(Athena's picture 1st Mythical guardian ni Aria)
Aria's Pov
Patuloy pa din kami sa paglalakad ni Athena ganun pa din naka sakay pa din ako sa kanya ayaw niya kase pumayag na bumaba ako at mapapagod lang daw ako kaya wala na din ako magawa pabor naman kase sakin.
Ang dami ko ding nalaman about dito sa mythical world naikwento niya din sakin ang about sa mag kakaibigang hari at reyna ng mythical world at kami pala ang pinakamalakas sa kanilang lahat at ang namumuno sa mythical world. Parang naiisip ko pa lang na pamamahalaan ko ang buong mythical world ay naiistress na ako sa dami ng responsibilidad na gagampanan ko.
Mabuti nalang at buhay pa ang mga magulang ko at sila pa din ang gagawa ng mga tungkulin dito. Laking pasasalamat ko din na hindi iniwan ng ibang hari at reyna ang mga magulang ko at tinulungan nila ito mapatakbo ng maayos ang buong mythical world. Sabi kase sakin ni Athena na nag kanya - kanya ng gawain o nag toka toka ng gawain ang mga hari at reyna kaya lang pag may kailangan baguhin o mabigat na suliranin ay kailangan muna ng pahintulo't ng aking ina at ama bago nila ito gawin at bogyan ng aksyon kaya sa madaling salita lahat ng gagawin ng ibang hari at reyna ay dadaan muna sa mga magulang ko.
Mag kababata din pala sila lahat kaya ganoon nalang ang tibay ng pag kakaibigan nilang lahat. Nakakatuwang isipin na kahit na ano pa ang pag daanan ng isa sa kanila ay nanatili pa din sila sa isa't - isa. Nalaman ko din na sobra ang naranasang kalungkutan at hirap ng aking mga magulang simula ng nawala ako. Nalaman ko din ang about sa nangyaring war noong sangol palang ako.
Nakakalungkot isipin na kailangan kong mawalay sa totoo kong mga magulang para sa ikaliligtas ko. Naiisip ko tuloy kung gaano kahirap para sa totoo kong mga magulang ang ginawa nila sa akin , ang laki ng sakripisyo nila para lang mailigtas ako. Naikwento niya lahat - lahat ng nangyari sa alitan ng mga magulang ko at ng Dark lord kasama na din doon kung paano ako napunta kila nanay Minerva at tatay Deo. Sa bagay naging masaya ako sa piling nila tatay Deo tinuring nila akong parang totoong mga anak. Nakakamiss na din sila. Kailan ko kaya sila ulit makakasama..
Natigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ni Athena
" Mahal na princessa pasensya na po at naistorbo ko kayo sa inyong pag iisip pero kailangan niyo na pong kunin ang susunod niyong mythical guardian hindi ko po ito pwede ituro sa inyo kailangan po kasi na kayo ang makakita nito" sabi niya sabay yuko upang makababa ako sa likod niya.
Bumaba muna ako bago ko ayusin yung sarili ko..
"Ah ok lang sige salamat nga pala at pinasakay mo ako sa likudan mo napaka - laking tulong na sakin noon :) " sabi ko sa kanya habang hinihimas ang mukha niya
" Ikinagagalak ko po na pag lingkuran kayo. Tayo na po para maka - alis na po tayo dito " sabi niya at nag simula na akong mag hanap ng susunod na guardian ko iniwan ko na lang muna siya doon sa pwesto niya upang mahanap ko na ang susunod kong mithical guardian..
Naglalakad pa din ako paikot - ikot dito sa loob ng mythical forest pero hindi ko pa din makita yung susunod na guardian ko..
" Asan ka ba hmm. Bakit ang hirap naman hanapin ng isang to" sabi ko at napag desisyunan ko umupo muna sa isa sa mga ugat ng puno para makapag pahinga sandali.
Pero nililibot ko pa din ang aking paningin para mag hanap pa din. Napadako ang mata ko sa isang puno na kulay asul lahat ng dahon dahil parang may isang hayop na natutulog doon. Dali - dali akong tumayo upang puntahan kung ano iyon..
Nakita ko isang asong natutulog isang napaka gandang aso kulay blue at merong mga dyamante sa ulo na to.
" Wow! Ang cute ng aso!!! " sabi ko
H
ahawakan ko sana ito ng bigla itong dumilat at lalo itong naging cute
" Waaahhh!!! Ang cute cute mo aso ka tssu tssu .. Come , come here choo... Lapit na kay mami come come here" tawag ko sa kanya
Lalapit na sana siya sakin kay lalo akong natuwa handa na akong yakapin siya kaya lang nagulat ako ng bigla itong yumuko at nag salita" Your highness ako po ang pangalawa sa mga mythical guardian niyo.. At hindi po ako aso" sabi niya sakin habang nakayuko
"Eehhh!!?? Akala ko aso ka kase yung itsura mo??!! " gulat na tanong ko sa kanya
" Isa po akong tigerfox mahal n princessa hindi po ako aso :(" sabi naman niya
" Ah ok akala ko kasi aso ka talaga sorry ha !? Anong pangalan mo wala ka din bang pangalan!?" tanong ko sa kanya
" Opo mahal na princessa kayo po ang mag bibigay sa akin ng pangalan " sagot naman nito sa akin
" Ano kayang pangalan ang bagay sayo hmm... Aha ! Alam ko na frosty bagay iyon sayo ka - match ng kulay mo dapat nga browny ee kaya lang wala ka naman kulay na brown. "
" Browny ee pangalan naman ng aso iyon " bulong ni frosty
" May binubulong ka ba frosty !? Ayaw mo ba ng pangalan na binigay ko ? " tanong ko sa kanya
" Naku ! Hindi po mahal na princessa gusto ko po ang pangalan na ibinigay niyo sa akin " sagot naman niya sa akin. Naka - hinga naman ako ng maluwag ng nagistuhan naman niya iyon
" Talaga !? Pwede na ba kita mayakap at mabuhay abg cute cute mo kase ee waaahh come here frosty !!? " sabi ko sa kanya na eexcite na kase ako mayakap siya
" E- eehh !? O - opo mahal na prinsessa kung iyan po ang makakapagpasaya sa inyo " sabi naman niya bigla ko naman siya dinamba ng ng yakap
" waahhh ang sarap mo yakapin " sabi ko at binuhat ko siya
" aaaahcvkk s-salamat po mahal na princessa p - pero mas okay po sana kung hindi niyo ako sasakalin " hirap na sabi nito
" S - sorry tara na puntahan na natin si Athena baka kung ano na ang gingawa noon don kanina ko pa siya iniwan ," sabi ko at niyaya ko na siyang maglakad
" okay po mahal na princessa gusto niyo po ba mag transform ako sa pangalawa kong ka - anyuan para maisakay ko po kayo at hindi na kayong mahirapan mag - lakad ? " tanong nito sa akin
" Huwag na okay lang ako kakargahin nalang kita nang gigigil ako sayo ee sige na please" sabi ko dito
" Patay nanaman ako neto " bulong ni frosty
" masusunod po kamahalan " sabi niya at nag mamadali nanamang buhatin siya ni Aria
=======
Nakaka dalawa na tayo mga besshy!! May 2 pa
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasyHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...