A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 21
ANDREI's POV
Mabilis kaming nakarating ni Christian sa Laguna Hospital. Hindi muna namin sinabi ang nangyari sa bahay baka mag-alala sila. Pagpasok namin ay parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, napansin din iyon ni Christian. "Kuya, okay ka lang ba?" Tanong niya. Hindi ko man sabihin pero nararamdaman niyang hindi ako maayos. "Okay naman ako bunso. Wag mo akong alalahanin." sabi ko sa kanya. Nakarating kami sa Information ni Christian para ipagtanong kung saang kwarto si Papa naroon. "Miss, ako po si Andrei Dela Paz, tinawagan po ako kaninang umaga tungkol sa Papa ko." Sabi ko. "Mabuti naman at nandito ka na Sir. Sundan niyo po ako at ihahatid ko kayo sa kanya." Sabi ng nurse sa amin at nagsimula na siyang maglakad. "Kuya, pupunta muna ako sa banyo. Sumakit yung tiyan ko bigla." Sabi naman ni Christian. "Sige bunso, basta bumalik ka agad." Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis na siyang umalis. Sinundan ko naman ang nurse at huminto siya sa Room 020. "Sir. Wag po kayong mabibigla..." biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang 'yon habang binubuksan ang pintuan. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at nang tuluyang makapasok... "Nakita po ang katawan ni Mr. Dela Paz sa isang madilim na bahagi ng kalsada kaninang madaling araw. Itinapon ang kanyang katawan doon." Biglang nanghina at nanginig ang aking tuhod nang makita ko ang isang taong nakahiga habang may nakatalukbong na puting kumot sa kanyang katawan. "Si Papa..." bigkas ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama. "Sir. Dead on arrival ang pasyente nang isugod dito kaninang madaling araw. Ikinalulungkot po namin ang nangyari sa kanya." Napahawak ako sa dulo ng kama dahil mawawalan ako ng balanse sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Tama ba ang lahat ng aking narinig? Gulat na gulat ako at hindi parin makapaniwala. Wala na siya... patay na si Papa! "Maiwan ko muna kayo Sir. Kapag may kailangan ka ay balikan mo lang ako doon." Narinig kong bumukas ang pintuan hudyat na lumabas na ang nurse. Ang bigat-bigat ng aking paningin parang gusto nang bumagsak ng mga luha ko pero pinipigilan ko iyong mangyari. Dahan-dahan kong inalis ang puting kumot at nang tuluyan nang makita ang kanyang mukha. Napapikit na lamang ako at doon na nagsimulang tumulo ang aking luha. "Papa..." niyakap ko ang kanyang katawan. Halos hindi ko na makilala ang hitsura ni Papa sa sobrang dami ng pasa at sugat sa kanyang buong katawan. "Sino ang may gawa nito sayo... Sino Papa!" Sigaw ko habang humahagulgol. "Papa, gumising ka na. Pinapatawad na kita sa mga kasalanan mo. Papa... gumising ka na." Sinasabi ko habang niyayakap ko parin ang kanyang bangkay. "Wala na akong galit sayo Papa. Gumising ka na, pakiusap." Pero kahit anong gawin ko ay alam kong hindi siya magigising at kahit kailan ay hindi na iyon mangyayari. Malaki ang panghihinayang ko dahil hindi ko siya nagawang mapatawad noong siya'y nabubuhay pa. Nasa huli talaga ang pagsisisi. "Patawarin mo ako Papa... patawarin mo ako. Gumising ka na. Nandito na ako." Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Christian na may kasamang pulis. "Kuya." Biglang lumapit sa akin si Christian at niyakap ako. "Kaya mo 'to. Kakayanin natin 'to." Pinapagaan niya ang aking kalooban. Lumapit siya kay Papa at niyakap ang katawan nito. "Paalam Papa. Mamimiss kita." Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo. "Ikaw po ba ang anak ni Mr. Dela Paz?" Napatingin ako sa pulis habang pinupunasan ko ang luha sa aking pisngi. Lumapit ako sa kanya. "Ako nga po." Sagot ko naman sa kanya. "Wala pa kaming lead kung sino ang taong may pakana nito pero pinapangako ko na gagawin namin ang lahat para magbayad ang may gawa nito sa Papa mo." Sabi ng pulis. "Salamat po." Sagot ko naman. "Based on our research ay wala naman itong naka-alitan si Mr. Dela Paz. Ikaw, may kilala ka bang taong may galit sa kanya?" Umiling ako. "At base sa aming imbestigasyon, sadyang pinatay ang biktima dahil hindi man lang kinuha ang kanyang wallet at mga alahas na suot." Ibinigay niya iyon sa akin. Tama ang kanyang sinabi. "Dahil kung pera ang motibo ay wala na ang mga bagay na 'yan sa kanyang katawan. Pinatay ang biktima. Nasisigurado kong may taong galit na galit sa Papa mo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Walang pumapasok na tao sa aking isipan. Wala akong ideya kung sino ang may pakana nito dahil wala naman akong nakilalang nakaaway ni Papa. "Salamat po. Sana ay matutukan niyo ang pangyayaring ito. Umaasa po ako." Sabi ko. "Mauna muna ako. Babalitaan ko nalang kayo." Kinuha niya muna ang cellphone number ko bago siya lumabas ng kwarto. Pagtingin ko ay nakayakap parin si Christian sa bangkay ni Papa, umiiyak na rin siya. "Bunso." Tumingin siya sa akin. "Kuya, wala na si Papa. Hindi na natin siya makakasama." Niyakap ko siya. "Wag tayong maging mahina. Alam kong hindi magiging masaya si Papa kapag nakikita niya tayong ganito. Kaya natin 'to bunso." Sabi ko sa kanya. "Kuya. Uuwi muna ako sa bahay. Babalikan kita dito. Babalik ako, hintayin moko." Pagkatapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang tumakbo palabas. Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba sa kanya. May kakaiba sa kanyang mga ikinikilos... may hindi ba siya sinasabi sa akin? Pinaayos ko na ang bangkay ni Papa para makauwi na kami sa aming bahay. Hindi ako nahirapan dahil tumulong ang Ospital at mga pulis para makauwi ng maayos ang bangkay ni Papa.
---
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~
Ficción GeneralAn original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiousl...