A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 3
ANDREI's POV
Nagising ako sa pagyugyog ni Manang sa katawan ko. "Anak, maayos ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Iniabot niya sa akin ang dala niyang kape. "Inumin mo." Sabi niya. "Salamat po." Sagot ko. Umupo siya sa kama at kinausap ako. "Andrei, alam kong masakit at mahirap para sayo ito pero kailangan mong maging matatag. Ayaw ko na nagkakaganito ka. Gusto mo bang malungkot ang Mama mo dahil sa ginagawa mo ngayon? Hindi siya masaya hangga't mahina ka. Maging matapang at malakas ka na harapin ang sitwasyon sa kasalukuyan." Natauhan naman ako sa kanyang sinabi. Tama si Manang, hindi ako dapat maging mahina dahil sa kanila. Magiging matatag ako para kay Mama. "Salamat po Manang." Niyakap ko siya pagkatapos nun. Pagkatapos kong maligo at nakapagbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko silang tatlo na kumakain sa lamesa. Ang eksenang iyon ang nagpakurot sa aking puso. Kami sana iyon... si Papa, si Mama at ako pero iba na ang sitwasyon ngayon. Marami nang nagbago. "Anak, samahan mo na kaming kumain dito." Sabi ni Papa. "Andrei, lasing na lasing ka kagabi. Okay ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Christian pero hindi ko siya sinagot. "Aalis na po ako. Sa school nalang ako kakain." Sabi ko pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay. Paglabas ko ng bahay ay agad akong humanap ng taxi papunta sa pinapasukan ko nang biglang may humintong sasakyan sa tabi ko. "Andrei. Sumabay ka na." Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at sumilip. Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad pero sinundan parin ako ng sasakyan. "Andrei, sumabay ka na." Pag-uulit niya. "Pwede ba wag kang makulit. Ayoko!" Sigaw ko kay Trixie. Wala na siyang nagawa at umalis na ang sinasakyan niya. Masakit parin sa akin ang ginawa nila ni Jonas. Napakasakit! Sobra akong nasaktan at apektado dahil minahal ko talaga si Trixie ng totoo.
-
Pagpasok ko sa unang klase ay walang guro. Nilapitan ako ni Miggy at Ken para ayaing lumabas. "Nakakatamad naman dito. Tara sa bilyaran." Sabi ni Ken. "Kayo nalang, matutulog nalang ako." Sabi ko sabay tingin sa kawalan. "Sino na naman yang iniisip mo? Akala ko ba nakalimot kana?" Binatukan ko si Miggy nang marinig yun. "Baliw. Mamaya inom ulit tayo pag-uwi." Pagyaya ko sa kanila. "Teka, mukhang napapadalas na yata ang pag-inom natin. Relax lang Andrei." Sabi ni Ken. Iyon lang naman ang paraan para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Kapag nakakainom ako ng alak ay parang nawala lahat ng problema ko, walang iniisip! "Sige. Dahil durog na durog yang puso mo, pagbibigyan ka namin ni Ken. Mamaya inom ulit tayo." Matawa-tawang sabi ni Miggy. Biglang may pumasok na babae sa aming room at lumapit sa akin. Pinagtinginan siya ng lahat dahil hindi namin ito kilala. "Sorry." Nagulat pa kami ng may inilabas siyang puting rosas at ibinibigay yun sa akin. Tinutukso na ako ng ilan kong mga kaklase lalo na si Ken at Miggy. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Balik niyang tanong. Muli kong tinitigan ang mukha niya at doon ko naalalang nakita ko na pala siya sa may bilyaran. "Hindi." Nagkaila ako sa kanya. "Sorry na Andrei sa mga nasabi ko sayo." Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Pare, patawarin mo na." siniko ako ni Ken. Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagmadali akong lumabas sa aming classroom. Sa paglalakad ko ay nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na tao... hindi ako maaaring magkamali. Tumingin muli ako sa direksyon kung saan ko siya nakita at nagtaka ako kung bakit siya narito. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang braso. "Anong ginagawa mo dito?" Nagulat din siya nang makita ako.
---
CHRISTIAN's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Paglingon ko ay nakita ko si Andrei. Ngumiti ako sa kanya. "Kanina pa kita hinahanap kaso di kita makita." Sabi ko sa kanya. "Sagutin mo 'yung tanong ko!" Sabi niya. "Dito na rin ako mag-aaral." Sagot ko sa kanya. "Ano?" Gulat niyang tanong. "Oo, gusto ko kasi dito mag-aral tsaka nandito ka rin naman." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Oo nga pala, hiniram ko muna yung uniform mo, bukas pa kasi ako bibili." Sunod kong sabi. Alam kong nadismaya siya sa kanyang nalaman at umalis nalang. "Bahala ka nga." Pagkatapos nun ay mabilis siyang nawala sa paningin ko. Natutuwa naman ako dahil hindi siya gaanong nagalit nang malaman niya ang pag-aaral ko dito sa pinapasukan niya. Balita kong sikat na siya dito dahil sino ba naman ang hindi makakakilala sa kagwapuhang taglay ni Andrei... ng kapatid ko. Sigurado akong marami nang babaeng may lihim na pagtingin sa kanya. Wala naman sigurong masama dun, paghanga lang naman pero nababahala ako sa ipinapakita niyang ugali. Alam kong may kaunti pang kabaitan sa puso niya. Galit nalang kasi ang palagi niyang pinapairal at hindi ko naman siya masisisi doon. Alam ko ang pinagdadaanan niya at alam kong ako lang ang makakatulong sa kanya. Tutulungan kong ibalik ang dating Andrei, ibabalik ko kung sino at ano man siya noon. Alam kong hindi siya suplado, laging mainitin ang ulo at hindi ko man lang nakikitang ngumiti. Isa na yun siguro sa mga misyon na dapat kong gawin. Pumunta na ako sa classroom na papasukan ko. Sayang at hindi kami magkaklase ni Andrei dahil hindi iyon pinayagan na mangyari. Mabuti na rin yon para hindi siya lalong mailang sa akin. Pinapasok na ako ng guro at ipinakilala sa lahat. "Si Christian Dela Paz ang bago niyong kaklase. Galing siyang Amerika at nagpasiyang dito mag-aral. Sana ay maging mabait kayo sa kanya." Ang sabi ng guro sa lahat at nakikita ko namang natutuwa ang karamihan nang makilala ako. Umupo ako sa may bandang dulo katabi ng isang babae. "Hi." Bumati siya sa akin. "Hello." Ngumiti ako sa kanya. Habang nagpapatuloy ang pagtuturo ng aming guro ay kinakausap ako ng babaeng katabi ko. "Pamilyar yung last name mo." Napatingin naman ako nang marinig yun mula sa kanya. "Wag mo nang isipin yun. By the way, ako nga pala si Trixie." Pagpapakilala niya sa akin. Nandilat naman ang mata ko. Ito ba ang babaeng nanakit kay Andrei? Trixie din ang alam kong pangalan ng dating girlfriend ni Andrei. "Bigla kang natahimik diyan. May problema ba?" Tanong niya. "Wala naman, may naalala lang ako." Nakangiti kong sabi. "Sabay kana kumain mamaya sa akin sa canteen, alam kong wala ka pang kilala dito." Pagyaya niya. "Sige." Pagsang-ayon ko. - Breaktime at narito kami ni Trixie sa canteen habang kumakain nang biglang may humawak sa braso ko at hilahin ako palabas. "Andrei, sandali." Tumingin siya ng masama sa akin. "Piliin mo yung mga taong kakaibiganin mo." Makahulugan niyang sabi. Tama ang hinala ko. Si Trixie nga ang kanyang ex-girlfriend. "Kasi Andrei..." hindi ko pa naitutuloy ang pagsasalita nang bigla siyang sumingit. "Hintayin mo ako mamaya sa labas, sabay tayong uuwi." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Napangiti naman ako sa sinabi niyang yon. "Christian." Hindi ko namalayan ang pagdating ni Trixie. "Kilala mo ba si Andrei? Magkakilala ba kayo?" Napalunok ako ng laway sa kanyang itinanong. Umiling nalang ako pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng canteen.
-
Oras na nang uwian. Nasa labas ako ng gate habang hinihintay si Andrei. Sinabi niya kasi kanina na sabay kaming uuwi ngayon. Nakita ko na sa may di kalayuan si Andrei kasama ang dalawang lalaking naghatid sa kanya kagabi sa bahay. "Sige na, next time nalang tayo uminom." Sabi niya sa dalawa at lumapit na sa akin. "Andrei." Sabi ko. Inihagis niya ang kanyang bag sa akin. "Dalhin mo." Masungit niyang sabi. Kaya pala nagpahintay ay pagdadalhin lang ako ng kanyang bag pero ayos na rin sa akin ito. Mas mabuti nang mapalapit pa ako sa kanya. Pumara na siya ng taxi at agad kaming sumakay. Habang nasa biyahe pauwi ay kinakausap ko siya. "Andrei." Bungad kong sabi. Hindi siya tumingin at nagsalita. "Kuya." Sa pagtawag kong iyon ay tumingin siya sa akin ng masama. "Wag na wag mo akong tatawaging kuya, lalo na sa school." Matigas niyang sabi. "Eh anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong ko muli. Napapangiti ako dahil alam kong nakukulitan na siya sa akin. "Bahala ka." Sabi niya. "Andrei na nga lang. Salamat pala dahil pinapansin mo na ako." Sabi ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang ngumisi. "Malalaman mo rin ang kapalit nito." Makahulugan ang salitang binitiwan niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Biglang may kakaiba akong naramdaman habang magkatitig kami. "Ano ba yang ginagawa mo." Inalis niya ang kanyang kamay sa kamay ko. May kakaiba talaga akong naramdaman pero hindi ko na iyon pinansin. Maya-maya'y nakarating na kami sa bahay. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin si Papa at si Mama. Halata ko kay Mama na masayang-masaya siya ngayon. Ano kaya ang dahilan nito? "Mabuti naman at sabay kayong umuwi. Oo nga pala, may importante kaming sasabihin sa inyong dalawa." Sabi ni Papa. Bigla naman akong kinabahan na hindi ko mawari. Napatingin ako kay Andrei na nagtataka din sa sinabi ni Papa. "Andrei at Christian... magpapakasal na kami ng Papa niyo." napatingin muli ako kay Andrei sa sobrang pagkagulat. Alam kong hindi niya nagustuhan ang kanilang ibinalita. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Sinundan ko naman agad siya. Ako rin ay labis na nagulat at hindi inaasahan ang sasabihin nila Papa at Mama. "Andrei." Kinatok ko ang pintuan niya. "Umalis ka. Gusto kong mapag-isa." Sabi niya. Alam kong mahirap itong tanggapin para sa kanya. Dagdag na naman ito sa mga sakit at sama ng loob niya sa amin. Sana balang-araw ay makita ko ang ngiti sa labi ni Andrei pero sa ngayon ay alam kong hinding-hindi ko iyon makikita.
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~
Fiksi UmumAn original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiousl...