(Portal)
Aria's POV
Nakatayo lang kami dito sa open field kung saan lahat ng student ay maghahanap ng guardian para makuha ang kanya - kanya naming guardian. Natapos na ang announcement ni HM ng bigla nalang may tig - iisang portal na lumabas sa harapan namin
"Haay!! Another portal nanaman nakakahilo to hindi pa nga ako maka move - on sa huling portal " sabi ni Selene
I agree nakakahilo naman talaga ang portal parang hinahalukay yung kaibuturan ng sikmura mo (hahaha lalim ng tagalog ko)
"Ang arte pumasok ka nalang pikit mo nalang mga mata mo chao!" sabi ni Chloe mag sasalita pa sana si Selene pero bigla nalang pumasok si Chloe sa portal niya ganun na din ang ginawa ng iba
"okay its my turn " bulong ko pero bago ako pumasok bigla nag salita si Xyron at Xavier
"Take care! 😊" sabi ni Xyron
" Ingat stupid 😑" sabi naman ni kapre at pumasok na sa portal niya nginitian ko lang si Xyron at pumasok na ako sa portal ko
"aHhhhhh ! " Sigaw ko dahil mas nakakahilo at matagal itong portal na ito
"Bwisit ka talaga HM" sabi ko ng maka labas ako sa portal.
Paano ba naman pabagsak ako lumabas sa portal sakit ng pwet ko!
Hmm pero nawala ang pag rereklamo ko ng makita ko na ang buong lugar ...
"WOW!! " 😮
"Napakaganda sobra ngayon lang ako nakakita ng ganito" manghang mangha ako sa aking nakikita parang ayoko tapakan yung mga damong nadadaanan ko parang isang napaka halagang bagay ng mga ito at iba ang kulay kumpara sa normal na damo..
Naglakad- lakad pa ako at pinagmamasdan ko pa din ang mga puno.ibon at iba't ibang klase ng hayop ang mga nadadaanan ko ibang klase para akong nananaginip lang sa lahat ng mga nakikita ko ngayon bigla ko naman namiss sila Selene, Chloe at Leona ganito din kaya ang nakikita nila..
Sana kasama ko pa den sila dito naiimagine ko tuloy nga itsura nila hahaha..Lakad pa din ako ng lakad pero wala pa ding bago sa mga nakikita ko ang gaganda hangang sa makarating ako sa dulo
"Oh My Gosh! Totoo ba itong nakikita ko !??"
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasyHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...