Chapter 18

351 5 0
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 18 

"Anong ginagawa mo dito Trixie?" Lumapit siya pero hinila ko siya palabas ng kwarto.  "Gusto lang naman kitang makausap. Andrei naman, pwede bang pagbigyan mo na ako. Kausapin mo na ako." Pamimilit niya sa akin.  Napatingin ako kay Ken at ngumiti siya. Ibig sabihin, gusto niyang pagbigyan ko ang gustong mangyari ni Trixie.  "Sige. Ano bang dapat nating pag-usapan, Trixie?" Tanong ko sa kanya.  "Wala na ba talaga? Andrei, hindi na ba tayo magkaka-ayos?" Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko agad iyon. "Matagal na tayong wala simula nung ginawan mo ako ng kasalanan. Trixie, sinira mo ang tiwala ko!" Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman sa kanyang mga mata ang kalungkutan pero hindi niya ako masisisi. Siya ang nagsira ng relasyon namin!  "Ilang beses ba akong paulit-ulit na magsorry para lang mapatawad mo ako. Andrei, sobrang pinagsisihan ko na yung ginawa ko sayo!" Maluha-luha niyang sabi.  "Huwag kang mag-alala, ngayon ka nalang hihingi ng tawad sa akin." Bigla siyang napatingin sa akin.  "Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka niya.  Tama si Manang, kailangan ko nang alisin ang galit sa puso ko. Ngayon ko sisimulan ang bagay na iyon.  "Pinapatawad na kita. Pinapatawad ko na kayo ni Jonas sa kasalanang nagawa niyo sa akin." bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha sa sobrang tuwa.  "Talaga? Sabi ko na nga ba at hindi mo rin ako matitiis." Masaya niyang sabi habang nakayakap sa akin pero tinanggal ko ang pagkakayakap niya.  "Pinapatawad ko na kayo pero hindi ibig sabihin na babalik na sa dati ang lahat." Paliwanag ko sa kanya.  Natauhan naman siya sa aking sinabi. Sigurado ako na masakit din para sa kanya ito pero alam kong ito lang ang makabubuti para sa amin. Kailangan kong magpatawad para tuluyan na akong maging masaya.  "Salamat Andrei pero hindi ka naman iiwas sa akin diba? Kahit bumalik tayo sa magkaibigan ayos lang sa akin basta wag mo lang akong iiwasan." Sabi niya pero hindi ko maipapangako na magagawa ko iyon.  "Oo naman. Tinuturing ko parin kayong kaibigan." Sagot ko sa kanya.  Yung bigat na nararamdaman ko ay biglang nawala. Yung galit at poot sa puso ko ay naglaho dahil gusto ko nang maging masaya. Ayaw ko nang magtanim ng galit sa puso ko dahil alam kong ikasasama ko ito.  "Aalis na ako Andrei. Masaya ako at nagkabati na tayo." Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya. Ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto.  "Kumain na tayo Andrei." Sabi ni Ken. Nakahanda na ang pagkain namin pati kay Manang.  "Anak, masuwerte ka talaga sa kaibigan mong si Ken. Hindi ka nagkamali na kaibiganin siya. Napakabait na bata." Ngiting sabi sa akin ni Manang.  "Manang naman, binobola niyo po ako." Matawa-tawang sabi ni Ken.  Lumapit ako sa kanya at umupo para makapagsimulang kumain. "Totoo naman ang sinabi ni Manang." Nagulat siya sa sinabi ko at tumingin ng deretso sa mga mata ko.  Gusto kong pigilan yung nararamdaman ni Ken para sa akin. Ayaw kong mahulog siya ng tuluyan sa akin dahil alam kong masasaktan lang siya. Ayaw kong masaktan ang kaibigan ko!  "Kumain na tayo." Narinig kong sabi ni Manang. 

Pagkatapos naming kumain ay agad kong tinawagan si Papa. Si Ken naman ay nagpaalam muna sandali na lumabas at si Manang naman ay nagpapahinga na.  Ilang segundo din ang tumagal bago sagutin ni Papa ang tawag ko.  "Hello anak. Napatawag ka, kamusta na si Manang diyan?" Bungad niyang salita.  "Mabuti na ang kalagayan ni Manang." Sagot ko naman sa kanya.  "Talaga? Natutuwa akong marinig yan anak." Halata ko sa boses ni Papa na masaya siya sa sinabi ko.  "Papa, may sasabihin ako sayo." Nakangiti akong sabihin yon habang sabik na sabik dahil gusto ko nang sabihin na pinapatawad ko na siya at wala nang kahit anong galit pa ang nararamdaman ko para sa kanya.  "Ano yun anak, sabihin..."   Biglang nawala si Papa sa linya. Namatay ang kanyang cellphone. Baka nawalan ito ng battery, mamaya ko na lamang siya kakausapin sa bahay.  "Si Carlo ba ang kausap mo kanina anak?" Tanong ni Manang sa akin.  "Opo Manang. Kinakamusta niya ang kalagayan mo at sinabi kong magaling ka na." Masaya kong sagot sa kanya.  "Nasabi mo na ba sa kanya?" Tanong niyang muli.  "Hindi pa po, bigla po kasing naputol ang tawag. Sa bahay ko nalang po siya kakausapin." Sabi ko.  Hinawakan niya ang kamay ko.  "Salamat Andrei. Salamat dahil nakinig ka sa sinabi ko." Nakangiting sabi ni Manang.  "Ikaw po ang dapat kong pasalamatan Manang, kasi kundi dahil sa mga sinabi mo hindi ako matatauhan." Sagot ko naman.  "Ang importante ay nawala na ang galit diyan sa puso mo. Salamat Andrei." Biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Ken.  "Manang, magpalakas ka na po para makalabas kana dito." Nakangiti niyang sabi.  "Gagawin ko iyon, anak." Sagot naman ni Manang kay Ken. Nilapitan ko siya at kinausap.  "Pwede bang ikaw muna ang magbantay dito. Gusto ko lang umuwi para makausap si Papa." Sabi ko sa kanya.  "Oo naman. Masaya ako sa gagawin mo. Nandito lang ako palaging naka-suporta." Sagot naman niya.  Pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa ay lumabas na ako ng ospital. 

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon