Deo ' s POV
Pinapanuood ko lang si Aria kung paano niya gawin lahat ng naituro ko sa kanya para subukan makuha ang Black rose hindi ko mapigilan na hindi kabahan dahil parang tunay na anak ko na din siya ituring dahil kami ang nag - palaki sa kanya simula ng sangol pa lamang siya .,..
Sana ay mag - tagumpay siya sa kanyang pag - pili sa Black rose yung mga nakaraang hari at reyna kasi ng iba ' t - ibang kingdom ay sa pag - pili pa lang ng tamang Black rose ay nag - kakamali na kaya hanggang doon lang ang kanilang nagagawa at nahihimatay na .
Muli kong tinignan si Aria dahil nasugatan na niya ang kanyang kamay , Pinagmamasdan ko lang kung paano siya pumili sa mga black rose sa paligid niya . Konti nalang at papatak na ang dugo mula sa kamay na sinugatan niya kailangan ang unang patak nito ay sa tamang black rose niya mailagay . Maya - maya pa ay palinga - linga siya sa 3 black rose na nasa harapan niya ako naman ay taimtim lang na nag - darasal na sana ay tama ang maging pag - pili niya dahil alam na alam kong gustong - gusto niya talaga makuha ang black rose .
Maya - maya pa ay napatingin ako sa bandang kanan kung saan ang daan papuntang palasyo at nakita ko ang Mahal na reyna at hari na nag - mamadaling pumunta kung nasaan ako kasama nila ang aking asawa na si Minerva . Ng makarating sila sa kinaroonan ko ay dali - dali akong yumuko .
" Magandang umaga mahala na hari at reyna " bati ko sa mahal na reyna at hari ng mythical kingdom .
" Magandang umaga din sayo Deo , Kamusta na ang aking anak ? " tanong sa akin ni Haring Revilo
" Okay naman po mahal na hari pero hindi ko din po maiwasan na hindi kabahan sa nais mang - yari ni Aria sa ngayon po ay ang oras na pag - pili niya sa tamang black rose " pag - kasabi ko sa kanila noon ay ibinaling nalang namin ang pag - tingin kay Aria .. Wala ni isa sa amin ang nag - balak pang mag salita ..
Nakatingin lang kami lahat kay Aria ng bigla siyang mag - lakad sa isang parang walang kabuhay buhay na rosas .. Sana tama ng napili niya ng sa ganun ay maibalik na ang dating sigla at katahimikan sa buong Mythical world . Nang naipatak na niya ito sa napili niyang rosas ay bigla nag liwanag ito .. Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa amin . At pag - tingin ulit namin sa kinaroroonan ni Aria ay nawala na ito .. Isang pag papatunay na tama ang napili niyang black rose sa ngayon ay napag - pasasyahan na namin na bumalik sa palasyo .. Iintayin nalang namin siya at patuloy na manalangin na sana ay makapasa siya sa kaniyang pag - subok sa katagal ng panahon ay ngayon lang ulit may naka - pili ng tamang Black rose .
" Tara na sa palasyo duon nalang natin antayin ang pag babalik ng aking anak. " sabi ng mahal na reyna at nag - simula na siyang mag - lakad , at kaagad naman kaming sumunod sa kanya .
Aria 's POV
Nagulat nalang ako ng magising ako sa gitna ng hardin ng palasyo . Tumayo ako sa aking pag - kakahiga at nilibot ko ang aking paningin sa pag - aakala na nandito si Tatay Deo . Mag - lalakad na sana ako ulit pero naramdaman ko na parang may naka - patong sa aking ulo . Nang hinawakan ko ito ay para itong isang corona .. Kinuha ko ito sa aking ulo at napangiti ako sa nakita ko ...
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasiHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...