Chapter 20

399 6 0
                                    

A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 20

CHRISTIAN's POV.

Paglabas ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Andrei... pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Galit ako kay Mama! Sana sa umpisa palang ay hindi na ako pumayag sa kanyang plano. Pabor naman sa akin ang ginagawa niya pero hindi ko naisip na may masasaktan kaming tao... lalo na si Andrei. Sukdulan na ang ginagawa ni Mama. Wala na iyon sa pinag-usapan pero bakit kailangan niyang idamay si Papa. Naging makasarili ako dahil hinayaan kong gawin ang gusto ni Mama. Nasilaw ako sa kayamanang hinahabol namin kahit na alam kong wala akong karapatan. "Kuya, sagutin mo na ang tawag ko..." asar kong sabi habang nagdadabog sa labas. Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero ayaw parin niyang sagutin. May problema kaya siya? Gusto ko lang naman siyang makausap tungkol kay Papa. Gusto kong sabihin sa kanya na may hindi magandang nangyari kay Papa at gusto kong hanapin namin siya ng magkasama. "Christian..." nilingon ko kung sino ang taong tumawag sa pangalan ko. "Jonas." Sabi ko habang ibinaba ang cellphone. "Sino ba 'yang tinatawagan mo at parang naiinis ka?" Tanong niya. "Si Kuya, ayaw kasing sagutin ang tawag ko." Asar kong sabi. "Puntahan mo kaya sa Ospital?" Sabi niya. "Pwede mo ba akong samahan?" Tanong ko sa kanya. "Sige, pero bago tayo umalis, pwede bang kumain muna tayo?" Pag-alok niya sa akin. "Sige basta bilisan lang natin." Sagot ko sa kanya. Agad kaming naghanap ng taxi palabas ng village at nagtungo sa isang fast food chain para kumain ng hapunan. Habang kumakain... "Christian... wag ka sanang ma-offend sa sasabihin ko." Nahihiya pa niyang sabi. "Sure. Ano ba ang sasabihin mo Jonas?" Tanong ko sa kanya. "K-Kasi... nahahalata ko lang, ang hinhin mo maglakad, ang lambot ng katawan kapag gumagalaw. Gusto ko lang manggaling sayo, bakla ka ba?" Napatingin ako sa kanya pagkatapos nun ay tumawa ako ng malakas. "Bakit? Tama ba ako?" Tanong niya ulit. Kahit hindi ko naman talaga sabihin ay makikita sa kilos at maririnig sa aking boses na hindi ako isang tunay na lalaki. Tumango ako sa kanya habang nagpipigil sa aking pagtawa. "Bakit ka natatawa?" Taka niyang sabi. "Ikaw kasi, nakakatawa ka." Sagot ko sa kanya. "Alam ko naman simula nung una tayong magkita sa may basketball court. Natatandaan mo pa yun?" Sabi niya. "Oo. Tinamaan pa ako ng bola mo." Matawa-tawa kong sabi sa kanya. "Hindi ko naman sinasadya yun." Nakangiti niyang sabi. "Alam ko. Wag na nga natin yun pag-usapan." Sabi ko sa kanya. "Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Trixie?" Biglang sumeryoso ang kanyang mukha sa pagkabigla. "B-bakit mo naitanong?" "Curious lang ako kung bakit niyo nagawan ng kasalanan si Kuya. May gusto ba kayo sa isa't isa?" Tanong ko sa kanya. Napalunok siya bago sagutin ang tanong ko. "Lasing kami pareho ni Trixie nang mangyari yun. Oo inaamin ko mali. Hindi ko inisip na masasaktan si Andrei. Gago kasi ako. Wala akong kwentang kaibigan. Sarili kong bestfriend tinalo ko!" Paliwanag niya. Palagi namang ganyan ang idadahilan kapag nakainom ng alak. Hindi raw napigilan pero kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo siya kailanman magagawan ng kasalanan. "Tapusin na natin ang kinakain natin para makapunta na agad tayo sa ospital." Sabi ko sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay mabilis kaming umalis. Pagdating namin sa ospital ay wala na kaming naabutan. Wala na si Manang sa kwarto. Ang ibig lamang sabihin nito, tuluyan nang magaling si Manang at magbabalik na siya sa bahay. Kailangan kong makauwi agad. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari kapag nagharap si Mama at si Manang. Mabilis kaming umalis ni Jonas sa ospital para bumalik sa bahay.

MANANG's POV

Pagdilat ng mga mata ko ay kasabay nun ang pag-alala sa natuklasan ko kay Maria.

××FLASHBACK××

Umaakyat ako ng hagdan para magpunta sa kwarto ni Andrei para linisin ito. Pagkatapos kong linisin ang kwarto ni Andrei ay may narinig akong boses sa kabilang kwarto. Hindi na ako kumatok at dahan-dahan ko iyong binuksan. Nakita ko si Maria, nakatalikod habang may kausap sa kanyang telepono. "Basta kapag nagawa mo ang pinapagawa ko, triple ang ibabayad ko sayo." Sabi niya. "Ikakasal ako ngayon. Kailangan matuloy ang kasal para maging matagumpay ang plano." Pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi niya alam na may nagmamasid sa kanya. "Kapag nakuha na namin ang lahat ng kayamanan ni Carlo ay sigurado akong matutupad na ang pangarap ng aking anak." Pagharap niya ay laking-gulat siya nang makita ako. "M-Manang?" Nandilat ang kanyang mga mata. "Kanina ka pa ba diyan?" Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanya. "Narinig ko ang lahat." Nabigla siya sa sinabi ko. Nakikita ko sa kanyang mukha ang takot at pangamba. "Pera lang pala ang habol mo kay Carlo. Walanghiya ka!" Sinampal ko siya nang malakas sa kanang pisngi. Pagharap niyang muli ay matapang na ang kanyang hitsura. "Oo." Sigaw niya habang pinandidilatan niya ako ng kanyang mga mata. "Hindi ko mahal si Carlo. Pera lang ang habol ko sa kanya. Kukunin ko ang lahat ng kayamanan niya para sa anak ko. Para kay Christian..." pag-amin niya sa akin na ikinabigla ko. "Hayop ka. Wala kang puso. Makakarating ito kay Carlo at hindi matutuloy ang inyong kasal ngayon." Sigaw ko sa kanya. Tumalikod ako at akmang lalabas pero hinawakan niya ang braso ko. Mahigpit na mahigpit... "Akala mo ba hahayaan lang kitang gawin yun. Manang, matagal ko itong pinlano at hindi ako makakapayag na sirain mo ang lahat ng binabalak ko." Nagpupumiglas akong makawala sa kanyang mahigpit na pagkakahawak. "Bitawan mo ako. Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. Naitulak niya ako at hindi inaasahang tumama ang ulo ko sa may dulo ng lamesa at nawalan ako ng malay. Paggising ko ay nakatali ang aking katawan sa silya at may takip ang aking bibig. Hindi ko inaasahan na ganito kasama si Maria. Maya-maya'y dumating sina Andrei kasama si Christian. Tinulungan nilang tanggalin ang mga tali sa aking katawan. Agad kong pinaalis si Andrei para pigilan ang kasal at naiwan si Christian at ang pag-uusap namin ay nauwi sa pagtatalo at hindi ko aasahan na mahuhulog ako sa hagdan kaya ako isinugod sa ospital.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon