Chapter 5

740 17 0
                                    

A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 5

Pagdating namin sa bahay ay bumungad sa amin si Mama. "Saan ba kayo nanggaling? Tawag ako ng tawag sayo Christian." Sabi niya. "May pinuntahan lang. Naiwan ko yung phone ko Mama." Sagot ko sa kanya. "Mabuti naman at nagkakasama kayo. Mabuti yan dahil magkapatid naman kayo." Biglang singit ni Papa. Nagkatinginan naman kami ni Andrei at ngumiti ako sa kanya. "Matutulog na po ako." Umalis na si Andrei at si Papa naman ay lumabas para magpahangin. Hinila naman ako ni Mama papuntang kusina. "Ano, kumusta ang plano? Napapalapit na ba siya sayo?" Pananabik na tanong ni Mama. Tumango lang ako. Napabuntong-hininga siya. "Dapat lang dahil next week na ang kasal namin ni Carlo. Malapit na nating matupad ang plano." Nakangisi niyang sabi. "Wag kang mag-alala Ma. Lumalambot na ang puso ni Kuya. Bibigay na din yun." Nakangiti kong sabi pagkatapos ay niyakap niya ako. "Pagkatapos nating makuha ang lahat ng mana ay babalik na tayo sa Amerika." Pagtatapos ni Mama. Gusto kong matupad ang plano para maging masaya si Mama. Gagawin ko ang lahat para mapalapit si Andrei sa akin at ramdam kong unti-unti na 'yong nangyayari. Kailangan ko lang mag-ingat, baka ako ang mahulog sa sarili kong bitag.

-

Maaga akong gumising para magluto ng almusal. Gusto kong dalhan si Andrei sa kanyang kwarto. Mas maganda iyon dahil espesyal kung tingnan. Habang nagluluto ay hindi ko namalayang lumapit sa akin si Manang. "Christian, ako na diyan." Sabi niya. "Ako na po Manang." Sagot ko. "Para kay Andrei ba yan?" Napatingin ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti. "Mabuti naman at nagkakasundo kayo. Mabait na bata naman talaga yang si Andrei, nitong mga nakaraang araw lang ay masyadong masakit ang nangyayari para sa kanya kaya masyadong naapektuhan si Andrei." Paliwanag niya. "Mahal na mahal po talaga ni Andrei ang kanyang Mama." Nakangiti kong sabi. "Oo naman. Ito na ang tumayong Ina at Ama sa kanya. Nasaksihan ko ang dugo at pawis ng Ina ni Andrei para lamang mapalaki siya ng mabuti." Sabi niya. Lahat naman talaga ng magulang gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Tulad ni Mama, gagawin ang lahat para sa akin at hinding-hindi ko siya bibiguin para matupad ang aming plano. Pagkatapos kong lutuin ang almusal para kay Andrei ay inihatid ko na iyon sa kanyang kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay tulog pa siya, inilapag ko muna ang pagkain at lumapit sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay may kakaiba na akong nararamdaman. Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay parang ang saya-saya ng kalooban ko. Nararamdaman ko siguro ang saya na magkaroon ng isang kapatid at sa katauhan ni Andrei ko iyon nahanap. Nag-iwan nalang ako ng note kung saan ko inilapag ang pagkain para paggising niya ay makita niya ito. Lumabas muna ako ng bahay at nagpasiyang maglakad-lakad. Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayang nakarating ako sa basketball court. Wala pang tao pero pumasok ako doon at umupo. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at gumamit ng earphone para makinig ng music. Kapag talaga nakakarinig na ako ng mga paborito kong tugtog ay wala na akong pakialam sa nangyayari sa aking paligid. Parang dinadala ako sa ibang lugar. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang biglang may tumalbog na bola sa akin at tinamaan ako sa ulo. Tinanggal ko ang earphone sa aking tenga at hinanap ang may hawak ng bola. Paglingon ko... "Pasensiya ka na. Nasaktan ka ba?" Hindi ako nakagalaw at nakapagsalita dahil nagulat ako sa kanya. Wala siyang damit pang-itaas at kitang-kita ang ganda ng kanyang pangangatawan at ang guwapo pa. Isang anghel ba ang nasa harapan ko ngayon? "Okay lang." Tipid kong sagot. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. "Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita." Tanong niya, tumango lang ako. "Ako nga pala si Jonas." Pagpapakilala niya. Matutunaw yata ako sa kanyang ibinibigay na mga ngiti. At bigla kong naalala ang kanyang pangalan... siya ang bestfriend ni Andrei kung hindi ako nagkakamali. "Christian. Kapatid ko si Andrei." Nagulat siya nang sabihin ko iyon. "T-Talaga?" Paninigurado niya. "Para kasing walang nababanggit sa akin si Andrei na may kapatid siya at alam kong nag-iisang anak lang siya." Paliwanag niya. "Kapatid ko siya sa Ama." Paglilinaw ko sa kanya. "Narinig ko yung pinag-usapan niyo ni Kuya nung isang gabi." Nagulat naman siya nang sabihin ko yun. "Yung tungkol kay Trixie? Pinagsisihan ko naman yun." Napayuko siya pagkatapos sabihin yon. "Okay lang, lahat naman tayo nagkakamali. Hindi ka pa mapapatawad ni Kuya dahil alam kong masakit parin sa kanya yun at marami siyang pinagdadaanan ngayon." paliwanag ko sa kanya. "Alam ko naman yun." Sabi niya. Kinuha niya ang damit niyang pang-itaas at isinuot ito. "Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya. "Saan?" Taka kong tanong. "Gusto ko ulit makausap si Andrei. Kahit paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanya ay hindi ako magsasawa, bumalik lang yung dating pagkakaibigan namin." Sabi niya. Nararamdaman ko na malaki ang kanyang pagsisisi pero nasaktan ng lubos si Andrei. "Tara, baka gising na yun ngayon." Sabi ko pagkatapos ay sabay na kaming naglakad papunta sa bahay.

---

ANDREI's POV

Paggising ko ay may nakita akong nakahandang pagkain. Nilapitan ko ito at nang mabasa ko ang note ay galing ito kay Christian. Nag-abala pa siyang ipagluto ako. Narito na naman si Manang pero inaamin kong masaya ako nang gawin niya ito. Sinimulan ko nang kumain nang biglang bumukas ang pinto sa aking kwarto. Nakita ko si Manang. "Anak, mukhang ganado kang kumain ngayon." Nakangiting sabi ni Manang. "Ipinagluto pala ako ni Christian." Sabi ko. "Oo, maagay siyang gumising para ipagluto ka. Andrei, wala ka na bang galit sa kanya?" Napatigil ako sa tanong ni Manang. "Hindi ko rin alam Manang pero parang ang bilis-bilis kong mapalapit sa kanya. Hindi rin niya ako iniiwasan kahit sobrang pangit na ng pinapakita kong ugali sa kanya." Sabi ko. "Alisin mo na ang galit sa puso mo Andrei. Kapatid mo naman siya. Wala siyang kasalanan, wala kayong kasalanan. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ang mga masasamang bagay." Natauhan naman ako sa sinabi ni Manang. Tama siya, hindi dapat ako magalit sa kanila. Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit nawala si Mama, kung bakit maraming problema ang dumadating pero hindi dapat ako maging mahina. "Alam kong nasasabik at natutuwa ka din nang makita mo si Christian. Diba, matagal mo na 'tong pangarap? Ang magkaroon ng isang kapatid?" tama ang lahat ng sinabi ni Manang. Noon ko pa talaga gustong magkaroon ng kapatid pero hindi nangyari dahil pabalik-balik si Papa sa Amerika. Minsan lang din siya umuuwi ng Pilipinas kaya hindi na nasundan pa ang panganganak ni Mama. Niyakap ko si Manang. "Ngayon lang kita ulit nakitang ganito." Tumingin ako sa kanya. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Taka kong tanong. "Yung ganito ka ulit. Bumabalik na ang Andrei na kilala ko." Nakangiting sabi niya. Hindi ko rin namamalayan ang unti-unti kong pagbabago simula nung dumating sina Christian dito. Alam kong malaki ang naitulong ni Christian sa pagbabago ng ugali ko. Inaamin ko nung malaman kong kapatid ko siya ay may kaunti akong galit na naramdaman pero mas nangibabaw ang kasiyahan ko. Iniligpit na ni Manang ang pinagkainan ko at nauna na akong lumabas sa kanya. Paglabas ko ay nakita ko ang Mama ni Christian. "Goodmorning." Sabi niya sa akin. "Goodmorning din." Sagot ko sa kanya. "Alam kong may galit ka sa amin Andrei pero hindi ko naman sinadyang mahalin ang Papa mo. Patawarin mo sana ako, nagmahal lang naman ako." Sabi niya sa akin at biglang dumating si Papa. "Anak." Niyakap ako ni Papa. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Malaki parin ang galit ko sa kanya. "Patawad. Patawarin mo ako anak sa lahat ng kasalanan ko sayo pati na sa Mama mo." Gustong tumulo ng luha ko pero pinigilan ko ito. Ngayon ko na lang muli naramdaman ang mga yakap ni Papa. "Ang laki ng kasalanan ko sa inyo. Sana mawala na ang lahat ng galit sa puso mo anak." Tumingin siya sa mga mata ko. "Pero hindi ko ipipilit na mapatawad mo agad ako. Kami." Pagtatapos niya pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Naging matigas parin ang puso ko kay Papa. Hindi ko pa siya lubusang mapapatawad pero alam kong darating din ang araw na yun pero hindi pa sa ngayon. "Kuya." Nilingon ko ang tumawag at nakita ko si Christian, lumapit siya sa akin. "Salamat nga pala sa almusal ko kanina. Nag-abala ka pa." Sabi ko sa kanya. "Wala yun. Oo nga pala, may gustong kumausap sayo." Nagtaka naman ako kung sino ang kanyang itinutukoy. Lumabas sa likuran niya si Jonas at nang makita ko ang kanyang mukha ay agad kumulo ang aking dugo! Anong ginagawa niya dito? Bakit niya kasama si Christian? "Umalis ka. Diba sabi ko wag na wag ka nang magpapakita sakin?" Sigaw ko sa kanya. Biglang nag-iba ang timpla ko. "Kailan mo ba ako mapapatawad?" Lalo akong nagalit sa kanyang tanong. "Naitanong mo pa talaga yan? Akala mo ba ang bilis-bilis makalimot? Hindi! Ramdam ko pa rin yung sakit. Sariwa parin sa isip at puso ko ang lahat kaya ako na ang makikiusap, wag ka munang magpakita sakin at baka lumalim pa ang galit ko sayo at sa inyo ni Trixie." Pagtatapos ko pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng bahay. Sinundan naman ako ni Christian at hinawakan ang braso ko. "Andrei." Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Wag ka nang makikipagkita sa lalaking yun! Layuan mo siya." Sabi ko sa kanya. "Bakit naman Andrei? Gusto ko lang makatulong sa inyong dalawa." Sagot niya. "Hindi ka nakakatulong. Gawin mo na lang ang sinabi ko." Aalis na sana ako nang bigla siyang yumakap sa akin. "Kuya. Magagawa mo rin siyang patawarin at lalo na kami. Alam kong mangyayari din yun balang araw." Sabi niya. May naipintang ngiti sa aking labi.

A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon