Aria's POV
Wala talaga ako sa mood ngayon antok na antok pa din ako . Nakapasok na ako sa portal and guest what nandito din sila Selene at iba pa naming kapwa studyante. Syempre andito din si Rebecca at ang dalawa niyang churaray!
(churaray tawag ko sa mga alalay ni Rebecca imbento ko lang po)
Inaantay nalang namin ang mga iba pa naming makaksama sa pag hahanap ng kanya kanyang guardian hmm,.. mejo naeexcite na din ako kung anong guardian ang makukuha ko at nakikita ko din naman sa kanila na hindi na din sila mapakali sa sobrang ka excitedan especially kay Cane, Chloe , Selene...
"Omg ! Ang tagal naman nila naiinip na ko ang init - init pa dito oh! " reklamo ni Rebecca
"Your right sis ang dami pang insects iww" sabi nung churaray niyang isa
Nag aantay lang ako mag salita yung isang kasama nila buti naman at hindi na siya dumagdag sa kaartehan ng dalawa..
Napatingin naman ako ng bigla naman dumikit sakin si Xyron puting -puti naman ito sa suot niya at may bulalak na hawak na nakatapat sa bibig nito
"Hi Aria :) " masayang bati niya sakin
"Hello din Xy" pilit ko binabago mood ko nakakhiya din naman kasi sa kanya
"Para sayo ohh" inaabot niya sakin yung bulaklak na hawak niya kanina
"S-salamat :) " sabi ko matapos abutin at amuyin yung bulaklak .
Inamoy ko ulit yung bulaklak at pinag stay sa ilong ko. Pang naalis naman yung sama ng pakiramdam ko pati ang galit na nararamdaman ko parang magic bigla nawala at masarap sa pakiramdam feeling ko full energy na ako ang galing! Ang presko na ng pakiramdam ko
"Ano aria ok ka naba? " tanong ni Xyron sakin nakalimutan kong andito nga pala siya nawala sa loob ko
"Aa !? Oo okay na okay na ako salamat nga pala dito " sabi ko sa kanya ng nakangiti
"Salamat naman at gumana sayo yan kanina ko pa kasi napapansin na nakasibangot ka lang " sabi naman niya sakin
"Ganun ba sorry ha? :( Ano nga pala ang tawag sa bulaklak na ito?" tanong ko sa kanya ang gaan na kasi ng pakiramdam ko sobra parang ang saya-saya ko
"Ah iyan ang icehela " sagot naman niya sakin na curious ako kaya tinanong ko ulit
"Ano naman iyon ? bakit bigla gumaan ang pakiramdam ko " tanong ko naman
"Aa iyan yung flower o bulalak na natatangi dito sa Mythical world kasi kahit na gaano kasama ang pakiramdam mo or kahit nalulungkot ka may kakayahan yung bulaklak na iyan na pagaanin yung pakiramdam mo kung may masakit sayo napapawala niya ito at mapapalitan ng masaya at punong puno ng energy ang katawan mo. Ako lang ang may kakayahan na gawin ang bulaklak na iyan. At minsan nga pala ang tawag sa bulaklak na yan ang miracle healing power naramdaman mo naman na at naexperience mo naman kung bakit tinatawag na miracle healing flower iyan" tuloy - tuloy na paliwanag niya sakin about dito sa bulaklak na ito.
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasyHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...