Chapter 4

868 18 0
                                    

A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 4

ANDREI's POV

Paggising ko sa umaga ay hindi agad ako bumangon. Hindi ako papasok ngayong araw. Napansin kong bumukas ang pintuan ng kwarto at nakita ko si Christian na nakabihis na ng uniform. "Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong niya. "Hindi." Tipid kong sagot. Lumapit siya sa akin at bigla akong hilahin pataas. "Tumayo ka diyan. Papasok tayo. Sige na, Andrei." Pamimilit niya sa akin. "Ayoko nga. Masama yung pakiramdam ko." Sabi ko. Napaupo na lang siya sa kama. "Hindi na rin ako papasok." Malungkot niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit feeling close siya sa akin. Hindi naman siya nahihiya at ako naman ang naiilang sa kanya. "Bahala ka nga diyan." Tumayo na ako sa kama at lumabas ng kwarto pero sinundan niya parin ako. "May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Andrei." Pangungulit niya. "Wala. Bakit ba?" Sigaw ko sa kanya. Imbis na magulat ay natuwa pa siya. "Gusto mo sumama sakin mamaya?" Tanong niya na ipinagtaka ko. "Saan?" Napatigil ako at tumingin sa kanya. Ngiti lang ang tugon niya. "Basta, magbibihis lang ako Kuya." Pagbibiro pa niya at umalis na. Ako naman ay dumiretso sa kusina pero walang nakahain na almusal. Biyernes pala ngayon at wala si Manang. Wala man lang nagluto ng pagkain? Nasaan si Papa at ang kanyang kabit? Umupo nalang ako at nakatingin sa kawalan. Kung marunong lang ako magluto edi sana ako na ang kumilos pero wala naman akong alam dito. Mula pagkabata ay si Mama at Manang na ang nagbantay at nag-alaga sa akin. "Oo nga pala, nagugutom ka na siguro. Wala kasi si Manang, si Papa at Mama naman ay maagang umalis." Umupo siya sa tabi ko. "Nagugutom ka na ba?" Tanong niya muli. Tumango lang ako. "Hindi kasi ako marunong magluto. Itlog nga lang kinain ko kanina." Sabi niya. "Kakain nalang ako sa labas." Tatayo na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. "Wait. May isda diyan sa ref. Gusto mo lutuin ko?" Mungkahi niya. "Bahala ka." Umupo ulit ako. Habang nililinis at hinahanda niya ang lulutuin ay nakatingin lang ako sa kanya. Bakit ba ganito ang trato ni Christian sa akin? Kahit sobrang pangit na ng ipinapakita kong ugali sa kanya ay ang bait parin niya sa akin. Hindi naman ako sobrang nagagalit sa kanya pero hindi ko parin maalis sa akin na sila ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Mama. "Kuya, hintay ka lang di pa kasi mainit yung kawali. Nagugutom ka na ba?" Maamo ang mukha ni Christian. Kitang-kita ang kanyang kabaitan. Nakokonsensiya tuloy ako sa pagtrato ng masama sa kanya. Anak din siya ni Papa... at kapatid ko siya. "Aray ko." Napaatras siya nang matamaan ng talsik na mantika ang kanyang kamay. Agad akong tumayo at nilapitan siya. "Ano ba kasi yang niluluto mo?" Pagtingin ko ay isda na bangus pala ito. Kaya pala tumatalsik ang mantika. Tinakpan ko nalang ang kawali. Hinihipan-hipan niya ang kamay na natalsikan ng mantika. "Masakit ba?" Hinawakan ko iyon, hindi siya umimik. Mukhang masakit nga. Kumuha agad ako ng toothpaste at ipinahid sa kanyang kamay. "Lagyan natin baka magpeklat pa 'to." Sabi ko sa kanya. Nasaktan ba siya at parang wala siyang imik. Dahan-dahan akong tumingin sa kanyang mukha at nagulat pa siya nang magtama ang aming mga mata. "O-okay na Kuya. Salamat." Inalis na niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko. Pagkatapos niyang lutuin ang pritong bangus ay sabay na kaming kumain. "Mabait ka din naman pala Andrei." Sabi niya. Kahit kumakain ay madaldal pa rin pala siya. "Anong akala mo sakin demonyo?" Tumingin ako ng masama sa kanya. "Kuya di ka naman mabiro." Sagot naman niya. "Pansin ko lang, parang ang bait-bait mo na ngayon? Anong nangyari?" Naririndi na ako sa boses niya. Tumayo ako. "Tapos na ako. Ikaw na magligpit at maghugas ng kinainan natin." Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako. Dumiretso ako sa kwarto at naghubad ng mga damit. Pumasok ako ng banyo para maligo. Ilang araw palang ang ibang pamilya ni Papa dito sa bahay pero nararamdaman ko na ang unti-unting pagbabago. Lalo na kapag ikinasal sila ng Mama ni Christian. Dapat magalit ako kay Christian pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay parang ang bigat sa pakiramdam. Naapektuhan din ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako nang banyo. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahang makita si Christian. "Aaaaaahhhhhh!" Sigaw niya sabay talikod sa akin. Nakalimutan ko palang isarado ang pintuan ng kwarto kanina. Wala pa naman akong tuwalyang itinapis sa katawan ko. "Hoy, bakit ka sumigaw diyan? Nakakita ka ba ng multo?" Tanong ko sa kanya. "K-kasi..." "Nakita mo yung sakin? Wala namang malisya dun. Pareho tayong lalaki at magkapatid tayo." Sabi ko sa kanya. "Oo nga." Nailang siguro siya at hindi parin makatingin sa akin. "Tatayo ka na lang ba diyan?" Tanong ko. "Sige, punta muna ako sa kusina." Sabi niya pagkatapos ay mabilis siyang naglakad palabas. Napapailing nalang ako. Kahit hindi naman niya sabihin ay alam ko ang tunay niyang pagkatao. Kahit sino at ano man siya ay wala namang problema sa akin yun lalo na't kadugo ko siya. Nararamdaman kong balang araw... mawawala ang galit ko sa kanila at matanggap ko na sila bilang bagong parte ng pamilya.

---

CHRISTIAN's POV

Paglabas ko sa kwarto ni Andrei ay dumiretso ako sa banyo. Hindi ko aakalaing ganun ang eksenang mangyayari. Nakakailang dahil nakita ko ang kanya pero bakit sobra yata akong apektado? Wala naman sigurong malisya iyon. Magkapatid kami. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napapangiti ako. Unti-unti nang napapalapit sa akin si Andrei. Iyon lang naman ang misyon ko. "Para kay Mama... gagawin ko ang lahat. Kailangan ay makuha namin ang lahat ng mana." Sabi ko sa aking sarili. Unti-unti nang lumalambot ang puso ng aking kapatid. Tama si Mama, kapag nagkataon ay may kalaban pa ako sa mamanahin kay Papa. Sa oras na ikasal sila ay malaki na ang karapatan ko. Mas may karapatan na ako kay Andrei pag nagkataon. "Sorry Andrei. Kailangan kong gawin ang sinasabi ni Mama." Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako sa banyo. Lumipas ang oras at madilim na ang paligid. Wala parin sina Mama at Papa. Saan kaya sila nagpunta? Baka inaasikaso na nila ang magaganap na kasalan. Nasasabik na akong mangyari yon. Lumabas ako at nakita ko si Andrei na parang may malalim na iniisip. "Kuya." Nilingon niya ako pero hindi siya umimik. Masungit talaga ang taong ito kahit kailan pero alam kong bibigay din siya. Nararamdaman ko... malapit na iyong mangyari. "Akala ko ba may pupuntahan tayo?" Nagulat ako sa narinig mula sa kanya. "Oo nga. Sabi ko nga alis na tayo diba?" Sagot ko sa kanya. Habang naglalakad sa kalsada ay tahimik lang kaming dalawa. "Christian." Napatigil ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya sa akin at bigla niyang hatakin ang kamay ko. "Pumunta tayo sa bahay ng kaklase ko, gusto kong uminom." Sabi niya, wala naman akong nagawa dahil hatak-hatak niya ang kamay ko. Pagdating namin sa bahay ng kaklase niya ay agad kaming pinapasok sa loob. "Buti nalang at malakas ka sakin Pare. Tsaka wala namang pasok bukas kaya pumayag na rin ako sa alok mo." Sabi nung lalaki. Umupo ako sa may sala nila. "Matatanggihan mo ba ako. Oo nga pala, kapatid ko... si Christian." Pinakilala niya ako sa kanyang kaklase. "Ken." Nakipagkamay siya sa akin. "Hintay lang kayo, parating na si Miggy. May dalang alak at pulutan na yon." Sabi ni Ken. Speaking of Miggy, biglang may pumasok sa loob na may dalang bote ng alak at pulutan. Ito na nga siguro ang sinasabi nila. "Inom na naman tayo." Nagtama ang mga mata namin at napatigil siya sa pagsasalita. "Nandito pala si Christian, hindi niyo naman sinabi sa akin." Inilapag niya ang alak sa lamesa pati ang pulutan at muling tumitig sa akin. Kakaiba ang mga ngiti at titig na ibinibigay niya sa akin. "Miggy nga pala." Pagpapakilala niya sa akin. "Christian." Sabi ko. "Simulan na natin, baka abutan tayo ng magulang ko dito patay na naman ako." Matawa-tawang sabi ni Ken. Paminsan-minsan ay napapansin ko ang kakaibang pagtitig sa akin ni Miggy. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ay ngumingiti lang siya. Bigla tuloy akong kinabahan pero may tiwala naman ako sa kanila dahil alam kong kaibigan sila ni Andrei. Nakailang bote na kami nang maramdaman kong umiikot na ang paningin ko. Hindi naman kasi ako umiinom at pinagbigyan ko lang sila. "Ken, san ang banyo niyo?" Tumayo ako para pumuntang banyo. "Deretso ka lang tapos kanan." Turo niya at nagpasalamat ako bago umalis. Pagpasok ko sa banyo ay hindi ko napigilang sumuka. Ngayon lang ako nahilo nang ganito dahil sa alak. Lalabas na sana ako nang makita ko si Miggy. Kakaiba ang kanyang mga ngiti. "Lasing ka na ba Christian?" Lumapit siya sa akin at hinimas-himas ang likuran ko. "Okay lang, medyo nahihilo." Sagot ko sa kanya. Nagulat ako nang biglang bumaba ang kanyang kamay sa aking puwetan. Napatingin ako at ngumisi siya. Naitulak ko siya bigla dahil sa kanyang ginawa. "Ano bang ginagawa mo, Miggy?" Galit kong sabi sa kanya. "Ano ba sa tingin mo?" Lumapit pa siya sa akin at malakas ko siyang naitulak kaya nakalabas ako ng banyo. Pagdating ko sa sala ay hinila ko patayo si Andrei na pansin kong nahihilo na rin. "Uuwi na tayo." Matigas kong sabi at nagtaka naman sila sa kinikilos ko. "Mamaya na Christian, maaga pa. Wala namang pasok bukas." Sagot naman ni Ken. "Oo nga Christian. Masyado pang maaga." Nilingon ko si Miggy na nakangisi. Tinitigan ko siya ng masama. "Kung di ka uuwi, ako ang uuwi." Binitawan ko si Andrei at lumabas ako ng bahay. Ilang hakbang lang ang nagawa ko nang pigilan niya ako. "Ano bang problema?" Galit niyang tanong. "Tanungin mo dun sa manyak na Miggy na yun!" Nandilat ang mata niya sa sinabi ko. "Anong sabi mo? Binastos ka ba?" Bigla yatang nawala ang kalasingan niya at bumalik sa loob para hanapin si Miggy. Sinundan ko naman siya agad. Pagkakita niya kay Miggy ay agad niya itong binigyan ng malakas na suntok sa mukha. "Ano bang problema mo Pare?" Galit na sabi ni Miggy. Nakikita kong nanginginig sa galit si Andrei. Gusto niya talagang saktan si Miggy. Ganoon ba ako kahalaga sa kanya? "Binastos mo si Christian. Pare naman, kapatid ko yan!" Sigaw niya kay Miggy. "Totoo ba?" Tanong ni Ken kay Miggy at napayuko na lamang ito sa kahihiyan. "Gago ka Pare. Ang ayaw na ayaw ko yung ginagago ako!" Galit na galit na sabi ni Andrei. "Tara na. Umuwi na tayo." Hinila ko na palabas si Andrei. Nagpaalam na rin kami na umuwi kay Ken at humingi naman ng tawad si Miggy. Ngayong gabi ko napatunayan na may pag-aalala talaga sa akin si Andrei. Naguguluhan na ako kung itutuloy ko pa ba ang plano ni Mama.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon