Aria's POV
Laha kami ay nakatingin lang kila Theo at Xyron . Kahit isa sa amin ay hindi nag - sasalita at nag - aantay nang susunod na gagawin nila ..
Nagulat naman ako ng biglang tumingin sa akin si Theo na parang galit , I mean yes galit nga siyang tumingin sa akin hindi ko alam kung bakit ganito makatingin tong kumag na ito .. Wala naman akong masamang ginagawa .
Bigla nalang ito nag - palabas ng apoy sa kamay at ibinato sa amin ,. Lahat kami ay nagulat ibinato ito sa amin . Ang buong akala namin ay kung ano na ang mang yayari sa amin dito habang naka - upo . Pero nag porma itong isa pang barrier na makapal .
" Nilagyan ni Xander ng isa pang barrier kaya hindi na natin sila madidinig na mag - uusap kung sakali , Ayaw niya na madinig ni isa sa atin ang pag - uusapan nila ni Xyron " mahabang paliwanag na sabi ni Selene ,
Pero naisip ko si Snow , kaya niya gamitin ang kapangyarihan niya na hindi nalalaman ng mga kasamahan ko at tanging ako lang ang makaka - dinig ng pag - uusapan nila ,
" Snow ? " tawag ko kay snow gamit ang isip ko .
" Ano po ang maipag lilingkod sa inyo mahal na Prinsesa ,? " tanong nito sa akin
" Maari mo bang bigyan ako ng access para ako lang ang makadinig ng pinag - uusapan nila Theo sa loob ng barrier na ito ? Pero kailangan mo mag ingat kailngan ay hindi malaman ni isa sa amin na gagawin mo ito " sabi ko sa kanya . Matagal bago nakasagot si Snow alam ko kung ano ang naiisp niya , pero desisdido ako sa desisyon ko nakaka kutob kasi ako na madadawit ang pangalan ko sa usapan na iyon .
" Opo mahal na princessa masusunod po " sabi nito at nakaramdam naman ako ng malamig na bagay sa aking tenga ,, pero pinag pawalang bahala ko lang iyon dahil ayoko mapansin nila Selene ang gingawa ko at ni Snow . Maya - maya pa ay unti - unti ko nang naririnig ang boses ni Theo na tila mo nag titimpi ng galit niya kay Xyron ..
Hindi ko pa sila gaano madinig dahil sa tibay at lakas na nilagay ni Theo na kapangyarihan dito sinigurado talaga niya na walang makakadinig sa kanila ni Xyron . Maya - maya pa ay malinaw ko na nadidinig lahat ng pinag uusapan nila .
" Layuan mo siya kung hindi mo ma admit sa sarili mo na mahal mo talaga si Aria " mahinahong sabi ni Xyron
" Wala kang pakielam sa mga desisyon ko .. Layuan mo na si Aria diba tinigil mo na ang panliligaw sa kanya ? Bakit ngayon para kang aso na laging nakabuntot sa kanya . " galit na sabi ni Theo alam ko na natutuwa si Xyron sa mga sinasabi ni Theo dahil nag papakita ito sa kanya ng reaksyon na hindi naman ugali ni Theo .,.
Ang Theong kilala kasi nila ay ang prinsipe na walang pakielam sa mga nakapaligid sa kanya at dedma lang sa ibang bagay , NAawal ang pag - iisip ko ng biglang nag - salita si Chloe.
" Bes sa tingin niyo ano kaya ang pinag - uusapan ng dalawa na iyon sinigurado talga na hindi natin madidinig " takang tanong niya sa amin , walang sumagot dahil ni Isa sa kanila ay hindi alam na nag tatalo na yung dalawa sa loob tanging ako lang ang nakaka alam . Kung titignan naman kasi dito yung dalawa ay parang nag titigan lang .
Theo ' s POV
Nandito kami ni Xyron sa gitna dahil nasaktuhan naman na kami talaga ang pinag - pares para makapag - training ito na din siguro ang way para maka - usap ko siya ng masinsinan .
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasyHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...