Chapter 19

348 4 0
                                    

A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 19

ANDREI's POV

Pagbukas ko ng gate ay nakarinig agad ako ng ingay ng dalawang taong nag-uusap. Para silang nagtatalo. "Hindi. Hindi..." binuksan ko ang pinto at nakita kong galit na galit ang Mama ni Christian sa kanya. Tumalikod siya at akmang lalabas at para siyang nakakita ng multo nang makita ako. "K-Kuya?" Utal pa niyang bigkas. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-awayan nilang mag-Ina hindi na dapat ako mang-himasok pa. "K-Kanina ka pa ba diyan? Narinig mo yung mga pinag-usapan namin?" Bumaling ang tingin ko sa kanyang Mama nang magsalita ito. "Hindi. Kararating ko lang." Bumalik ang tingin ko kay Christian at bigla siyang napayuko. "Okay ka lang ba bunso?" Hindi niya ako sinagot sa halip ay tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto. Ano bang nangyari sa kanya? May problema kaya siya? "Andrei, bakit ka napauwi? Kumusta na si Manang?" Tanong ni Maria. "Mabuti na siya, malapit na siyang gumaling ng tuluyan." Napalunok naman siya sa aking sinabi. Kahit saang anggulo ko tingnan ay parang may kakaiba talaga sa babaeng ito, hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko, masama siyang tao! "Mabuti naman kung ganun." Ngiti niyang sagot. "Nandito ba si Papa? Gusto ko siyang makausap." Lumapit siya sa akin. "Wala. Kaninang madaling araw pa umalis, may aasikasuhing trabaho sa Laguna." Sagot naman niya. Hindi man lang siya nagpaalam na aalis. Ngayon lang ito ginawa ni Papa, yung hindi magpaalam kapag aalis. "Kailan daw po siya babalik?" Tanong ko. "Ang alam ko next week pa ang balik niya. Bakit may kailangan ka ba sa kanya?" Tanong niya. "Wala. Sige po." Aakyat na sana ako sa hagdan nang muli siyang nagsalita. "Andrei..." nilingon ko siya at parang nangungusap ang kanyang mga mata. "W-Wala. Sige, umakyat ka na sa kwarto mo." Pagkatapos niyang sabihin yon ay lumabas siya ng bahay. Itutuloy ko na sana ang pag-akyat sa hagdan pero biglang sumagi sa isip ko si Christian. Nararamdaman kong may problema siya. Kailangan ko siyang makausap. Agad kong tinungo ang kanyang kwarto. "Christian. Buksan mo 'to bunso." Sabi ko habang kumakatok sa pintuan. "Bunso. May problema ba?" Sigaw ko pero hindi parin niya ako sinasagot. Nakaramdam na ako ng kaba kaya kinuha ko na ang duplicate key ng kanyang kwarto sa itaas ng ref. Pagbukas ko ng kanyang pinto ay nakita kong nakahiga siya sa kama habang may nakatalukbong na kumot sa kanyang katawan. "Bunso." Umupo ako sa kanyang kama habang niyu-yugyog ang kanyang katawan. "Alam kong hindi ka tulog. Sige na, kausapin mo na si Kuya. Kapag may problema ka dapat sinasabi mo sa akin. Nag-aalala kasi ako sayo bunso." Sabi ko sa kanya. Maya-maya'y inalis na niya ang kumot para magpakita sa akin. "May problema ba?" Tanong ko sa kanya. "Wala naman Kuya." Tipid niyang sagot. Kahit hindi niya sabihin ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Alam kong nagsisinungaling siya. "Basta palagi lang ako nandito bunso. Kapag gusto mo nang kausap, nandito lang ako. Handa akong makinig sayo." Ngiti kong sabi sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa aking mata. "Promise Kuya, hinding-hindi ka mawawala sa tabi kahit anuman ang mangyari?" Sabi niya. Tango lang ang tugon ko. "Salamat. Mahal kita kuya." Niyakap niya ako pero ikinabigla ko ang huli niyang sinabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may ibang kahulugan iyon. Parang hindi ako sanay na marinig yun mula sa kanya. Marahil ay ngayon ko lang ito narinig galing sa kanya. "Basta para sayo bunso. Mahal ka din ni Kuya." Sagot ko naman sa kanya.

---

KEN's POV

Ako ang naiwan sa ospital para magbantay kay Manang. Mamayang gabi pa ang balik ni Andrei. Natutuwa ako dahil gumagaling na ang pakiramdam ni Manang. Palaban at malakas siya kaya hindi na ako magtatakang gagaling na siya nang tuluyan. Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na isang nurse na may dalang pagkain. "Meryende na po." Nakangiti niyang sabi kay Manang habang inilapag ang dalang pagkain sa mesa. "Ako na po ang magpapakain." Sabi ko pagkatapos nun ay lumabas na siya. Kinuha ko na ang pagkain at lumapit na kay Manang para ipakain sa kanya ang meryenda. "Manang, magpagaling na po kayo ng tuluyan para makauwi na kayo." Ngiti kong sabi sa kanya. "Magaling na ako anak." Nakatawa pa niyang bigkas. "Mabuti po kung ganun." Sagot ko naman. Bigla akong napatigil nang hawakan ni Manang ang aking kamay. Seryoso ang kanyang tingin sa akin. "Ken. Salamat." Inilapag ko muna sa kama ang pagkain na hawak ko. "Para saan po? Ito pong pagtulong na ginagawa ko? Wala po yun Manang, alam niyo naman po na mahalaga ka na rin sa akin." Sabi ko. "Bukod pa dito sa pagtulong mo sa akin." Sabi niya. "Ano po 'yun?" Taka kong tanong. "Tungkol ito kay Andrei." Nabigla ako sa sinabi ni Manang. "Matagal ko nang alam, matagal ko nang napapansin. Gusto mo siya diba?" Napayuko ako sa kanyang itinanong. May naramdaman akong kaunting hiya pero kailangan ay harapin ko ang matagal ko nang itinatago. "Opo Manang. Matagal na." Sagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti siya. "Alam na ba niya?" Tanong niya, tumango lang ako. "Masuwerte si Andrei sayo. Napakabait mong tao." Sabi niya. "Naku Manang, binobola niyo po ako pero hindi ko naman po ito ginagawa para lang kay Andrei, gusto ko din pong makatulong." Nakangiti kong sabi. "Alam ko pero sana anak... hindi ka magsawa." naguluhan ako sa kanyang gustong iparating. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko. "Wala sanang magbabago. Kahit anong mangyari ay nariyan ka parin sa kanyang tabi." Napangiti ako sa sinabing iyon ni Manang. Hindi ko na dapat ito ipangako dahil iyon naman talaga ang gagawin ko. Hindi ako mawawala sa tabi ni Andrei... kahit anuman ang mangyari. "Opo Manang." Ngiti kong sagot sa kanya. "Salamat. Napakabait mo talagang bata ka." Nakikita ko naman kay Manang ang kasiyahan sa kanyang mukha. Alam kong napakahalaga ni Manang kay Andrei dahil ito na ang tinuring niyang Ina simula nung nagpakamatay ang kanyang Ina. Hinawakan niyang muli ang kamay ko. Sa pagkakataong ito ay parang may gusto siyang sabihin sa akin. "Ken. May gusto sana akong sabihin sayo." Seryosong sabi ni Manang. "Ano po 'yun Manang?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin sa akin. "Ipangako mo munang hindi mo ito sasabihin kay Andrei." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Manang. Bakit hindi kailangang malaman ni Andrei ito? Nakapagtataka naman. "Bakit naman po?" Taka kong tanong. "Ipangako mo Ken." Hindi ko na siya napilit kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa gusto niyang mangyari. "Sige po Manang. Kung yan ang gusto mo. Hindi ko po sasabihin kay Andrei ang maririnig ko ngayon mula sayo." seryoso kong bigkas. Gaano ba ito kahalaga at kailangan ay hindi malaman ni Andrei? Si Manang pa ba ang kausap ko ngayon? Alam kong hindi siya ganito. Hindi siya maglilihim kay Andrei. Maya-maya'y sinabi na niya ang gusto niyang sabihin sa akin. Napanganga ako sa gulat nang marinig iyon kay Manang? Kung totoo ang lahat ng kanyang sinasabi ay magiging kawawa si Andrei kapag nangyari iyon. "Manang, bakit po hindi niyo sabihin kay Andrei ito?" Taka kong tanong. "Alam kong hindi niya kakayanin. Ken, nakikiusap ako gawin mo ang sinabi ko. Hindi dapat iyon malaman ni Andrei dahil kapag nangyari yon, hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin. Natatakot ako para sa kanya." Maluha-luhang sabi niya. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Manang pero karapatan din iyong malaman ni Andrei! Niyakap ko si Manang. "Opo Manang. Ililihim po natin ito kay Andrei." Hindi ko alam kung maitatago ko ito nang matagal kay Andrei. Hindi ko maipapangako iyon.

---

CHRISTIAN's POV

Pagkatapos kumain ng hapunan ay bumalik na si Andrei sa ospital. Kaming dalawa lang ni Kuya ang sabay na kumain dahil hindi pa rin ako pinapansin ni Mama. Hindi ko kasalanan ang lahat. Kung tutuusin ay kasalanan ito ni Mama. Sana hindi nalang ako pumayag sa kanyang ipinagawa sa akin. Nang dahil dun, nahulog nang tuluyan ang loob ko kay Andrei. Ang akala ko ay kaya kong pigilan ang nararamdaman ko. Nagkamali ako. Dapat kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ito. Kapatid ko si Andrei, hindi ko siya dapat mahalin! Biglang tumunog ang aking cellphone. Si Jonas ang nasa kabilang linya. "Hello." Bungad kong sabi. "Christian, ituloy na natin ang paggawa sa project, pwede ka ba ngayon?" Tanong niya. "Hindi ko alam Jonas eh. Nag-away kasi kami ni Mama." Sagot ko sa kanya. "Pilitin mo Christian, sabado naman bukas walang pasok. Ano?" Pangungulit niya sa akin. "Wala din kasama dito sa bahay si Mama. Bawi nalang ako next time. Si Trixie nalang ang papuntahin mo diyan." Sabi ko sa kanya. "Hindi rin naman kasi yun pinapayagan. Sige na nga, bukas ng umaga nalang natin gawin yung project." Pagkatapos niyang sabihin yun ay ibinaba na niya ang tawag. Wala pang isang minuto ang lumipas nang tumunog muli ang aking cellphone. May nakalimutan kayang sabihin sa akin si Jonas at napatawag siya ulit? Ngunit nagkamali ako nang makita kung sino ang tumatawag... -si Papa. Agad ko 'yong sinagot. "Hello Papa. Napatawag ka po?" Sabi ko pero hindi siya nagsasalita. Inilapit ko pa ang cellphone sa aking tenga baka hindi ko lang naririnig ang boses ni Papa pero kahit anong lapit at pakinig ko ay tanging paghinga lang ang naririnig ko. Nakaramdam na ako ng kaba. Ano kaya ang nangyayari kay Papa... "Papa. Nandiyan ka pa ba? Magsalita ka Papa." Taranta kong sabi. "T-Tulong anak." Nabitawan ko ang aking cellphone at nandilat ang mata ko sa sobrang pagkagulat. Ramdam ko sa boses ni Papa na mayroong hindi magandang nangyari sa kanya. Kinuha ko ang cellphone sa sahig. "Papa... nasaan ka po, magsalita ka po Papa. Ano pong nangyari sayo?" Pero wala na akong narinig na boses sa kabilang linya. Ang lakas ng pakiramdam ko na may hindi magandang nangyari kay Papa, agad akong pumunta sa kwarto nila Mama para kausapin siya. Alam kong may kinalaman siya dito. Hindi na ako kumatok sa pintuan at kusa ko nalang iyon binuksan. "Nagawa mo na pala ang pinapagawa ko. Good job." Narinig kong sabi ni Mama habang may kausap sa telepono. "Mama." Paglingon niya ay nagulat siya nang makita ako. Dahan-dahan niyang ibinababa ang telepono. "A-anak. Anong ginagawa mo dito?" Utal niyang bigkas at bigla siyang hindi mapakali. "Anong ginawa mo kay Papa? Sumagot ka Mama!" Sigaw ko sa kanya. "W-wala anak. Ano ba 'yang pinagsasasabi mo." Lumapit siya sa akin pero pinigilan ko siya. "Huwag kang lumapit sa akin. Sagutin mo ang tanong ko, may ginawa ka bang masama kay Papa? Mama, tumawag sa akin si Papa at humihingi ng tulong. Ano bang ginawa mo sa kanya!" Galit kong sabi. "Para sayo naman lahat itong ginagawa ko anak." Sabi niya. "Sobra na Mama, pati si Papa idadamay mo. Wala 'to sa plano. Ang plano lang natin kunin ang kayamanan... yun lang!" Diin kong sabi sa kanya. "Kailangan kong gawin yun para sayo. Anak, para sa pangarap mo, para sa pangarap natin." Sagot niya. "Hindi ganitong buhay ang pinangarap ko. Gusto ko makita at makasama si Papa. Hindi na kita kilala Mama." Sabi ko sa kanya. "Tinatalikuran mo na ba ako ngayon? Christian, sinuway mo na ang pinagawa ko sayo. Anong gusto mong gawin ko? Ititigil natin ito kung kailan malapit nang matupad ang mga plano natin." Sigaw niya sa akin. Sang-ayon ako sa umpisa pero ngayon ay parang hindi na... hindi na makatarungan. Hindi ako masamang tao! "Kapag may nangyaring masama kay Papa. Tandaan mo Mama... hinding-hindi kita mapapatawad!" Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako sa kanilang kwarto.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon