Chapter 17

365 4 1
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 17 

CHRISTIAN's POV 

Papalubog na ang araw nang lumabas ako ng bahay. Buong araw ay di ko nakita si Andrei. Naroon parin siya sa ospital at nagbabantay kay Manang.  Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Halo-halo na ang emosyon na nararanasan ko.  Magiging masaya ba ako dahil nagising na si Manang o magagalit dahil kapag nakapagsalita na siya ay ibubulgar na niya ang aming pinaplano ni Mama. Ayaw kong mangyari iyon. Natatakot din ako na baka ako ang ituro ni Manang na nagtulak sa kanya sa hagdan para siya'y malaglag. Kapag nalaman iyon ni Andrei ay sinisigurado kong kamumuhian niya ako.  "Christian." Nilingon ko kung sino ang taong tumawag sa akin.  "Jonas." Ngiti kong sabi.  Lumapit siya sa akin.  "Bakit hindi ka pumapasok?" Tanong niya. "Next week Jonas, medyo marami lang kasing problemang dumating nitong mga nakaraang araw sa pamilya namin." Sagot ko sa kanya.  "Oo nga pala, may project tayo sa Science. Gagawa tayo ng mini-house. Ikaw na ang kinuha namin ni Trixie para maka-grupo." Sabi naman niya.  "Talaga? Salamat Jonas." Sagot ko sa kanya.  "Puwede ka ba ngayong gabi? Sisimulan na namin ang paggawa. Next week lang kasi ang pasahan. Overnight tayo sa bahay." Sabi niya.  "Hindi pa ako nakakapagpaalam eh. Try kong pumunta." Sabi ko sa kanya.  "Sige, aasahan kita. Kapag pinayagan ka, yung bahay namin katabi lang sa basketball court yung kulay green ang pintura." Nakangiti niyang sabi pagkatapos ay nagpaalam na siyang umalis.  Mabait naman pala itong si Jonas pero bakit kaya niya nagawang traydurin si Kuya? Sayang lang ang pagkakaibigan nila pero alam ko naman na pinagsisisihan iyon ni Jonas dahil gusto niyang ibalik ang tiwala ni Kuya na nawala.  Pumasok na ako sa loob ng bahay para kumain at nang makapagpaalam na pupunta sa bahay nila Jonas.  Habang kumakain...  "Mahal, mga isang linggo akong hindi makakauwi dito. May aasikasuhin akong trabaho sa Laguna." Narinig kong sabi ni Papa.  "Ang tagal naman mahal pero wag kang mag-alala, ako nang bahala sa mga anak mo basta ikaw mag-iingat ka palagi dun. Kailan ba ang alis mo?" Sabi ni Mama.  "Bukas na. Ikaw na ang bahala dito sa bahay at ikaw Christian, kailangan mo nang pumasok next week para makahabol ka pa sa mga subjects na nakaligtaan mo." Tumango ako at ngumiti sa kanya.  "Mahal, kumusta na si Manang? Maayos na ba ang kanyang lagay?" Tanong ni Mama.  "Hindi ko pa alam. Wala pa akong balita sa Ospital. Si Andrei lang ang nakakaalam ng kalagayan ni Manang." Sagot naman ni Papa.  "Sana naman ay gumaling na si Manang. Lagi ko siyang pinagdarasal na gumaling na." Plastik na sabi ni Mama.  Alam ko naman na hindi iyon ang gustong mangyari ni Mama. Kabaliktaran iyon at gusto niyang hindi na magising si Manang para hindi na mabunyag ang pinaplano namin.  "Salamat mahal." Pagkatapos sabihin yon ni Papa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.  "Excuse me. I have to take this call." Pagkatapos ay umalis na siya sa kusina.  Dali-dali namang lumapit sa akin si Mama.  "Anak, talaga namang sumasang-ayon sa atin ang kapalaran." Masayang-masaya si Mama. Hindi ko nagugustuhan ang kanyang ipinapakitang mga tingin sa akin. Alam kong may masama siyang binabalak. Kilalang-kilala ko na si Mama!  "Bakit naman po?" Taka kong tanong sa kanya.  "Basta. Malalaman mo din ito anak. Ang mahalaga ngayon ay hindi parin nakakapagsalita si Manang." sabi niya.  "Basta Mama wag kang gagawa nang ikakapahamak mo. Ayaw ko na malagay ka sa alanganin." malungkot kong sabi.  Niyakap niya ako. "Hinding-hindi iyon mangyayari." Sagot naman niya.  "Oo nga pala, hindi ako dito matutulog. Pinuntahan ako ng kaklase ko kanina at may gagawin raw kaming project." Sabi ko.  "Ganun ba? Basta palagi kang mag-iingat lalo na kapag wala ka sa tabi ko." Sabi niya.  "Opo Mama. Ako pa ba? Kaya ko na po ang sarili ko." Ngiti kong sagot sa kanya.  Hindi naman talaga masama si Mama. Gusto niya lang mapabuti ang kalagayan ko. Lahat gagawin niya para sa akin at iyon ang ipinagpasalamat ko sa kanya.  Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa bahay at naglakad papunta sa bahay nila Jonas. Pagdating ko ay agad kong kinatok ang pintuan.  Pagbukas ng pinto ay bumungad si Jonas na walang damit pang-itaas at naka-boxer short lang. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng deretso dahil naiilang ako.  "Pasok ka." Sabi niya. "Pasensiya ka na, sanay talaga akong maghubad ng damit pag nasa bahay na ako." Umupo ako sa sala nila.  Wala namang masama kung maghubad siya, maganda naman ang kanyang pangangatawan.  "Okay lang." Tipid kong sagot.  "Nagtext si Trixie, hindi raw siya pinayagan. Pano ba yan, tayong dalawa nalang muna?" Sabi niya.  "Ganun ba? Sayang naman. Sige, kaya natin yan." Ngiti kong sagot sa kanya.  Nagpaalam muna siyang umakyat sa kanyang kwarto para kunin ang mga gamit na kakailanganin namin para sa paggawa ng mini-house. Pagbalik niya ay dala-dala na niya ang mga materyales na gagamitin namin at inilapag iyon sa lamesa.  "Yan na lahat nang mga gamit. Hindi ko alam kung ano yung gagamitin natin. Cardboard kaya o styro foam?" Tanong niya sa akin. "Mas maganda siguro kapag cardboard para matibay pero maganda din naman kapag styro ang gagamitin natin." Sagot ko naman.  "Gamitin nalang natin pareho." Matawa-tawa niyang sabi.  Hindi ko maipaliwanag pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kay Jonas. Hindi siya mahirap pakisamahan.  Lumipas ang ilang oras, tiningnan ko ang orasan at alas-tres na ng madaling araw. Sahig palang ang nagagawa namin. Habang nililigpit ko ang mga kalat sa sala ay nahagip ng mata ko si Jonas na nakatulog na sa sofa. Nilapitan ko siya't tinitigan habang siya'y natutulog.  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung maituturing ay wala akong maihuhusga kung hitsura lang ang pagbabasehan sa kanya.  Maputi siya, makinis ang balat. May kayumangging mga mata. Matangos ang ilong at mapupulang labi. Kahit sino siguro ay magkakagusto sa kanya. Walang duda iyon.  "Jonas." Nabigkas ko at biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko ang kanyang Mama.  "Tita, nakatulog na po si Jonas sa sofa." Sabi ko sa kanya. "Gigisingin ko para doon kayo matulog sa kanyang kwarto. Ako na ang bahala sa mga liligpitin." Ginising agad ni Tita si Jonas.  Pagkagising niya ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.  "Tara, matulog na tayo." Pagkasabi'y hinawakan niya ang kamay ko sabay hinila papunta sa kanyang kwarto. Doon muling tumibok ng mabilis ang puso ko. Parang slow motion ang pangyayaring iyon.  Bakit ba ganito nalang ang pakiramdam ko? Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.  "Okay lang ba na tabi tayo matulog?" Tanong niya. Tumango lang ako.  Ako ang unang humiga sa kanyang kama pagkatapos ay sumunod siya. Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin ako makatulog. Pinapakiramdaman ko lang si Jonas pero hindi na siya gumagalaw, sigurado akong tulog na siya.  Naiilang man ako dahil nakahubad siya at naka-boxer short lang pero hindi ko iyon pinapahalata.  Maya-maya'y naramdaman kong gumalaw ang kanyang katawan at hindi ko inaasahang yayakap siya sa akin. Nabigla pa ako sa kanyang ginawa. Aalisin ko sana ang kamay niya pero hindi ako makagalaw dahil sa pagkakayakap niya.  Wala na akong nagawa kundi pabayaan nalang siyang yumakap sa akin. Nakatulog ako na may ngiti sa aking labi. 
----- 

ANDREI's POV 

Sumikat na ang araw at wala parin akong tulog. Hindi talaga ako natulog nang malaman kong nagising si Manang at nakapagsalita pa siya kahapon.  Pinagpahinga ko muna siya at tsaka na lamang ako kausapin kapag maayos na maayos na ang kanyang kalagayan.  "Andrei. Hindi ka natulog?" Hindi ko namalayan ang paggising ni Ken. Dito na rin siya natulog sa ospital dahil gusto niya akong samahan sa pagbabantay kay Manang.  "Hindi ako makatulog Ken. Gusto ko kasi bantayan si Manang lalo na at gising na siya." Sagot ko sa kanya.  "Lalabas muna ako at bibili lang ako ng almusal natin." Pagkatapos niyang sabihin yon ay lumabas na siya ng kwarto.  Sobra-sobra na ang ginagawa ni Ken kung tutuusin. Nahihiya na nga ako sa kanya pero wala naman akong magawa, gusto lang naman niyang tumulong.  "Andrei." Nilingon ko si Manang at nakita kong gising na siya.  "Manang. Goodmorning." Masaya kong bati sa kanya. "Nagugutom na ba kayo? Pagbalik po ni Ken ay may dala siyang pagkain para sa atin." Sabi ko.  Hinawakan niya ang kamay ko at seryosokg tumingin sa akin.  "Andrei... palagi kang mag-iingat anak." Sabi niya.  "Oo nga pala Manang, diba po may mahalaga kayong sasabihin sa akin? Tungkol saan po ba yon?" Tanong ko.  Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni Manang, parang ayaw kong marinig ang kanyang sasabihin pero matagal kong hinintay ito.  "Sa tamang oras, malalaman mo rin Andrei pero may gusto lang akong itanong sayo." Sagot naman niya sa akin. "May galit ka parin ba sa Papa mo?" Nabigla ako sa kanyang itinanong.  Kahit magsinungaling ako at sabihing wala na ay hindi niya ako paniniwalaan dahil alam ni Manang na malaki ang galit ko sa aking Ama.  "Alam mo naman po na may galit pa ako sa kanya. Manang, hindi mo ako masisisi..." pinutol niya ang pagsasalita ko.  "Maaari bang patawarin mo na si Carlo sa lahat ng kasalanan na nagawa niya sa inyo ng Mama mo. Andrei, patawarin mo na ang Papa mo." Hindi ko maintindihan kung bakit ito sinasabi sa akin ni Manang.  "Pinipilit ko pong tanggapin ang sitwasyon ngayon. Manang, mapapatawad ko si Papa pero hindi pa sa ngayon." Sagot ko sa kanya.  "Maiksi lamang ang buhay Andrei. Paano kung isang araw hindi mo na makasama si Carlo tulad nang nangyari sa Mama mo. Isipin mo iyon. Habang may pagkakataon ay patawarin mo ang Papa mo, habang nabubuhay pa siya sa mundo. Kailan mo pa iyon gagawin, kapag nawala na siya?" Kumirot ang puso ko sa sinabing iyon ni Manang. Natauhan ako sa mga sinabi niya.  "Kapag nawala na si Carlo ay magiging masaya ka ba? Alam kong hindi Andrei. Alam kong gustong-gusto mo nang patawarin ang Papa mo pero natatakot ka lang. Alisin mo ang takot sa puso mo para maging maligaya ka." Niyakap ko si Manang pagkatapos niyang sabihin yon.  "Kaya ko ito sinasabi dahil ayaw kong balang-araw pagsisihan mo itong ginawa mo. Lahat ng bagay nawawala kaya sana Andrei, mapatawad mo na nang buo ang iyong Ama."  Ngayon ko lang din napagtanto ang lahat ng mga sinabi ni Manang. Tama lahat nang iyon, dapat ay hindi na ako magtanim ng galit sa Papa ko, kailangan ko siyang patawarin at tanggapin lahat ng ginawa niya... dahil maiksi lang ang buhay, hindi habang-buhay nariyan si Papa sa tabi ko.  "Manang, salamat po. Salamat sa lahat. Gagawin ko po ang sinabi niyo. Patatawarin ko na po si Papa." Hindi na napigilang tumulo ng mga luha ko.  Matagal ko nang gustong makasama at mayakap si Papa pero hindi ko magawa dahil nagkaroon ng galit sa puso ko. Ngayon ay tinatanggal ko na sa puso ko ang galit at poot sa kanya. Kailangan ay magpatawad ako bago pa man mahuli ang lahat, ayaw kong balang-araw ay pagsisisihan ko ang ginawa ko.  "Ang gusto kong gawin mo pag nakauwi tayo ay kakausapin mo na ang iyong Ama at patawarin mo na siya. Makakaasa ba ako anak?" Tumango lang ako at nagbigay ng ngiti sa kanya.  "Salamat Andrei, salamat anak." Masaya niyang bigkas.  Biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Ken na may dala-dalang pagkain.  "Buti nalang at dumating ka na, nagugutom na kami ni Manang eh." Nakangiti kong sabi sa kanya.  "Andrei, may gustong kumausap sayo." Seryoso niyang sabi.  Lumabas sa likuran niya ang taong kanyang tinutukoy. Ang mga ngiti sa mukha ko ay biglang nawala nang makita ko siya. 

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon