Chapter 34

289 4 0
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 34 

"Sino siya Manang?" Tanong kong muli sa kanya.  "Siya ang anak ko. Si Grace." Pagkatapos nun ay niyakap niya ang babaeng kanyang tinutukoy.  Nagkatinginan kami ni Ken na halatang nagtataka na rin sa mga nangyayari.  "Bakit siya umiiyak? Bakit niya iniiyakan si Kuya Andrei?" Taka kong tanong sa kanya.  "Ito na siguro ang tamang oras para malaman niyo ang katotohanan ---"   Nagkatinginan muli kami ni Ken.  "Anong ibig mong sabihin Manang?" takang tanong ni Ken.  Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang may ideya na ako sa kanyang ibubunyag pero sana mali ang hinala ko!  "Sabihin mo Manang... ano ang dapat naming malaman!" Matigas kong sabi.  "Ken at Christian. Si Grace, siya ang tunay na Ina ni Andrei!" Nandilat ang mata ko sa sobrang pagka-gimbal.  "Ano?" Gulat na gulat din si Ken sa rebelasyon ni Manang.  "Totoo. Ako nga ang tunay na Ina ni Andrei." Lumapit siya kay Andrei at niyakap ang katawan nito.  "Matagal kong tiniis na hindi siya makita't makasama. Pero nung nalaman kong naaksidente ang anak ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kailangan ko siya at kailangan niya ang tulong ko. Anak, gumising ka na. Nandito na ako. Ako ang tunay mong Ina." Paliwanag ng babae habang hagulgol na nakayakap sa walang malay na katawan ni Kuya Andrei.  Napahawak ako sa aking bibig habang dahan-dahang umupo dahil sa sobrang pagkabigla at hindi parin makapaniwala sa mga nalaman.  "Totoo Christian." Umupo rin sa aking tabi si Manang. Humawak siya sa braso ko. "Hindi magka-anak noon si Carlo at si Ella, ang asawa ni Carlo. Gustong-gusto nilang magka-anak pero walang kakayahan si Ella na ibigay iyon kay Carlo kaya ako na ang gumawa ng paraan dahil naawa ako noon kay Ella." Pagku-kuwento ni Manang sa akin. "Mabuti na lamang at buntis ang aking anak noon na si Grace. Siya ang naging instrumento para matupad ang pangarap ng mag-asawa na magkaroon ng isang anak." Sunod niyang sabi.  "Noong una ay hindi ako pumayag sa kondisyon ni Mama dahil mahal ko ang anak ko pero wala akong nagawa dahil hindi ko naman siya kayang buhayin. Pumayag ako na sina Carlos at Ella na lamang ang mag-aalaga sa anak ko at sila ang kikilalanin nitong pamilya." Paliwanag ng babae.  "Bakit? Bakit ngayon mo lamang 'to sinabi Manang?" matigas kong sabi.  "Ayaw kong malaman ni Andrei na ampon lamang siya. Alam kong masasaktan siya kaya pinilit kong huwag na iyong ipaalam sa kanya." paliwanag ni Manang.  "Pero bakit ngayon lang siya nagpakita?" Taka kong tanong.  "Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan. Pero ako, ako ang tunay na Ina ni Andrei." Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking mga nalaman.  Kung totoong si Grace ang tunay na Ina ni Andrei at hindi siya anak ni Papa Carlo, isa lamang ang ibig sabihin nito... hindi kami magkapatid ni Andrei.  "Totoo ba ang lahat ng mga narinig ko?" Bigla akong napatayo nang marinig kong nagsalita si Andrei. Paglingon ko'y gising na siya.  "Andrei. Gising ka na." Nabigla rin sina Ken nang biglang magkaroon na ng malay si Andrei.  "Anak." Biglang lumapit sa kanya si Grace. "Mabuti na lamang at gising ka na anak ko." Hinawakan niya si Andrei pero pumalag ito.  "Lumayo ka sa akin. Hindi ikaw ang Mama ko!" Galit niyang sigaw rito at napaatras na lamang si Grace.  "Andrei. Tanggapin mo ang katotohanan. Si Grace ang Ina mo. Apo ko..." nagsalita si Manang.  "Ang tagal-tagal mo itong nilihim sa akin Manang! Bakit, bakit mo 'to nagawa sakin?" Galit na sabi ni Andrei.  "Patawarin mo ako Andrei." Sabi ni Manang.  "Umalis kayong lahat sa harapan ko. Umalis kayo... maliban sayo Christian!" Matigas na sabi ni Andrei. Walang nagawa sila Manang kundi ang lumabas ng kwarto pagkatapos ay sumunod si Ken.  "Bunso. Lumapit ka kay Kuya." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Paglapit ko'y hinawakan niya ang aking kamay.  "Mahal na mahal kita Christian." inilihis ko ang aking paningin sa ibang direksyon. "Bakit?" Tanong niya. Umiling lang ako.  "Kung totoo man ang sinasabi nilang ampon ako. Hindi ka ba natutuwa?" Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.  "Kung hindi ako tunay na anak. Ibig sabihin, hindi tayo magkapatid. Hindi ka ba natutuwa? Hindi na bawal ang pag-iibigan natin!" Nakangiti niyang sabi pagkatapos nun ay bumitiw ako sa kanyang pagkakahawak.  "Huli na. Huli na Kuya Andrei." Napayuko ako pagkatapos kong sabihin yun. Alam kong nagtataka siya sa sinabi ko.  "Anong huli na? Hindi kita maintindihan." Sabi niya.  "Itigil na natin 'to Andrei. Ayaw ko na. Gusto ko nang putulin kung ano man ang namamagitan sa atin." Sabi ko.  "Ano? Nakikipaghiwalay ka sa akin? Bakit? Ngayon pa kung kailan alam nating hindi tayo magkapatid. Ngayon pa kung pwede na ang lahat. Anong dahilan mo Christian, sabihin mo sa akin!" Sigaw niyang sabi.  Kahit sabihin ko naman ang totoo ay alam kong hindi niya ito paniniwalaan.  "Simple lang, ayoko na. Patawarin mo ako Andrei." Akma sana akong lalabas pero pinigilan niya ako.  "Sandali. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo. Hindi kita pakakawalan Christian." Galit niyang sabi.  "Ginagawa ko ito para sa atin kaya sana tumigil ka na rin Andrei. Kuya Andrei." Diin kong sabi sa kanya. "Hindi... hindi ako papayag Christian."  "Hindi na kita mahal. Ginamit lang kita para makuha ko ang kayamanan. Hindi na kita kailangan sa buhay ko." Tumalikod ako kasabay nun ang pagtulo ng aking luha.  Bigla kong naramdaman ang pagyakap ni Andrei sa aking likuran. "Hindi. Nagsisinungaling ka lang. Sinasabi mo lang yan para magalit ako sayo. Wag mo namang gawin sa akin 'to. Mahal na mahal kita..."  "Layuan mo na ako Andrei. Iwasan na natin ang isa't isa!" pinipilit kong kumalas pero mas lalo niyang hinihigpitan ang pagyakap sa akin.  "Ano ba... pwede bang palayain mo na ako!" Naitulak ko siya't humandusay ang kanyang katawan sa sahig.  "Ayoko na. Hindi na kita mahal! Palayain na natin ang isa't isa." Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.  Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Ito lang naman ang alam kong paraan. Mabuting paraan.  "Hindi... hindi ko kaya! Bumalik ka dito Christian..." sigaw niya pero tuluyan na akong lumabas ng kwarto.  Paglabas ay bumungad sa akin sina Manang at Ken.  "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Manang.  "Gusto kong pumasok. Gusto kong makita ang anak ko." Gustong pumasok ni Grace pero pinigilan ko siya.  "Gustong mapag-isa ni Kuya. Nabigla parin siya sa kanyang mga nalaman. Manang, umuwi muna kayo. Kami muna ang bahala ni Ken kay Kuya." Nagkatinginan ang mag-ina.  "Sige Christian. Babalik agad kami." Pagkatapos nun ay umalis na silang dalawa.  "Anong nangyari? Anong reaksyon ni Andrei? Tanggap ba niya ang kanyang nalaman?" Tanong ni Ken.  "Hindi. Hindi ko alam sa kanya pero Ken..." hinawakan ko ang kanyang balikat.  "Ken... mahal na mahal mo si Kuya diba?" Napakunot naman ang kanyang noo sa sobrang pagtataka.  "Bakit mo yan tinatanong sa akin?" Sabi niya. "Pinapakawalan ko na siya. Ken, nakipaghiwalay na ako sa kanya." Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.  "Bakit? May problema ba?" Takang tanong niya.  "Sa akin na lamang ang dahilan Ken." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Basta ingatan mo siya. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Ken, ingatan mo si Kuya Andrei." Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako palayo kay Ken.  Ito ang tama at dapat na gawin. Kailangan kong pakawalan si Andrei sa puso ko. Una palang ay hindi na dapat ako pumayag, nagpadala lamang ako sa aking damdamin. Hindi dapat naging kami magkapatid man o hindi. Mali at itatama ko ngayon ang lahat.  "Sandali Christian." sigaw ni Ken na nagpatigil sa akin. Nilingon ko siya.  "Salamat." Sabi niya at may gumuhit na ngiti sa kanyang labi.  Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa Room ni Jonas. Pagdating ko'y agad kong binuksan ang pintuan.  "Christian." Nabigla pa siya nang makita ako.  "Nandito ako kasi gusto ko lang magpaalam Jonas." Lumapit ako sa kanya.  "Ha? Saan ka pupunta?" Pagtataka niya.  "Gusto ko munang lumayo. Jonas, maraming salamat sa lahat." Pagkatapos nun ay tumalikod na ako't naglakad papalabas pero narinig ko siyang nagsalita na nagpatigil sa akin.  "Mahal kita Christian. Hindi naman kita mapipigilan sa gagawin mo kahit gusto kong gawin kasi wala naman akong magagawa. Mahal kita kaya gusto kitang intindihin at unawain. Gusto kong gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin. Hindi kita pipigilan kasi mahal kita. Mahal kita Christian kaya maghihintay ako sa pagbabalik mo. Magagawa kong maghintay at magtiis para sayo kasi mahal kita." Lumingon ako't nakita kong nakangiti siya.  "Bye Jonas." Ngumiti muna ako bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.  "...Magagawa kong maghintay at magtiis para sayo dahil mahal kita." Paulit-ulit yung bumabalik sa isip ko ang kanyang sinabi.  Napatigil ako sa paglalakad. Tunay at totoo ang pagmamahal ni Jonas sa akin. Nagawa niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa akin... para maprotektahan ako, para hindi ako masaktan at mamatay!  Biglang may gumuhit na ngiti sa aking labi. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Jonas. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat siya ng makitang muli ako.  "Christian. May nakalimutan ka ba? Bakit ka bumalik?" Lumapit ako sa kanya. "Meron nga akong nakalimutang sabihin sayo Jonas." Sabi ko.  "T-talaga? Ano naman---" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla kong halikan ang kanyang labi.  "B-Bakit mo ako hinalikan?" Gulat na gulat niyang tanong at hindi pa rin makapaniwala sa aking ginawa.  "Ibig sabihin nun... Mahal kita." Pagkasabi ko nun ay bigla siyang napangiti. "Seryoso? Totoo ba talaga 'to? Sampalin mo nga ako, baka nananaginip lang ako." Sa halip na sampalin ay hinalikan ko siyang muli.  "Hindi 'to panaginip Jonas. Totoong-totoo ang nangyayari ngayon." Sabi ko pagkatapos nun ay niyakap niya ako.  "Salamat. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Mahal na mahal kita Christian." Sabi niya.  "Mahal din kita... Jonas." 

--- 

KEN's POV 

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ni Andrei ay nagulat pa ako nang makitang nakaupo siya sa sahig habang umiiyak.  "Andrei..." nilapitan ko siya.  "Ken." bigla niya akong niyakap. "Wag ka ng umiyak. Nandito na ako. Hindi kita iiwan Andrei." Sabi ko sa kanya.  "Ayoko na. Parang di ko kakayanin! Gusto ko nang mamatay!" Sabi niya.  "Wag na wag mong sasabihin yan Andrei. Lakasan mo ang loob mo. Kayanin mo para sa inyong dalawa." Sabi ko.  "Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung bakit siya nakipaghiwalay. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang kanyang isip. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko." Sabi niya.  Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Andrei para kay Christian. At sa tuwing naiisip ko yun ay nasasaktan ang damdamin ko... parang dinudurog ang puso ko.  "Hindi ko kayang mawala siya. Anong gagawin ko... mahal na mahal ko siya." Sabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nun ang pagtulo ng aking luha.  Gusto kong sabihin na ako na lang... ako na lang ang mahalin niya. Gusto kong sabihin na sana ako nalang, ako nalang ang palaging laman ng puso't isipan niya pero alam kong malayong-malayo itong mangyari at malabo.  Masakit isipin na kailanman ay hinding-hindi ko mapapalitan sa puso niya si Christian at kahit kailan ay hinding-hindi mapapasa-akin ang taong pinakamamahal ko.  "Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako Andrei. Hindi kita iiwan..."

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon