Aria's POV
Natapos na din namin ang training namin sa wakas nakakapagod sobra at higit sa lahat salamat na din at walang mapag lilinis ng school dahil pare-parehas ang score namin ang pag kakaiba lang nauna kami ni kapre lumabas sa training at kami ang kauna unahang nakatapos ng task.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko parang may kakaiba kay Luke at Selene nag bubulungan lang sa tabi minsan ay nakikita ko na namumula nalang bigla si Selene ng hindi malaman na dahilan , Si Cane at Chloe naman hindi nag aaway at for the first time, si Xyron naman at Leona parang ilag sa isa't isa nawalan kasi kanina ng malay si Leona buti ok na siya.
At nandito kami ngayon sa ground dahil may announcement nanaman daw si HM..
"Hello Mythicans nag tataka siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat gusto ko lang ipaalam sa inyo na 4 days from now ay gaganapin na ang ranking pero sa taong ito nais ko ipaalam na makukuha na ninyo ang mga guardian niyo. Alagaan niyo sila katulad ng ginawa niyo sa mga fairy niyo. Ang mga guardian niyo ang makakatulong sa inyo lalo na sa ranking battle lalo pangayon na wala muna kayong fairy dahil sa kanilang ginagawa sa Secret garden upang maging training ground din nila. Makakasama niyo muli ang mga fairy niyo once na matapos na nila ayusin ang task nila. Sa ngayon ay maari na kayong mag pahinga at bukas na bukas din ay pupuntahan na ninyo ang Mythical Creventure kung saan matatagpuan ang inyong Mythical guardian.Thank you and Goodluck" tuloy - tuloy na pahayag ni Hm samin tahimik lang ang lahat habang nakikinig sa lahat ng sinasabi niya at ng matapos na siyang mag salita ay doon na nagsimula ang ingay.
" Excited na ako sa makukuha kong Mythical guardian" Student 1
"Oo nga ako din sana 3 mythical guardian ang makuha ko kaya lang imposible naman" Student 2
Napukaw naman niya ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya.At ng makita nila ko na nakatingin sa kanila ay bigla nalang silang nag takbuhan..
"Haist! mag tatanong lang naman ako mukha ba akong nangangain ng tao." bulong ko
Hindi bali na nga kay Selene ko nalang itatanong kung bakit sabi ng isang student na sana ay tatlong Mythical guardian ang makuha nila diba dapat isa lang ? Hmmm??
(pout)
Pabalik na sana ako sa pwesto kung nasaan sila Selene. Pero kung sinuswerte ka nga naman oh nakasalubong ko pa si Rebecca kasama yung mga alipores niyang mukhang Clown.
" Look who's here" sabi ni Rebecca na nakapamaywang sakin habang nakataas ang isang kilay
"Oo nga Rebecca hmm siya ung umaagaw kay Prince Theo mo at sa Prince Xyron ko" sabi naman ng isang alipores niya na kumakaen ng gum
"Oo nga sis she's so malandi" sabi pa ng isa niyang kasama
"Wala ka man lang ba sasabihin diyan?" tanong sakin ni Rebecca na namumula na at halata naman na napipikon na
"Tapos na ba kayo? Pwede na ba kayong umalis sa dadaanan ko ?" mataray na tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasiaHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...