CHAPTER - 35 *

8.6K 256 0
                                    

Aria's POV 

Nandito na kami ngayon sa harap ng napakalaking palasyo as in super laki. Mas malaki pa ito sa paaralan na pinapasukan ko , hindi kaya sila naliligaw sa loob niyan ? Maya - maya pa ay nag - salita na si Athena kaya natigil ako sa mga naiisip ko . 

" Mahal na princessa nandito na po tayo sa Mythical Kingdom dito po nakatira ang tunay na mga magulang niyo sa pag kaka - alam ko po ay nandito din po ang mag - asawang kumupkop sa inyo . " mahabang sabi niya sa akin.

 Bigla naman akong na excite dahil matagal na din nang makita ko sila Tatay Deo at Nanay Minerva pero mas na - eexcite ako dahil makikita ko na ang tunay kong mga magulang. Sino kaya kamuykha ko sa kanila 

" Okay sige tara na pumasok na tayo " sabi ko lang kay Athena

Papasok palang kami ng gate ay nakita ko na agad sila nanay Minerva na papunta sakin kasama si tatay Deo bintawan ko na muna si Athena at tumakbo na ako papunta sa kanila para salubungin ko sila ng yakap.

" Nay , Tay namiss ko po kayo " naiiyak na sabi ko sa kanila ngayon lang kasi ako nalayo sa kanila nang ganun katagal kahit na sabihin nila na hindi ko sila tunay na mga magulang para sa akin sila parin ang pangalawang mga magulang dahil sila ang nag palaki sa akin kung hindi dahil sa kanila ay wala na ako sa mundo na ito kaya malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa. Ipinapangako ko na walang mag babago sa pag sasamahan namin kahit na kilala ko na ang tunay kong mga magulang . 

" Namiss ka din namin anak " umiiyak na sabi sa akin ni nanay Minerva 

" Oo anak namiss ka namin sobra , Pag pasensyahan niyo na kami kung hindi ka  man lang namin nabista sa Academy may kinailangan lang kami asikasuhin ni nanay Minerva mo dito sa palasyo niyo . " pag hingi ng paumanhin ni tatay Deo sa akin at sinabi niya na palasyo namin parang naiilang pa din ako 

" Alam namin anak na alam mo na ang totoo , na hindi talaga kami ang tunay mong mga magulang pero kahit ganon ay minahal ka pa din namin  ni tatay Deo mo na parang tunay naming anak kaya sana patawadin mo kami kung hindi namin agad sinabi sa iyo iyon  " sabi naman ni nanay Minerva na lalong napahagulgol sa pag iyak 

" Okay lang po nay napag usapana na po natin yan " nakangiti kong sabi sa kanila maya - maya pa ay nakarinig kami ng isang napaka gandang boses 

" Ehem . maari ko na bang mayakap ang anak ko ? " tinignan ko naman kung saan nang galing ang boses na iyon at ng makita ko iyon ay napanga - nga nalang ako sobrang ganda niya parang walang kahit na anong dumi wringkles sa mukha niya . 

Unti - unti naman humiwalay sa akin sila Nanay Minerva at Tatay Deo atska yumuko doon sa pinang galingan ng boses " Mahal na Reyna " sabay na sabi nilang dalawa kaya yumuko na din ako my gosh ! Reyna pala ang kaharap namin ngayon so ibig sabihin siya yung reyna ng buong Mythical Kingdom ibig din sabihin nun ay siya ang tunay kong nanay . 

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap pero maya - maya pa ay niyakap ko na din siya. Ang sarap sa pakiramdam feeling ko safe na safe ako . Oo niyayakap ako palagi nila nanay Minerva at tatay Deo pero iba din pala ang yakap na mang gagaling talaga sa tunay mong magulang . 

" Anak ko ... Ang tagal kong tiniis na hindi ka makita ang tagal din kita pinahanap at sa wakas anak maraming salamat na bumalik ka na uli " sabi niya sa akin na nayakayap pa din 

" O- okay lang po inalagaan naman po ako  ng mabuti nila nanay minerva at tatay deo mahal na reyna " sabi ko sa kanya nang nakangiti sa kanya 

" By the way hindi pa nga pala ako nag papakilala sa iyo I'm Queen Olivia Xyria Carlsson  Queen of Mythical Kingdom and Mythical World and I'm your mother  . You should call me Mama parang hindi naman kita anak kung tawagin mo kong  mahal na reyna " nakangiting sabi niya sa akin 

" Ehem ! Mukhang may namiss ata akong kaganapan dito late na ba ako ? " sabi naman ng baritonong boses mula sa likod namin kaya lahat kami ay napatingin sa kanila nakita ko nanaman sila mama na yumuko ulit sa harap ng lalake i mean gwapong lalake kaya yumuko din ako ng makalapit siya sa amin 

" Haay !!! Nako Revilo Carlsson saan ka nanaman ba nag susuot at nawala ka nanaman sinabi ko na sayong ngayon ang dating ng ating anak ! " pagalit pero malumanay na sabi ni mama 

" Ito na ba ang ating anak napaka gandang bata ako nga pala si King Revilo Carlsson king of Mythical Kingdom at Mythical World pwede ko na bang mayakap ang anak ko ? Gaya ng mama mo You should call me Papa " pag kasabi niya nuon ay niyakap na niya ako at tumabi na kay mama at hinalikan ito sa pisngi natawa naman ako at biglang namula si mama

" Isa !! Nasa harap tayo ng bata oh ! Mahiya ka nga Rev ! " sabi ni mama na nahalata namang nahihiya natatawal lang kami nila tatay Deo at Nanay Minerva haha parang hindi Queen at King ang kaharap namin ngayon kundi Teenager nakakatuwa napaka saya ko ngayong araw na ito sa unang pag kakataon nabuo na ang pag ka tao ko sana palagi nalang kami ganito kasya pero kahit anong panalagin namin na maging ganito nalang kami ay hindi pa din pupwede dahil alam namin na maake pa ang responsibilidad kong kailangan gampanan. 

" Oh tayo na sa loob at ng makakain ka na muna at marami pa tayong dapat pag usapan marami pa kaming hindi alam sa iyo anak " sabi naman ni Mama Olivia

At nag lakad na kami papunta sa loob ng Kingdom . 



=========================================

gaya ng sinabi ko mga besshy ! nawala yung 3 chapter na naisulat ko kaya d ako nakakapag update agad sorry ! AND WELCOME NGA PALA SA MGA BAGO KONG BESSHY!!!!!!!!!!!!! 



I'm The Long Lost Mythical PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon