Fin Chapter

637 12 6
                                    

A Brother's Love (Bromance)  FINAL CHAPTER

"The Unconditional Love Finale." 

6 years later ... 

CHRISTIAN's POV 

Paggising ko sa kama'y wala siya sa tabi ko. Tumayo ako at humarap sa salamin. Hinawakan at dinama ko ang aking dalawang mata.  Hindi parin ako makapaniwala na muli akong nakakita pagkatapos kong maaksidente noon. Hindi ko rin alam kung sino ang nagbigay o nag-donate ng mata para muli akong makakita. Wala namang nakapagsabi sa akin kung sino ang mabait na taong nagbigay dahil pagkatapos kong maoperahan noon ay lumayo na kami ng taong nag-alaga sa akin. Ang taong hindi ako iniwan sa oras na kailangan na kailangan ko ng karamay.  "Babe." Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya.  Bumaba ako ng hagdan at pumunta ng kusina. Nakita ko siyang nakatalikod habang nagluluto.  "Babe." Nilapitan ko siya't niyakap.  "Gising ka na pala. Good morning." Sabi niya't hinalikan ako sa pisngi.  "Jonas..." hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin sa kanyang mga mata.  "Bakit, may problema ba?" Umiling ako.  "Salamat." Sabi ko sa kanya.  "Para saan?" Taka niyang tanong.  "Sa pag-aalaga. Sa pagsama sa akin. Sa hindi mo pag-iwan sa akin sa loob ng anim na taon." Sabi ko.  Ngumiti muna siya bago magsalita.  "Dahil gusto ko. Gusto kitang makasama, ginawa ko yun dahil mahal na mahal kita, Christian." Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan niya ang aking noo.  "Mahal na mahal din kita Jonas. At sobra-sobra akong nagpapasalamat dahil binigay ka ng Diyos sa akin." Sabi ko sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.  "Ako ang sobra-sobrang nagpapasalamat dahil pumayag ka noon na sumama sa akin. Kung hindi ka pumayag noon ay hindi ko alam kung ano ang magiging buhay natin ngayon. Salamat sa anim na taon Christian na pagsama sa akin. Masayang-masaya ako dahil nandito ka ngayon at kapiling ko." Sabi niya.  Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanyang mata.  "Hindi kita iiwan, Jonas. Gusto ko sa tuwing umaga na darating, ikaw yung unang-una kong nakikita. Ikaw yung palaging kasama ko kumain at sa bawat gabi na lilipas ay ikaw ang taong gusto kong huling makita at makasama. Mahal na mahal kita." Nakangiti kong sabi.  Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon dahil sa nagdaang anim na taon ay hindi parin ako makapaniwala na ganito na ang estado ng aming buhay.  Sabay kaming nagtapos ng aming pag-aaral sa kolehiyo ni Jonas at pareho na kaming may kanya-kanya ngayong trabaho. Marami mang tutol sa aming pagsasama at pag-iibigan ay hindi na namin yun inisip dahil wala naman kaming magagawa. Basta ang tangi lang naming iniisip ay nagmamahalan kaming dalawa at wala kaming inaapakang tao.  "Christian..." seryoso niyang sabi.  "Ano 'yun?" Tanong ko.  "May balita ka ba sa kanila?" Hindi ko naman agad nalaman kung sino ang kanyang itinutukoy.  "Sino?" Tanong ko habang nakayuko.  "Sina Ken at Andrei." Bigla akong napatingin sa kanya.  "Wala." Tipid kong sabi.  Anim na taon pagkatapos kong maoperahan sa mata ay umalis at lumayo kami ni Jonas. Hindi ko alam o wala akong balita kung ano ang nangyari sa mga buhay nila Ken at Andrei. Ang tangi ko lang naman nalaman noon bago kami lumayo ay magkapatid silang dalawa na labis ko noong ikinagulat. Simula nun ay wala na akong balita sa kanila dahil mas ginusto kong kalimutan sila at magsimula ng panibagong buhay kasama ang taong pinakamamahal ko, si Jonas!  "Gusto mo ba silang makita?" Nabigla ako sa narinig kong 'yun kay Jonas.  Anim na taon na rin nang hindi ko sila nakikita. Ano na nga ba ang estado ng buhay nila?  Maya-maya'y biglang tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko'y hindi ito naka-register sa aking cellphone.  "Sagutin mo." Nakangiti niyang sabi.  "Hello." Bungad kong sabi.  "Christian. Ikaw ba ito?" Sabi sa kabilang linya.  "Oo, sino ka?" Taka kong tanong.  "Matagal na kitang gustong makita. Matagal ka na naming gustong makita. Christian, this is Ken." Nandilat ang mata ko. Totoo ba ito? Si Ken ang taong kausap ko ngayon.  "Ken." sabi ko.  "Christian, bago kami umalis papuntang Amerika ay gusto kitang makita at makausap. Sana ay pagbigyan mo ako. Ibibigay ko ang lugar kung saan tayo magkikita." Sabi niya at pinatay ko na ang tawag.  "Babe." Tumingin ako kay Jonas. "Matagal na akong kinukulit ni Ken na ibigay ang number mo pero nagdalawang-isip ako baka magalit ka. Pero nakiusap siya nitong huli dahil nalaman kong aalis na pala sila patungong Amerika." Paliwanag niya.  "Okay lang Jonas. Gusto ko din naman siyang makita." Sabi ko. "Makikipagkita ka na kay Ken?" Tanong niya, tumango lang ako.  Ngumiti siya at niyakap ako. 

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon