang lumabas ng bahay.  Habang naghihintay ng masasakyan sa daan ay may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Nagtaka naman ako kung kanino ang sasakyan na iyon.  Bumukas ang pintuan ng kotse at nakita kong lumabas si Darwin. Iiwas na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko.  "Ken sandali." pagpigil niya sa akin. "Anong kailangan mo Darwin? Diba sabi ko ayaw ko nang makita ang mukha mo?" Galit kong sabi sa kanya.  "Nabalitaan ko ang nangyari kay Andrei. Pupunta ka ba sa Ospital? Sumabay ka na sa akin, dadaan din naman ako dun." Sabi niya.  "Hindi na. Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na Darwin at pwede ba, wag na wag ka ng lumapit sa akin! Ayaw na kitang makita!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos nun ay tinalikuran ko siya.  Hanggang ngayon ay masakit parin sa akin ang kanyang ginawa. Niloko niya ako! Pinaglaruan niya ako. Ginawa niya akong tanga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya napapatawad!  "Ken." Sigaw niya pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.  "Ken, mahal kita..." napatigil ako sa sunod niyang sinabi. Nilingon ko siya.  Malaki ang panghihinayang ko dahil sa kanyang ginawa. Kung naging totoo lamang siya sa akin at hindi na nagawang manloko ay matatanggap ko pa.  Matututunan ko na sana siyang mahalin pero iba talaga ang inilaan ng Panginoon sa akin. Hindi niya mapapalitan sa puso ko si Andrei at kahit sinong tao sa mundo. 

Naglalakad na ako papasok ng Ospital nang biglang tumunog ang aking cellphone.  "Hello." Si Christian ang nasa kabilang linya.  "Christian, napatawag ka. May problema ba?" Tanong ko.  "Saan ka? May sasabihin ako sayo. Importante." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sinabi niyang iyon.  "Nandito na ako sa Ospital at naglalakad papunta sa kwarto ni Andrei." Sagot ko.  "Mabuti. Malapit na rin ako, hintayin mo ako diyan."

End of call. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kwarto ni Andrei. Nakarating ako sa tapat ng kwarto ng marinig ko sa labas na may nag-uusap sa loob.  Sino kaya ang kasama ni Manang sa loob? Ang alam ko ay mag-isa lamang siyang nagbabantay kay Andrei.  Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa eksenang tumambad sa akin.  "Andrei. Pakiusap, gumising kana. Andrei, gumising ka na. Nakikiusap ako." Isang hindi pamilyar na babae ang humahagulgol sa harapan ng walang malay na si Andrei.  "Manang..." tinawag ko ang kanyang pangalan at agad naman siyang lumapit sa akin.  "Sino siya?" Takang tanong ko.  Ngayon ko lamang nakita ang babaeng ito. Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan.  Sino siya? Ano ang koneksiyon niya kay Andrei?  "May hindi pa ako sinasabi sa inyong lahat. Isang lihim na hindi pa nabubunyag." Nandilat ang mata ko at napa-atras sa sinabing yun ni Manang.  "Anong lihim iyon Manang, at sino ang babaeng iyan?" Biglang dumating si Christian na ikinagulat ni Manang.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon