A Brother's Love (Bromance) CHAPTER 37
KEN's POV
Kinabukasan. Pagkatapos naming maayos ang katawan ni Manang ay nakaburol na ito sa bahay nila Andrei. Hindi ko pa rin lubos maisip na naganap ang mga nangyari kagabi. Hindi ko inakala na kayang pumatay ni Miggy dahil sa pagka-inggit. Papasok na ako sa bahay at pagbukas ko ng pinto ay sumalubong agad si Papa na sobra ang pag-aalala sa akin. "Anak. Mabuti naman at umuwi ka na." Niyakap niya ako. "Saan ka ba nagpunta? Kahapon pa kami nag-aalala sayo." Sunod niyang sabi. "Mahabang kwento Papa. Gusto ko munang magpahinga." Lalakad na sana ako papunta sa aking kwarto nang mapatigil ako sa aking narinig mula sa kanya. "Anak, may dapat kang malaman." Napatingin muli ako sa kanya. "Ano yun Papa?" Tanong ko. "Wala na si Darwin. Patay na siya." nandilat ang mata ko at biglang nanghina ang tuhod ko. Bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito. Kasalanan ko ito. Sana natulungan ko si Darwin, sana buhay pa siya hanggang ngayon. Si Miggy ang dahilan ng lahat ng ito. Wala siyang puso, tinuring pa naman namin siyang kaibigan ni Andrei at ganito lang ang gagawin niya. "P-Papa." Lumapit ako't yumakap sa kanya. "Ako ang dahilan kung bakit namatay si Darwin. Niligtas niya ang buhay ko Papa. Kasalanan ko kung bakit wala na si Darwin." Hagulgol kong sabi. "Wag mong sabihin yan anak. Wala kang kasalanan." Pinapagaan ni Papa ang aking kalooban. "Papa. Si Darwin..." "Puntahan mo siya anak." Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. Kaya ko ba? Kaya ko bang makita si Darwin na nakahiga sa loob ng kabaong? Parang hindi ko kakayanin! Sana'y pinagbigyan ko siya na makapag-usap kami noong pumunta siya sa bahay. Pinagsisisihan ko ang bagay na 'yun at alam kong hinding-hindi na muli mangyayari yun dahil wala na siya... wala na si Darwin!
-
Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng bahay nila Darwin. Habang papalapit ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanyang mga magulang. Wala na akong pakialam kung magagalit sila sa akin basta ang gusto ko lang ay makita si Darwin! Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang Mama ni Darwin na pinagmamasdan ang kabaong ng kanyang anak. "Tita..." pagtawag ko sa kanya. Pagkakita pa lang niya sa akin ay biglang nag-iba ang hugis ng kanyang mukha. Galit na galit itong lumapit sa akin. "Umalis ka! Umalis ka dito." Pinagtutulakan niya ako habang napukol ang lahat ng atensyon ng mga tao na nakiramay sa amin. "Tita. Sorry po." Napayuko ako dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi ko talaga alam ang gagawin at sasabihin sa kanya. "Sorry na lang ba? Ang akala ko ay ikaw na ang makakapagpasaya sa anak ko. Akala ko ikaw na ang taong nararapat sa kanya pero nagkamali ako." Napatingin ako sa kanya. "Sinabi ko naman po na wag na siyang magpakita sa akin. Pinagtatabuyan ko na siya pero matigas ang ulo niya. Tita, wala po akong kasalanan sa nangyari kay Darwin. Masakit po sa akin ang nangyaring ito sa kanya." Sabi ko. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi na maibabalik pa ang buhay ng anak ko. Sana... sana hindi ka na lang niya nakilala." galit na galit niyang sigaw sa akin. Napayuko muli ako dahil nakapukol parin ang atensyon ng lahat sa amin. "Tita... gusto ko pong makita si Darwin." Sabi ko pero tinawanan niya lang ako. "Hindi. Hinding-hindi mo makikita ang bangkay ng anak ko, kahit makalapit ay hinding-hindi ko iyon papayagan. Umalis kana!" Itinulak niya ako at napahandusay ang katawan ko sa lupa. "Umalis kana dito at wag na wag ka ng magpapakita dito!" Gigil na gigil niyang sabi. Pag-angat ko ng aking ulo ay may nakita akong kamay at kinapitan ko iyon para sa aking pagtayo. "Umalis na tayo." Hindi ko namalayan ang pagdating ni Andrei. Hinila niya ako pero pinigilan ko siya. Ayaw kong umalis dito hangga't hindi ko nakikita si Darwin. "Andrei..." tinitigan ko siya pero hinatak niya ako palapit sa kanya. "Hindi ko pa nasasabi sayo na nagkaroon kami ng relasyon noon ni Darwin. Kahit ako man ay gusto ko siyang makita pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil wala naman akong karapatan para pumunta dito. Nasaktan ko siya noon." Paliwanag niya. "May gana ka pang magpakita Andrei pagkatapos mong saktan at iwan ang anak ko noon!" Sigaw ng Mama ni Darwin. Napayuko na lamang si Andrei. Hindi na rin siya nagsalita para hindi na humaba pa ang usapan at aminado naman siya sa mga nagawa niya noon. "Umalis na tayo." Mahina niyang sabi. "Sorry po Tita. Kung ayaw niyo talaga kaming papasukin, wala naman po kaming magagawa. Aalis na lang po kami." Sabi ko. Pagtalikod namin narinig ko pa siyang nagsalita. "Sinayang niyo lang ang pagmamahal ng anak ko. Sinayang niyo!" Nagkatinginan kami ni Andrei. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Bromance) ~°Completed°~
General FictionAn original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination, or, it real are used fictitiousl...