A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 10
Pagmulat ng mata ko ay wala na si Kuya sa tabi ko. Biglang tumunog ang aking cellphone. Unknown number. Hindi naka-register sa phone ko ang number na tumatawag. "Hello. Sino 'to?" Bungad kong sabi. "Goodmorning bunso. Kumusta ang tulog mo? Magaling ka na ba?" Yung pagtataka ko kanina ay napalitan ng saya nang makilala ko ang boses sa kabilang linya. "Kuya." Bigkas ko. Nagtataka lang ako kung paano niya nakuha ang cellphone number ko. "Pasensiya ka na. Habang tulog ka kanina eh pinakialaman ko yung phone mo. Ang himbing mo kasi matulog kaya hindi mo napansin." Matawa-tawa niyang sinabi. "Okay lang yun Kuya." Sagot ko sa kanya. "Huwag ka munang bumangon. Dadalhan kita ng almusal diyan." Pagkatapos niyang sabihin yun ay ibinaba na niya ang tawag. Ilang araw palang kaming magkasama dito ni Andrei pero napalambot ko na agad ang kanyang puso. Dati-rati'y hindi ko siya nakikitang ngumingiti o tumatawa pero marami nang nagbago. Malaki na ang ipinagbago ng kanyang ugali at natutuwa ako dahil isa iyon sa mga plano ko. Kapag tuluyan nang mapalapit ang loob niya sa akin ay sigurado akong pagkakatiwalaan na niya ako. Maya-maya'y bumukas ang pintuan at nakita ko siyang may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed." Sabi niya at nakita ko na naman ang kanyang ngiti. "Para naman akong may sakit talaga niyan Kuya. Kaya ko namang tumayo at pumunta sa kusina para kumain." Sabi ko sa kanya. Inilapag na niya ang tray sa kama at umupo kaharap ko. "Ayaw mo nun? Inaalagaan kita bunso. Gusto ko lang iparamdam na may kapatid kang nag-aalaga sayo." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko maipaliwanag pero sa tuwing nagpapanggap ako sa kanya ay naapektuhan ako. Hindi ko dapat iyon maramdaman. Kailangan kong isipin ang plano namin ni Mama! "Oo na po. Ikaw na ang the best na Kuya. Kakain na ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. Kukunin ko na sana ang kutsara't tinidor pero naunahan niya akong gawin 'yun. "Ako ang magpapakain sayo bunso." Sabi niya. "Kuya naman, wag na, hindi ako bata." Asar kong sabi. "Wala ka nang magagawa, pagbigyan mo na ako bunso. Ayaw mo nun tinuturing kitang parang prinsesa." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin kay Kuya. Tumingin din siya sa mga mata ko at ang mga titig niya ay parang nangungusap. "Kuya." Sabi ko tsaka ko iniwas ang tingin sa kanya. Ibinigay na niya ang kutsara't tinidor sa akin. Mukhang nailang siya sa titigan namin kanina. "Bahala ka bunso. Sige labas muna ako." Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. May kaunting pag-aalinlangan sa isip ko kung bakit ko ito ginagawa pero ito lang ang alam ko para mapalapit si Andrei sa akin at matupad ang gusto namin ni Mama. Inaamin kong nakokonsensya din ako minsan dahil alam kong unti-unti ko nang napapabago ang kanyang ugali pero kailangan kong panindigan ang ginagawa kong ito. Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko si Mama. "Guess what anak." Bungad niyang sabi. "Ano po yun Mama?" Taka kong tanong. "Bukas na ang kasal namin ni Carlo." Nandilat ang mata ko nang marinig iyon. "Talaga po?" Pananabik ko. "Oo anak. Unti-unti nang natutupad ang ating plano." Masaya niyang bigkas. "Masayang-masaya po akong malaman na ikakasal na kayo ni Papa. So, uuwi na kami ni Andrei diyan bukas?" Hindi naman niya nagustuhan ang aking tanong. "Hindi. Hindi dapat malaman ni Andrei na ikakasal kami bukas ni Carlo." Sabi niya. "Bakit naman po Mama? Gusto ko din pong pumunta sa kasal ninyo ni Papa." Sagot ko naman. "Wag na anak, kapag nalaman pa 'to ni Andrei baka kung ano pang gawin nun. Gusto ko pagbalik niya, magugulantang siya na isa na akong Mrs. Dela Paz." Sabay humalakhak siya ng malakas. "Ako nalang kaya ang uuwi, hindi ko po sasabihin kay Andrei. Mama naman, gusto kong masaksihan ang kasal." Pamimilit ko sa kanya pero kahit anong pilit ko ay hindi parin niya ako pinayagan. "Baka magtaka pa si Andrei kapag umalis ka diyan. Ang dapat mong gawin yung inuutos ko sayo. Ano, kumusta na ba kayo diyan?" Tanong niya. "Mabait na siya sa akin at konti nalang at mapapalapit na siya ng tuluyan sa akin." Nakangiti kong sabi. "Tama yan. Oh sige na, marami pa akong gagawin. I love you anak, mag-iingat ka diyan."
End of call.
Gusto kong masaksihan ang kasal bukas pero wala akong magawa. Ang kailangan ko nalang gawin ay mapalapit pa ng tuluyan si Andrei sa akin. Kapag natuloy ang kasal bukas ay sigurado na ang kapit ko! Malakas na ang laban ko at pantay na kami ni Andrei sa mamanahin pero sisiguraduhin namin ni Mama na sa bandang huli, sa akin mapupunta ang lahat ng kayamanan.
-
"Kuya, ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ba?" Nakita ko siya sa labas na parang may malalim na iniisip. "Wala naman. Parang gusto kong umuwi bunso eh." Nagulat ako nang marinig iyon. "Ha? Bakit naman Kuya?" Tanong ko. "Wala. Ewan ko nga, parang may tumutulak sa akin na umuwi. Hindi ko alam." Naguguluhan niyang sabi. Hindi maaari ito, malakas ang hinala kong kinukutuban siya na may magaganap bukas. Hindi ko dapat siya payagang umalis ngayon! "Kuya." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
---
ANDREI's POV
Paglapit sa akin ni Christian ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Kuya." Hinawakan niya ang kamay ko. "Dito muna tayo. Gusto ko pang mag-stay. Ayoko munang umuwi sa bahay." Malungkot niyang sabi. Kaninang umaga ko pa gustong umuwi pero hindi ko naman alam kung anong dahilan. Kinukutuban ba ako? Malakas ang hinala ko na may kinalaman ito kay Papa! "Oh sige bunso, dito muna tayo." Sabi ko sa kanya tsaka ko naalala na may lagnat pala siya at basang-basa na kami sa ulan. "Pumasok ka sa loob. May lagnat ka pa diba?" Hinila ko siya papasok pero kumalas siya at tumakbo palayo sa akin. "Habulin mo muna ako Kuya." Sigaw niya sa akin at mabilis na tumakbo palayo. Napailing nalang ako sa kanyang ginawa. Masaya ako at nakikilala ko pa ng lubos ang aking kapatid. Iba yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon, hindi ko man maipaliwanag pero isa lang ang alam ko, masaya ako kapag nakikita o nakakasama ko si Christian. "Bunso, nandiyan na ako." Sigaw ko sabay takbo sa pinuntahan niyang direksyon. Malakas ang buhos ng ulan. Wala akong maaninag na kahit anong bagay bukod sa napakalakas na buhos ng ulan. "Christian. San ka ba?" Malakas kong sigaw. Tinatalo pa ng buhos ng ulan ang sigaw ko. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong masyadong makita dahil sa kapal ng apog na parang usok na dulot ng ulan. Saan na ba nagpunta si Christian? Nakaramdam na ako ng kaba kaya naglakad ako ng naglakad hanggang sa may mabangga akong kung anong bagay. Pagtingin ko sa baba ay nakita ko ang nakahandusay na katawan ni Christian. "Christian. Anong nangyari sayo." Niyugyog ko nang paulit-ulit ang kanyang katawan pero hindi siya gumigising. "Tulong. Tulungan niyo kami." Sigaw ko pero alam kong walang makakarinig sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang buhatin siya. Sinasalubong ko ang rumaragasang buhos ng ulan. Nagmamadali akong maglakad pabalik sa rest house nang biglang gumalaw ang kanyang kamay. "Christian." Napatigil ako sa paglalakad at nakita kong dumilat ang kanyang mata kasunod nun ang pagtawa ng malakas. Nawala ang pag-aalala ko at kapalit nun ang pagkagalit sa kanya. Ibinaba ko na siya habang tumatawa parin ng malakas. "Kinabahan ka ba Kuya? Testing lang naman eh." Sabi niya. "Hindi mo ba alam na sobra akong nag-alala? Natakot ako na baka kung ano nang nangyari sayo tapos nagbibiro kalang pala." Asar kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang natahimik nang makitang galit na ako sa pagbibiro niyang ginawa. "Sorry na Kuya. Promise hindi ko na uulitin." Panunuyo niya sa akin. "Nakakainis kasi! Hindi nakakatuwa, wag mo nang uulitin 'yun." Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. Takot at kaba ang naramdaman ko kanina pero mabilis yung napalitan. Natatakot ako na baka mawalan na naman ako. Katulad nang pagkawala ni Mama. Ayaw ko na mangyari ulit na may mawawala sa buhay ko kaya labis akong nag-alala kanina kay Christian. "Huwag mo nang uulitin yun bunso." Sabi ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanyang mukha. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? May kakaiba sa nararamdaman ko na ngayon ko lang naranasan. "Kuya. Sorry na talaga." Malungkot niyang sabi. Hinawakan ko ang kanyang ulo at inilapit ko ito sa aking mukha. Nagtataka naman siya sa ginagawa ko. Nang malapit na ang mukha niya ay hinalikan ko siya sa kanyang noo. Simula ngayong araw, iingatan at aalagaan ko na ang taong ito. Pagkatapos naming maligo sa ulan at nakapagbanlaw ay nagbihis na kami para makapagpahinga. Isa ito sa mga araw na hinding-hindi ko malilimutan. Biglang tumunog ang telepono. Pagsagot ko ay si Manang pala iyon. "Andrei, anak. Ikaw ba ito?" Bungad niyang salita. "Opo Manang, bakit parang kinakabahan kayo? May nangyari ba diyan?" Napatingin sa akin si Christian at bigla akong nilapitan. "Si Manang ba yang kausap mo? Anong sabi?" Nag-iba naman ang kinikilos niya. "Oo eh. Hindi ko din alam parang may sasabihin." Sagot ko sa kanya. "Manang, nandiyan ka pa po ba?" Tanong ko. "Andrei, anak. Kailangan mong umuwi ngayon din dahil..." biglang naputol ang tawag at hindi ko na narinig ang sunod niyang sasabihin. "Kuya. Anong sinabi ni Manang?" Tanong niya sa akin. "Biglang naputol ang linya eh. Kinabahan tuloy ako bigla. Kailangan nating umuwi ngayon." Nagulat pa siya sa sinabi ko. "Hindi. Huwag Kuya!" Taranta niyang sabi ipinagtaka ko. "Bakit, Christian?" Tumingin ako ng deretso sa kanya. "K-kasi malakas ang ulan. Baka kung ano pa mangyari sa atin sa daan." Sagot niya. "Hindi. Uuwi na tayo!" Hinila ko siya palabas at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang lakas ng buhos ng ulan. Napatingin ako kay Christian. "Malakas ang ulan Kuya. Kung gusto mo, bukas tayo uuwi." Sabi niya, wala na akong magagawa pa. Inaalala ko lang si Manang, alam kong mahalaga ang kanyang sasabihin at kailangan ko siyang makita sa lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~
General FictionAn original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiousl...