Chapter 24

355 3 0
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 24 

CHRISTIAN's POV 

Oras na nang uwian. Ipinapasok ko na ang mga gamit sa aking bag nang biglang nagsalita si Jonas.  "Sabay na tayong umuwi." Narinig kong sabi niya.  "Baka kasi sabay din kami ni Kuya Andrei. Mauna ka na lang Jonas." Sabi ko sa kanya.  Pagkatapos kong magligpit ay naglakad na ako palabas ng classroom.  "Sige na Christian. Kahit ngayon lang." Hinawakan niya ang kamay ko pero tinanggal niya agad iyon nang tumingin ako sa kanya.  Nakita kong naglalakad si Andrei papunta sa amin habang nakatitig sa kanyang cellphone. Tiningnan ko muli si Jonas, ito lang siguro ang paraan para hindi tuluyang mahulog ang loob ko kay Kuya Andrei. Kailangan kong dumistansya sa kanya.  "Sige. Sasabay na ako sayo." Lumiwanag naman ang kanyang mukha sa sinabi ko.  "Bunso." Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala si Kuya.  "Kuya. Mauna na kami ni Jonas. Hindi muna ako sasabay sayo pag-uwi." Sabi ko na ipinagtaka naman niya.  "Bakit?" Tanong niya.  "K-Kasi..." wala talaga akong maisip na idadahilan mabuti na lamang at biglang sumingit si Jonas.  "May gagawin kaming project sa Science." Sabi niya.  "Oo Kuya. Yun nga." Sunod kong sabi.  "Andrei." Biglang dumating si Ken at inakbayan si Andrei.  "Uuwi ka na ba? Sabay na tayo." Sabi niya.  "Oo. Tara na, Ken." Bago sila umalis ay nakita kong tumingin muna si Kuya kay Jonas ng masama. Nararamdaman ko na hindi pa lubusang napapatawad ni Kuya si Jonas.  "May galit pa si Andrei sa akin. Nakita ko kasi ang sama-sama ng tingin niya sakin kanina." Sabi niya habang naglalakad kami palabas.  "Jonas. Pwede ba akong humingi sayo ng pabor?" Napatingin naman siya sa akin.  "Ano naman 'yun?" Takang tanong niya.  Ako nalang ang gagawa ng paraan para unti-unting lumayo ang loob ni Andrei sa akin. Ayaw kong masyadong malapit kami sa isa't isa dahil baka hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. 

"Goodafternoon po Tita." Pagbati ko sa Mama ni Jonas habang pumapasok sa loob ng kanilang bahay.  "Magandang hapon din. Itutuloy niyo na ba ang paggawa sa project?" Tanong niya. "Opo Tita." Nakangiti kong sagot sa kanya.  "Mama, dalhan mo kami ng makakain ni Christian." Sabi ni Jonas.  Umupo na ako sa kanilang sala. "Diyan ka lang, kukunin ko yung mga gamit." Sabi niya pagkatapos ay umalis na.  Nilibot ko ang paningin sa loob ng bahay. Wala akong anumang nararamdamang hindi pagtanggap. Komportable ako kapag palagi akong nandito. Hindi ako nahihiya dahil tinatanggap din ako ni Jonas at ng kanyang Mama at masaya sila kapag narito ako sa kanilang bahay.  "Kumain muna kayo bago niyo simulan ang gagawin nyong project." Inilapag ni Tita ang dalang pagkain sa lamesa. "Salamat po Tita." Sabi ko.  Dumating na rin si Jonas dala ang mga gamit at inilapag iyon sa sahig.  "Christian, kain muna tayo." Nakangiti niyang sabi.  "Maiwan ko muna kayo." Umalis si Tita at naiwan kami ni Jonas sa sala habang kumakain.  "Jonas, hindi ba pupunta dito si Trixie?" Tanong ko sa kanya.  "Hindi ko alam. Absent kanina diba, tinawagan ko kanina hindi naman sinasagot." Sabi niya.  "Jonas." Tumingin ako sa kanyang mga mata. Tumingin din siya sa akin. Nagkatitigan kami ng matagal na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko.  Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay at inilapit yun sa aking mukha.  "May kanin sa gilid ng labi mo." Kinuha niya iyon na sobrang ikinahiya ko. "Sorry." Sabi ko sa kanya.  "May sasabihan ka?" Hinawakan niya ang kamay ko. Napalunok muna ako bago sagutin ang kanyang tanong. "W-Wala naman." inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya.  Hindi ko maintindihan pero bakit ganito yung nararamdaman ko kay Jonas? May kakaiba sa kanyang ipinapakita. Hindi dapat ako mag-isip nang ganun dahil ayaw kong umasa. Kaibigan ko si Jonas at kaibigan lang ang turing niya sa akin! Hanggang doon nalang yun. 

Pagkatapos naming magawa ang project ay umuwi na ako. Limang oras ang lumipas at ilang parte nalang at mabubuo na namin ang mini-house na aming project.  Habang naglalakad ay nakita kong may nakaupo habang nakayuko sa may tapat ng aming bahay. Sino naman kaya iyon?  Paglapit ko ay nabigla pa ako nang makilala kung sino ang taong iyon.  "K-Kuya Andrei." Sabi ko.  Tumingala siya at tumayo. "Ang tagal mo namang umuwi bunso. Kanina pa kita hinihintay dito, inuubos na nga ako ng mga lamok dito." Sabi niya na ikinagulat ko.  Bakit kailangan niya pa akong hintayin?  "This week na kasi namin ipapasa yung ginagawa naming project." Paliwanag ko sa kanya.  "Naiintindihan ko. Kumain ka na ba?" Tanong niya. Tumango lang ako.  "Tara na sa loob. Matulog na tayo at maaga pa ang pasok bukas." Inakbayan niya ako at pumasok na kaming sabay sa loob ng bahay. 

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon