Chapter 28

360 6 0
                                    

A Brother's Love (Bromance)  CHAPTER 28 

JONAS' POV 

Umaga nang magpasiya akong pumunta sa bahay nila Christian. Habang papalapit ay naririnig kong may nag-uusap.  Paglapit ko ay...  "Mahal na mahal din kita Kuya. Mahal na mahal." Sabi ni Christian habang nakayakap kay Andrei.  "Anong ibig sabihin nito?" Kumalas silang dalawa sa pagkakayakap at nagulat nang makita ako.  "Jonas?" Gulat na bigkas ni Christian. "Anong ginagawa mo rito?" Lumapit siya sa akin.  "Wala, gusto lang sana kitang bisitahin kaso mukhang may narinig akong hindi ko inaasahan." Nagkatinginan silang dalawa.  "Mali ang iniisip mo." Sigaw ni Andrei sa akin. "Eh ano yung narinig ko? Hindi ako bingi Andrei!" Matapang kong sabi.  "Jonas." Hinawakan ni Christian ang braso ko na parang pinipigilan akong magsalita.  "Andrei. Hindi na kita kilala! Hindi ka naman ganyan dati. Anong nangyari? Nasaan na ang Andrei na kilala ko noon?" Sabi ko sa kanya.  Tumawa muna siya bago magsalita.  "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jonas? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkaganito at kung bakit ako nagbago!" matapang niyang sinabi. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin pero hindi pa ba niya ako tuluyang napapatawad? Pinagsisihan ko naman ang ginawa kong kasalanan sa kanya. Araw-araw ko yung pinagsisihan.  "Jonas. Mamaya nalang tayo mag-usap. Umuwi ka na muna sa inyo." Sabi ni Christian pero mukhang may dapat akong malaman ngayon!  "Sige, aalis ako pero may gusto lang akong malaman." Tumingin ako ng deretso sa kanyang mga mata.  "A-ano yun?" Nakikita ko sa mga mata ni Christian ang takot at kaba.  "May relasyon na ba kayong dalawa bukod sa pagiging magkapatid?" Nandilat ang mata niya sa aking tanong.  Katahimikan ang sumunod na nangyari ngunit ilang segundo lang ay binasag iyon ni Andrei.  "Wala ka nang pakialam kung may iba mang namamagitan sa amin." Lumapit siya kay Christian at hinawakan ang kamay nito.  "Jonas, wag ka sanang magbibigla. Totoo, may relasyon na kami ni Andrei. Kami na." Napaatras ako sa sobrang pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Christian.  "Congrats." Pagkatapos nun ay mabilis akong naglakad palayo sa kanila.  Alam kong matagal nang may gusto si Christian kay Andrei pero hindi ko lubos maisip na maaari silang magmahalan higit pa sa magkapatid. Napaka-imposible ng pangyayaring yun!  "Jonas." Hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Christian. "Jonas, ano ba?" Sigaw niya na nagpatigil sa akin.  "Bakit?" Tanong ko.  "Okay ka lang ba? Sorry kung di ko agad sinabi sayo. Nag-iingat lang kami ni Kuya Andrei." Paliwanag niya pero hindi ko na kailangan ang mga 'yon.  "Nakakatampo lang Christian kasi parang napaglaruan yung damdamin ko!" Hindi naman niya agad nakuha ang ibig kong sabihin.  "Sana hindi nalang ako pumayag sa pabor mo. Sana hindi ka na lang napalapit sa akin!" Sigaw ko sa kanya.  "Bakit mo ba ito sinasabi sa akin Jonas?" Pagtataka niya.  "Ginamit mo lang ako Christian para magselos si Andrei sa atin. Pinaglaruan mo ako at yun ang hindi ko matanggap! Kasi unti-unti ko nang nararamdaman na mahalaga ka pala. Unti-unti ko nang tinatanggap na nagugustuhan na kita." Pagtatapat ko sa kanya na ikinagulat niya.  "Jonas. Sorry, hindi ko naman alam na ganito yung mangyayari. Wala akong masamang intensiyon." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero dumistansya ako sa kanya.  "Mabuti na lang at nalaman ko agad para hindi na lumalim pa yung nararamdaman ko. Mabuti na lang talaga..." pagkatapos nun ay tinalikuran ko siya.  Ilang beses pa niyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Magkapatid na may relasyon? Posible ba yun? Nakakalungkot na nakakagulat. Wala naman akong magagawa.  Mahal ni Christian si Andrei. Mahal nila ang isa't isa. Sayang at nahuli ako. Sana'y matagal ko nang nakilala si Christian para ako ang nauna sa kanya. 

--- 

KEN's POV 

Sa aking pagtakbo ay hindi ko namalayang nakarating ako sa St. Andrew Village. Napaisip ako bigla, parang may ibig sabihin kung bakit ako napadpad dito.  Dito sa St. Andrew nakatira si Darwin pero hindi ko naman alam kung saan ang eksaktong bahay nila. Karamihan sa mga bahay dito ay malalaki at magaganda. Talagang mayayaman na tao ang mga nakatira sa Village na 'to.  Naglakad pa ako ng naglakad hanggang makarating ako sa Basketball court. Tiningnan ko ang oras at saktong alas-otso na ng umaga pero wala pa akong nakikitang tao simula kanina.  "Anong ginagawa mo dito?" Biglang may lumapit sa akin na isang guard. "Paano ka nakapasok? Bawal ang outsider dito. Umalis ka na." Ipinapaalis ako ng guard. Kaya lang naman ako nakapasok ay walang nakabantay na guard kanina sa may entrance gate.  Natahimik ako bigla at hindi nakapagsalita.  "Kung hindi ka aalis ay pwersahan na kitang palalabasin." Bigla niyang hinatak ang braso ko.  "Bitawan mo siya." Paglingon ko'y biglang may gumuhit na ngiti sa aking labi. Siya na nga ang hinahanap ko. --si Darwin.  "Darwin." Lumapit ako sa kanya.  "Sir, kilala mo ba siya?" Tanong ng guard kay Darwin. "Oo bisita ko siya." Pagkatapos nun ay inakbayan niya ako.  "Pasensiya na po Sir. Ang akala ko ay kung sino lang na taong pumasok sa village." Humingi siya ng pasensiya sa akin. "Okay lang po." Tipid kong sagot.  Umalis na ang Guard at tumingin ako kay Darwin.  "Sorry ha, ang higpit pala dito. Nag-jogging kasi ako tapos hindi ko namalayan na mapupunta ako dito kaya hinanap ko nalang ang bahay niyo." Paliwanag ko sa kanya.  "Buti na lang at lumabas ako ng bahay. Tara, pumasok ka muna sa bahay namin." Nakangiti niyang sabi.  "Naku wag na. Nakakahiya Darwin, uuwi na rin naman ako." Nahihiya kong sabi pero...  "Halika na. Pagbigyan mo na ako. Sige ka, kapag hindi ka pumasok sa loob ay hindi na rin ako pupunta sa bahay niyo." Sabi niya. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ang kamay ko papasok sa loob ng kanilang bahay.  "Nakakahiya naman sa Papa at Mama mo Darwin. Uuwi na lang ako." Sabi ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.  "Ngayon ka bumawi sa akin. Ipapakilala din kita sa magulang ko." Nakangiti niyang sabi pagkatapos ay nakaramdam ako ng kaba.  Pagpasok namin sa loob ay namangha ako sa sobrang ganda nito. Wala akong masabi sa mga kagamitan at disenyo sa loob ng bahay.  Dumiretso kami sa kanilang kusina at nakita kong may dalawang taong kumakain. Siguro ito na ang mga magulang ni Darwin.  "Anak." Lumapit ang kanyang Mama. "Sino siya?" Tanong nito.  "Si Ken, schoolmate ko po." Sagot naman ni Darwin.  "Halina kayo rito at samahan niyo kaming kumain." Narinig kong sabi ng kanyang Papa.  Kinakabahan man ako ay nilakasan ko nalang ang aking loob. Wala namang mawawala kung makikilala ko ang magulang ni Darwin.  "Anong pangalan mo iho?" Tanong sa akin ng kanyang Papa.  "Ken po." Sagot ko naman.  "Ilang taon ka na Ken?" Tanong sa akin ng kanyang Mama. "16 po ako." Sagot ko.  "Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong ng kanyang Papa.  "Actually matagal ko nang kilala si Ken pero hindi niya ako kilala. Nito lang niya ako nakilala." Sabi ni Darwin.  "Siya ba? Siya ba ang bago anak?" Tanong ng kanyang Mama na ipinagtaka ko.  "Mama..." pinigilan ni Darwin na ituloy ang sasabihin ng kanyang Mama na lalong ipinagtaka ko.  Ano ba ang ibig ipahiwatig ng tanong na iyon?  "Nagbibiro lang ako anak. Sige, kumain na tayo." Pagtatapos ng kanyang Mama.  Kanina pa ako hiyang-hiya sa sarili ko dahil kaharap ko ang magulang ni Darwin pero biglang nawala ang lahat ng kaba ko nang malaman kong mabait naman pala sila at hindi nila ipinapakita o ipinaparamdam na parang balewala lang ako.  Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila.  "Salamat po sa almusal. Uuwi na po ako." Pamamaalam ko. "Wala yun Ken. Bumalik ka dito kapag gusto mo. Welcome ka dito." Nakangiting sabi ng kanyang Mama. "Mag-iingat ka sa pag-uwi mo." Pagkatapos sabihin ng Papa ni Darwin yun ay lumabas na kami ng gate.  "Salamat Ken at pinagbigyan mo ako." Sabi niya. "Wala lang akong choice kaya napilitan lang ako." Sabay tawa ko.  Hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat ulit. Ingat ka." Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa kanilang bahay.  Habang naglalakad palabas ng kanilang Village ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko maintindihan pero ang saya-saya ng kalooban ko kapag nakikita at nakakasama ko si Darwin. 

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon