A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 27
KEN's POV
Tinupad ni Darwin ang kanyang sinabi na dito siya kakain ngayong gabi sa bahay. "Saan ka nakatira?" tanong ni Papa habang sinisimulan na naming kumain. "St. Andrew po, diyan lang sa may kabilang village." Sagot naman ni Darwin. Nagulat ako dahil mayayaman ang mga taong nakatira doon. "Mayaman pala ang pamilya mo. Saan ka nag-aaral?" Sunod na tanong ni Papa. "Papa naman. Diba sabi ko schoolmate ko si Darwin." Singit kong sabi. "Nakalimutan ko. Bakit masama bang magtanong? Mabuti nang kilalanin ko ang mga kinakaibigan mo." Masungit na sabi niya. Kahit hindi naman sabihin ni Papa ay ramdam ko na ayaw niyang narito si Darwin sa bahay. "Okay lang Ken. Tama naman ang sinabi ng Papa mo." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "May sariling business po na pinapatakbo ang mga magulang ko. Tama din po ang sinabi ni Ken na schoolmate ko siya. Last school year po ay Top 1 po ako sa aming klase for four straight grading at ngayon ay isa po ako sa running for Valedictorian this school year." Sabi ni Darwin na ikina-mangha ko. Hindi na rin nakapagtatakang matalino siya dahil unang tingin palang ay malalaman ko na agad na isa siyang matalinong tao. "Mabuti kung ganun." Sabi ni Papa pagkatapos ay itinuloy na niyang kumain. Wala na rin sigurong masabi si Papa sa mga sinabi ni Darwin. Alam kong namangha din siya pero hindi niya ito pinapakita. "Okay ka lang ba?" Siniko ko siya. Tumango lang si Darwin. Pagkatapos naming kumain ay tumayo na si Papa. "Kayo na ang bahalang magligpit diyan. Ken, matutulog na ako at may pupuntahan ako bukas. Ikaw naman Darwin, mag-iingat ka sa pag-uwi mo mamaya." Pagkatapos sabihin yun ni Papa ay umalis na siya. "Huhugasan ko muna 'tong mga pinggan bago kita ihatid sa labas." Sabi ko habang nililigpit ang aming pinagkainan. "Tulungan na kita Ken." Sabi niya pero pinigilan ko siya. "Naku wag na. Bisita kita kaya umupo ka nalang diyan at hintayin mo akong matapos." Sabi ko at wala naman siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko. "Darwin, paano mo pala ako nakilala? Hindi naman ako sikat sa school natin." Pagtataka kong sabi sa kanya. "Kaibigan mo si Andrei diba?" Napatigil ako sa paghuhugas nang marinig ang kanyang sinabi. "Oo. Bakit, kilala mo ba siya?" Nilingon ko siya. "Oo naman. Kilalang-kilala ko siya." Sagot niya. "Sikat din si Andrei sa school diba? Tulad ng bestfriend niyang si Jonas. Sila lang naman ang mga taong kilala ng lahat lalong-lalo na sa mga babae." "Oo nga pero nalaman mo rin ba yung ginawa ni Jonas kay Andrei?" Napaisip siya sa itinanong ko. "Ah, yung tungkol sa pagtataksil nila ni Trixie?" Alam din pala ni Darwin ang tungkol dito. "Paano mo nalaman?" Taka kong tanong. "Ex girlfriend ko si Trixie." Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong baso sa pagkagulat. "T-Talaga? Seryoso ka?" Paninigurado ko at tumango lang siya. "6 months ago naging kami pero sandali lang ang aming relasyon dahil kay Andrei." Pagkukwento niya. "Hindi ko sinasabing inagaw o kinuha niya sa akin si Trixie pero yun ang naiisip ko. Nang dahil kay Andrei kaya naghiwalay kami ni Trixie." Pagtatapos niya. Hindi ko man lang alam ang pangyayaring ito. Hindi ko naman kasi lubos na kilala si Trixie at pinakilala lamang siya sa akin noon ni Andrei bilang kanyang girlfriend. "Sorry kasi hindi ko alam ang nangyaring 'yan. Wala naman kasing naikukwento sa akin si Andrei." Sabi ko sa kanya. Tinapos ko muna ang paghuhugas ng pinggan bago ko siya muling kausapin. "Kumusta naman kayo ngayon ni Andrei?" Umupo ako para makapag-usap kami ng maayos. "Ayaw kong magsinungaling Ken. Hindi kami okay ngayon. May kaunting galit parin akong nararamdaman sa kanya pero pinipilit ko nalang kalimutan ang lahat." Sabi niya. "Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Andrei sayo Darwin. Mabait naman yun kahit minsan hindi mo na maintindihan ang ugali." Sabi ko sa kanya. Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa aking mata. "Kilalang-kilala mo si Andrei diba?" Seryoso niyang tanong. "Oo bakit?" Bigla akong nakaramdam ng kaba. "Pati mga sikreto niya alam mo din?" Nandilat ang mata ko. Ano ba ang sinasabing ito ni Darwin. "May lihim si Andrei na hindi mo alam." Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Gaano ko nga ba lubusang kilala si Andrei? Simula pagkabata ay nakakasama ko na siya pero ano ba ang sukatan kung kilala mo talaga ng lubusan ang isang tao? "Ano? Ano ang itinatago ni Andrei?" Tanong ko sa kanya. Bigla niyang hinampas ang braso ko. "Wala. Binibiro lang kita." Sabay tumawa siya. Napabuntong-hininga ako ng mga sandaling 'yun. Hindi ko alam pero nararamdaman kong kilalang-kilala na ni Darwin si Andrei. Malakas ang kutob ko, marami siyang alam tungkol kay Andrei na hindi ko nalalaman. "Sige na. Ihahatid na kita sa labas." Sabi ko pagkatapos nun ay sabay na kaming lumabas. "Salamat nga pala Ken para sa gabing ito. Natutuwa ako at nakilala ko ang Papa mo." sabi niya nang makalabas kami ng gate. "Wala yun. Always welcome ka dito kapag gusto mong pumunta." Nakangiti kong sabi. "Ibig bang sabihin nyan simula ngayon ay magkaibigan na tayo?" Tumango ako sa sinabi niyang 'yun. "Salamat." Niyakap niya ako pagkatapos nun ay tuluyan na siyang umalis. Bago ako pumasok ay sinilip kong muli si Darwin habang naglalakad palayo. "Mag-iingat ka Darwin." Mahinang sabi ko pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~
Ficción GeneralAn original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiousl...